Chapter Fourteen
The sound of the alarm clock woke me up. Sa tagal na panahon na nangyari yun, It just suddenly visited my dream. Lol."Stop being so nostalgic, Emi." gumising na ako at agad naligo. Uuwi na talaga ako sa Pilar. Goodness, ready na ba ako?
Habang nag-aayos ako sa sarili, naalala ko na naman si Cley. Totohanin niya kaya ang pangako niyang titigilan na niya ang pangsdtalk sakin? Sana naman ay oo dahil ayoko ng guluhin niya ako. Dapat ko ng ipagpatuloy ang pagmove on sa kanya.
"Bunso, wag kalimutang magdasal bago sumakay sa eroplano ha? Magtext ka samin"
"Opo dad. Sge na, andito na ang taxi, sasakay na ako. Bye, see you later, pakisabing I love you kay mama."
Nakasakay na ako ng taxi at malapit na ako sa airport, walang bakas ng Cleyou0 Andres ang buntot ng buntot sakin. Salamat naman kung ganun!
August 19, 2014
"Emi? Carlo, come here in my table" nagtinginan kaming tatlo ni Shin at Jea bago ako lumapit sa table ng adviser namin. Para saan kaya yun? Madalang pa naman akong tawagin ni Miss. Natatakot tuloy ako.
"Miss" nakangiti kong sabi. Sana naman hindi tungkol sa grades ano? Kasi talagang malalagot ako kay kuya nito.
"Kailangan natin ng representative para sa Lakambini, Lakandula para sa buwan ng Wika this August 22. Aside kay Claire at Orly na muse at prince natin, we need another pair para mapagpilian sa second year level. Gusto ko kayong idagdag ni Carlo dahil matatangkad naman kayo at magaling naman kayo sa oral recitations"
"P-po? Ako?" nauutal kong tanong. Hala bakit naman ako? Napakamahiyain kong tao at ayaw kong magsuot ng damit pangbabae!"Miss naman, nakakahiya naman po eh" kamot ulong sabi ni Carlo.
"Sge na, kailangan kasi apat kada classroom mga anak, saka screening pa naman to, at least lang may maepresenta sa classroom natin. Pwede namang hindi niyo galingan kasi apat lang naman ang pipiliin para sa second year. Go na kayo ha? Dagdagan ko na lang isang puntos grade niyo hehe"
So hayun. Nasali nga ang frenny niyo sa screening ng lakambikini kuno. Hahaha! Nakakatawa. Ang baba naman ng standards ng teacher ko dahil lang sa matangkad ako, di naman ako maganda. Pffft.
"May ipapasuot ba sayo? Or ipagpamake-up kayo?"
"Oo nga, dapat mo yung paghandaan. Marunong ka ba mag make-up?"
Ito talagang dalawa kong mga kaibigan, as if naman mag e-effort ako noh.
"Syempre hindi, ni lipstick nga wala ako eh! Uniform lang daw saka mag-ayos ng buhok. Pero di na tayo mag-aabala. Wala naman akong balak seryusuhin yun. Para ano? Pagsuotin ako ng maikling shorts at gown? Cringe!"
"Wag ka nga! Pinili ka nga ni miss tapos e-te-take for granted mo?" kibit balikat na ani ni Shin. Inggit na inggit na naman itong babae, kasi naman mahilig talaga siya sa mga pageants. Sa amin kasing tatlo siya ang mahilig magdamit ng mga trendy. Pandak nga lang ahaha.
"Nakita ko na namang nagpapractice si Herajean. Kasali kaya ulit siya?" umigting na naman tenga pagkadinig sa pangalan ng Hera na yan.
"Ano pa ba? Si kuya Cley nga daw sana ang partner niya kaso ayaw niya. Sakto sana eh magjowa sila, di ba?"
"Ha? Magjowa sila?!" sabay naming tanong ni Jea.
BINABASA MO ANG
𝙃𝙤𝙬 𝙏𝙤 𝙈𝙚𝙣𝙙 𝙃𝙞𝙨 𝘽𝙧𝙤𝙠𝙚𝙣 𝙃𝙚𝙖𝙧𝙩
Short StoryCleyou Andres was once an honorable man, never resorting to deceit or dishonesty. Sa kanilang apat na magkakapatid, siya ang tinaguriang lover boy. Gentleman, palatawa, matalino at higit sa lahat, hindi babaero. However, despite courting her first t...