"So ito pala ang encantadia?" Saad ni Terra habang naglalakad sa kagubatan ng encantadia, tumango lang si Danaya sa tanong ng kanyang anak, napangiti ito nang makita kung gaano kasaya si Terra sa kanyang mga nakikita kaya napagisipan niya na hayaan lang ang anak
samantalang tuwang tuwa naman si Terra na nakikipaglaro sa mga retre at pashnea sa paligid
"Terra anak, malapit ng magdilim, halika't magbalik na tayo sa lireo, bukas nalamang tayo bumalik " Tawag nito sa kanyang anak
"Pero Ina! "
"Terra, magbabalik na tayo ng lireo" Pag uulit ni Danaya nang mag protesta ang kanyang anak, bumagsak ang mga balikat ni Terra ngunit wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod sa kanyang ina
"Opo" Agaran lumapit si Terra Kay Danaya at sabay silang naglaho patungo sa lireo
______"Hara durie" Agad na salubong ni Lilasari Kay Danaya nang makabalik sila, sinenyasan ni Danaya si Terra na mag tungo sa kanyang silid na siya naman niyang agad na sinunod
"May kinakailangan ka Lilasari?" Tanong nito
tumango naman si Lilasari bago ito magsalita "Malakas ang pagbagsak ng niyebe sa sapiro, halos balutin na nito ang buong kaharian, bukod don ay hindi rin namin mamataan si Cassandra"
"Magpapadala ako ng mga kawal upang masagip ang mga mamamayan ng sapiro" Saad ni Danaya at naglakad na, ngunit napatigil siya nang mapagtanto ang sinabi ni Lilasari "Anong sinabi mo?"
"Hindi namin mamataan si Cassandra"
"AT WALA SA INYO ANG NAGHANAP SA KANYA!?" Sigaw nito
"Wag kang mabahala Danaya, pinapahanap na namin siya" Saad ni Alena
"Paanong hindi ako mababahala, Alena apo natin ang nawawala!"
"Alam ko naman yun Danaya, ngunit may iba pa tayong suliranin" Pakikipagtalo ni Alena, napailing nalang si Danaya at naglakad papalayo
napabuntong hininga si Alena sa kanyang isip ay tinatanong na niya kung may nagawa ba siyang kasalanan sa Kapatid, Lalo pa't hindi naman na sila ganun kadalas na mag away
Agad na naupo si Danaya sa upuan malapit sa rebulto ni Amihan, tumingin siya sa isa sa mga ala ala ng kanyang namayapang Kapatid, iniisip kung nagkakaroon bang muli ng lumot ang kanyang relasyon Kay Alena na hindi man lang niya napansin ang pag pasok ni Pirena sa silid sambahan ng Lireo
"Ano't malungkot ka apwe?" napalingon agad si Danaya nang marinig ang tinig ng kanyang edea
"Nagkaroon kami ng pagtatalo ni Alena, edea hindi ko sinasadya na magalit sa kanya ngunit -" Sagot ni Danaya, halata ang pag sisisi sa kanyang tinig
"Wala kang kasalanan, maging ako ay nag-aalala para sa kaligtasan ni Cassandra" Pagtatapat ni Pirena, lalo pa't maging siya ay alalang alala na para sa kaligtasan ni Cassandra, lumapit siya sa bunsong kapatid at tinapik ang balikat nito bago niya nilisan ang silid sambahan ng Lireo.
napatingin lang si Danaya sa rebulto ni Amihan at napabuntong hininga bago siya tumayo at humarap sa rebulto ng bathala at magdasal, nang matapos siya ay agad siyang lumabas ng silid sambahan
nakasalubong niya sina Mira at Lira na kapwa balisa at halata ang pag aalala sa kanilang ekpresyon
"Lira, Mira, nakita nadaw ba nila si Cassandra"
"Ashti, yun nga po eh hindi parin nila nahahanap si Cassandra" Saad ni Lira na halata ang pag aalala para sa kanyang anak, tumango nalang si Danaya at nagpatuloy sa kanyang paglalakad
BINABASA MO ANG
ENCANTADIA SHORT STORIES; Collections and Headcanons
Fanfictionsince Encantadia chronicles; Sanggre is pushed to 2025 I decided to make a Collection of headcanons/Shorts Story of Encantadia prior to the second season. Request is open, Do Dm or Comment your Request if you must. some words may or may be similar t...