Apology

31 4 0
                                    

Chapter Twenty Two

I arrived at their house in the afternoon today. Nagpadala na rin si mama ng mga pagkain at tea leaves para daw kay tita. Kaya naman ay nang dumating ako ay abot tenga ang ngiti nito at niyakap ako ng mahigpit.

"I miss you mi hermosa. Salamat at binisita mo ako uli"

"Kumusta na po kayo?" I asked as we pulled away.

"Doing fine. Alam mo na pag tumatanda na, marami ng nararamdaman sa katawan. Tumaas ang dugo at kaya hayun, nahilo at natumba"

"Po? Natumba?!"

"Haha! But I am fine now, wag ka ng mag-alala." she smiled.

Nageguilty tuloy ako dahil sa pagiging oa ko. Kahit sana si tita na lang ang inisip ko, bahala na tong si Cley.

Speaking of him, hindi pa rin nawawala ang kakaibang expresyon ng mukha na na tila galit na ano. Ewan.

Bahala nga siya diyan. Kung kokomprontahin man niya ako edi mabuti, at baka ma unlock niya ang pagiging pranka ko at masabihan ko siya sa mga hinanakit ko sa kanya. Hmp!

"

Paki sabi sa mommy mo na salamat ha? Napakarami naman niyang pinadala para sa akin. Nag-abala pa talaga siya."

"Opo. I'll tell her. Nag-aalala rin po kasi siya sa inyo."

"Nah. I am getting better. Mabuti na lang at kasama ko itong dalawa dito sa bahay kaya ay nakapagpahinga rin ako."

"Plano naming maligo sa lawa, sumama ka na samin, Emi." aya sakin ni France habang naglalagay ng pagkain sa basket.

"Ah..huh? Wag na siguro."

"Nako sumama ka. Ako ang nag-aya sa kanila para naman makabawi kami sa iyo. Talagang nakokonsensya kami sa nangyari nong kasal at napabayaan ka namin. Sana mapatawad mo kami"

There we go again, where my blood rushed to my cheeks. Nakakahiya! Bakit ba kailangang pag-usapan na naman 'to?

Umiling iling akong itinanggi iyon sa kanila. "Po? Wala naman po akong pagtatampo. Saka hindi niya dapat ako inaalala masyado, kayo po yung imbitado hindi ako"

"Tara na, pumunta na tayo sa lawa. Tiyak mahangin ngayon doon" tita Maria smiled and held my hand.

Wala pa talaga akong kawala ngayon.

"P-pero, kaya niyo po bang maglakad papunta doon?" eh kasi nga di ba kailangan niyang hindi gaanong magpagod?

"Magsh-short cut tayo." nakangising sagot no France at hinigit na nga ako ni tita sa likurang bahagi ng bahay nila. I took a short gaze at Cley na may dalang iba pang gamit pero blanko lang ang ekspresyon ng mukha nito.

Hindi ba niya aayain si Herajean? Para naman maging busy siya at hindi na niya ako tinititigtitigan ng ganyan.

Nauna na silang dalawa sa paglalakad sa amin habang kami nama ni tita ay dumahan dahan lang sa paglalakad dahil ayoko namang mabinat siya. Kahit ganoon ay masaya pa rin akong nagkita kami ulit. Miss ko na rin kasi siya.

"You and Cley must talk."

"H-huh?" agad bumalik ang diwa ko sabay ng malakas ng pagpintig ng aking puso. "B-bakit? Anong pag-uusapan namin?"

"He must apologize to you. Isa na rin yang nag-aantay sayong bumisita ka dito. He even planned to go to your house couple of times pero pinipigilan namin." jusko po! Sa bahay?! Oh no! "Paano kayo makakapag-usap ng maayos niyan kung pupuntahan ka niya doon di di ba? Kailangan niyong mag-usap na kayong dalawa lang"

𝙃𝙤𝙬 𝙏𝙤 𝙈𝙚𝙣𝙙 𝙃𝙞𝙨 𝘽𝙧𝙤𝙠𝙚𝙣 𝙃𝙚𝙖𝙧𝙩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon