Nang maka balik na kami sa rooms namin, nagsilapit ang mga kaibigan ko sa'kin "oy, ano kamusta date niyo?" Tanong sa'kin Jane "okay lang" sagot ko sa kanya.
"What do you mean okay lang?" Sunod na tanong ni Lyra sa'kin "ano ba ginawa ninyo during break time?" sunod ulit n'ya na tanong "kumain nalamang, ano ba ginagawa ng mga students kapag nag rerecess 'di ba kumakain" sagot ko sa kanya.
"Yun lang?" Tanong pa ulit ni Lyra "oo nga yun lang" ani ko "bayan wala man lang kilig moments? Wala? Kahit isa?" Ani Lyra na parang naiinis "kilig moments? Wala 'no kumain lang kami" sagot ko.
Hindi kona sinabi na meron naman talagang maikli na kilig moment aasarin lang kasi nila ako.
"Nanjan na si ma'am" sabi ni Chelsea sa amin at mga classmates namin, kaya naman bumalik na kami sa mga upuan namin.
Habang nag didiscuss si ma'am nararamdaman kona yung resulta ng pagpupuyat ko kagabi.
Sh*t. Kailangan ko labanan antok ko.
Kaya naman uminom ako ng tubig para naman kahit papano ay magising ako kaso hindi rin yun nakatulong.
Gusto kona umuwi. Gusto kona matulog.
Sabi ko sa isip ko habang nakatuon ang atensyon ko kay ma'am, kahit inaantok na 'ko nakikinig parin ako sa mga sinasabi ni ma'am.
Nang matapos ang klase tinignan ko agad kung anong oras na.
11:10 na onting tiis na lang makakauwi na rin ako. Laban lang self, kaya natin 'to.
"Inaantok ka 'no?" Tanong sa'kin ni Jane "oo, ikaw ba?" Tanong ko pabalik sa kanya "oo naman syempre, gusto ko na nga umuwi eh" sagot n'ya at humikab.
"Okay students class dismissed, yung mga cleaners natin today maiwan kayo, pres ikaw na bahala sa kanila ah" sabi sa'min ni ma'am guinive "opo ma'am, ako na po bahala sa kanila" sagot ko naman kay ma'am at tsaka s'ya umalis.
Nang matapos na maglinis ang mga cleaners sa room namin kinuha ko na ang mga gamit ko para bumaba "Jane lika na, nagaantay satin si Zoey oh" sabi ko sa kanya "oo wait lang" ani n'ya sabay kuha ng kanyang mga gamit.
Nasa may gate na kami ng school namin at bigla na lang may mga babaeng humarang sa'kin "hoy, ano kayo ni Xander? Girlfriend ka n'ya?" Tanong ne 'to, may galit ata sa'kin.
"Hindi ko boyfriend si Xander" sagot ko sa kanya "Hindi naman pala eh, kaya iwasan mona s'ya may girlfriend na s'ya at ako yun" sabi ne 'to sabay irap ng mata n'ya sa'kin.
Bago pa'ko makasagot ay may nag salita sa likod nung mga babae "hindi pa'ko nag kakaroon ng girlfriend, kaya wag kang delusional jan" lumingon yung mga babae sa likod nila at nakita namin si Xander.
"X-xander n-nanjan ka pala, kanina ka pa ba n-nanjan?" Tanong ni ate girly bigla atang nawala ang pagiging maldita n'ya nung dumating si Xander.
"Kanina pa'ko dito, long enough to hear you harassing Hazel. Tingin mo ba magkakagusto ako sa'yo? No. Hindi ko kayang ipilit ang nararamdaman ko para sa'yo, dahil may gusto na 'kong iba" ani n'ya at tumingin sa 'kin.
"Don't bother her again, if you do you know what will happen to you and your friends." Sabi ni Xander sa kanila.
Buti nga sa'yo, b*tch.
Walang ibang nagawa ang babae at mga kaibigan n'ya kundi humingi ng tawad sa 'kin at umalis na, buti nga sa kanila. "Are you okay?" Tanong sa 'kin ni Xander "yeah, okay lang ako." Ani ko sa kanya.
"Is it okay kung ako na naghahatid sa kaibigan n'yo?" Tanong ni Xander kila Jane at Zoey nag eye contact sila at nahalata ko ang pagpipigil nilang ngumiti.
Ako ata ang magiging bagong chismis sa gc namin. Hasyt.
"Sure okay lang, ingatan mo kaibigan namin ah at ingat rin kayo" ani ni Jane at tsaka Hinatak paalis si Zoey paalis.
"Let's go, let me take you home."
To be continued.
YOU ARE READING
Our Love Story (Bridge Series #1)
RomanceEveryone wants to experience "highschool romance," but not me. I prefer to focus on my goals and date when I'm ready. All the guys that liked me are rejected... but him. Is he going to be an exception?