Kinabukasan pinagiisipan ko pa rin kung papanoorin ko nga ba yung liga mamaya. Manonood ba 'ko? Isip-isip ko hindi parin ako sigurado kung manonood ako medyo weird din kasi kakakilala pa lang namin.
"Hazel!" My thoughts were disturb ng marinig ko ang malakas na sigaw ni lyra na dahilan kaya tumingan ang mga classmates namin sakanya buti na lang at vacant kami ngayun dahil busy ang iba sa paghahanda para sa liga mamayang 8:30 am.
"Hazel! Pupunta ka 'ba sa liga mamaya? Tinanong kasi ni Xander sa'kin, uy ikaw ah! Nag uusap na pala kayo ah hindi mo man lang sinabi sa'kin," sabi habang kinakain yung lollipop n'ya.
"Actually hindi ako sure kasi me and xander are not close we just met," sabi ko "ano ka 'ba mabait yun si xander try mo makipag friends sakanya," ani lyra.
Bago pa 'ko makasagot ay lumapit si Samantha sa 'min para sabihin na magumpisa na raw ang liga, lumingon naman sa'kin si lyra "so pupunta ka 'ba or hindi?" Tanong n'ya sa'kin "sige na nga basta magkatabi tayo ah" sabi ko. Wala naman mawawala sa'kin kung manonood ako ng liga.
"Yay!" Ani lyra sabay tayo sa kanyang upuan at hinatak ako papunta sa court. Nang makarating kami doon ay marami ng estudyante na excited ng manood ng basketball.
Pero i know na yung iba sa kanila ay narito lang upang makita yung mga paging basketball player, hindi naman ako bitter of course i agree na gwapo rin sila pero hindi ako intesado sa mga ganoong bagay.
Umupo kami ni lyra sa tabi ni Samantha "hi guys, oh hazel first time mo ata manood ah" aniya at medyo natawa, ngumiti na lamang ako sakanya at tsaka umupo.
I was just scanning the crowd looking for him at nang makita ko na s'ya ay nagtama ang aming tingin at nakita kong ngumiti s'ya.
"Uy ano yan" sabi ni lyra na nangaasar inirapan ko na lang s'ya, ilang minuto na lang mag uumpisa na ang laro nang biglang pumunta si Xander sa side namin.
"So you did come" aniya habang naka ngiti na'ka suot s'ya ng jersey na may number sa likod na 19 "kapag nanalo kami libre mo'ko ice cream ah" sabi n'ya sabay ngiti tapos umalis narin dahil mag uumpisa na raw ang laro nila.
Seryoso lamang akong nanonood ang galing naman ng team nila xander sabi ko sa aking isipan dahil baka kapag binulong ko yun ay marinig ni lyra maissue pa naman s'ya.
Habang nanonood ay hindi ko maiwasang antukin kulang rin kasi ako sa tulog kaya parang gusto ko na matulog.
Bigla na lamang nagising ang diwa ko ng tumalon sa saya sina Lyra at Samantha nanalo ang team nila Xander. Wait so ibig sabihin ne'to kailangan ko syang ilibre ng ice cream? I sighed habang iniisip kung pano bako makakatakas dito.
Nang matapos ang laro ay akmang aalis na ako nang hinatak ako pabalik ni Xander great akala ko makakatakas na 'ko eh.
"Where do you think your going? Our team won so you owe me ice cream" sabi n'ya "let's go" aniya at sumunod na lang ako sakanya.
Pumunta kami sa 7/11 para bumili ng Magnum na ice cream yun daw kasi gusto n'ya, nasa may park kami at kumakain ng ice cream "do you have plans after school?" Tanong n'ya habang kumakain ng ice cream.
"Oo matutulog ako" sabi ko, kulang ako sa tulog kaya yan lamang ang plano ko after school, kailangan ko lang mag review para sa quiz namin bukas at dahil 3 hours ko lang gagawin yun ay matutulog na lang muna ako bago mag review.
Natawa si Xander at tumayo para itapon ang basura n'ya patapos narin ako kaya tinapon kona rin yun "did you eat already?" Tanong n'ya umiling ako dahil hindi pa ako nagaagahan.
Great. Kulang sa tulog tapos hindi pa nagaagahan tapos late pa kumain, i have a feeling na malapit kona mameet si Lord dahil sa pinaggagawa ko.
"Where do you want to eat?" Tanong n'ya ulit, napaisip ako ano bang gusto kong kainin? Ah! Noodle yun ang cravings ko "gusto kong kumain ng noodles" sagot ko sa tanong n'ya.
Kaya pumunta ulit kami sa 7/11 malapit lang kasi yun sa park nang makabili kami ng noodles ay pinaupo muna ako ni Xander sa may table s'ya na raw magpapainit ng noodles namin.
Habang naghihintay nag phone na lang muna ako, habang naglalaro ng games ay nilapag ni Xander ang noodles sa table kaya naman binaba ko na ang phone ko.
Habang kumakain ay medyo naiilang ako dahil nararamdaman ko ang pag sulyap-sulyap ni Xander sa'kin.
Nang muli syang sumulyap ay nagkatinginan kami tinaasan ko s'ya ng kilay na dahilan naman para ngumiti s'ya cute bulong n'ya pero narinig ko parin.
Biglang naginit ang pisngi ko at tinuoon na lang muli ang atensyon ko sa pagkain. Nang matapos kami kumain ay bumalik kami sa school para kuhanin ang gamit namin, half day kami ngayun dahil may laro ang mga basketball player kaya maaga ang uwian namin.
"I'll take you home" sabi ni Xander at binitbit ang bag ko sumunod na lang ako sakanya "kaya ko naman umuwi mag-isa, akin na yang bag ko" sabi ko at sinubukang kunin ang bag ko pero ayaw n'ya talaga ibigay sa'kin.
"No I'll take you home, saan ka'ba nakatira?" Pagpupumilit n'ya i just sighed at pumayag na lang akong ihatid n'ya ako sa bahay namin.
Nang makarating kami sa gate ng bahay namin ay kinuha kona ang bag ko at akmang magpapaalam na kay Xander nang bigla syang nagsalita "tomorrow after class sa may park" sabi n'ya ay umalis na.
Pumasok ako sa loob ng bahay namin at umakyat sa kwarto ano daw? Bukas sa park? Ano naman kaya ang binabalak nung lalaking yun isip-isip ko.
To be continued.
YOU ARE READING
Our Love Story (Bridge Series #1)
RomanceEveryone wants to experience "highschool romance," but not me. I prefer to focus on my goals and date when I'm ready. All the guys that liked me are rejected... but him. Is he going to be an exception?