Chapter Fifteen
"Emi! Anaaak!" abot tenga ang ngiti ko nang matanaw ang kumakaway kong daddy at mommy. Finally, nakita ko rin sila for many years of being away.
"Hello, I miss you so much!" maiyak iyak ko silang niyakap isa isa. Medyo naging emosyonal akong makita ang pagbabagong pisikal ng mga magulang ko. They both have some gray hairs on their hairline and the wrinkles are kinda obvious now. Tumatanda na ang parents ko na hindi ko man lang napapansin.
"Are you really my daughter?" pabirong tanong ni mama na panay pahid sa mga luha nito. Tinawanan ko na lang siya at nahawa na lang rin si daddy. "Look at you, mas lalo kang gumanda anak."
"Saan pa ba ako magmamana?" *wink*
"Let's go. Hinihintay ka na ng kuya at ate Andrea mo."
Maybabyahe pa kami ng isang oras at kalahati papuntang Pilar galing dito sa airport. Bago pa man ako makabawi sa mga magulang ko ay si kuya na lahat ang nagspoil sa kanila. Pinaayos niya muna ang bahay, binilhan sila ng sasakyan at nagpatayo ng convenience store sa baba ng bahay dahil nauna ng nagretiro ang mommy. Kaya nga confident na yung magkapamilya eh. Hahaha! Edi sanaol ano?
Habang nagbabyahe kami, hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatanaw sa magagandang tanawin na dinadaanan namin. Hindi ko talaga napamilyar ang mga lugar na to. It was even my first time seeing these nong paalis na ako sa Pilar and now is the second time. Imagine kung gaano ako na isolate sa lugar namin.
Just felt a bit nostalgic habang naaalala ko ang sinabi ni mama. Did I really make myself better? A flashback just bought back from in my mind the moment I gained the confidence to explore my feminity. Of how I unlocked it.
August 20, 2014
"
Mommy, paano ba tanggalin to pagkatapos?" nakakabahala naman tong si mommy, inubos talaga ang tatlong sachet ng gel sa buhok para daw malinis ako tingnan. Syempre sinabi kong kasali ako sa screening ng Lakambini, Lakandula at napakaproud niya.
"Wag mo ng isipin yun. Alalalahin mo ang tinuro ko sayo kagabi. Chin up, smile, dapat maayos na posture. Tapos--"
"One leg forward." dugtong ko.
Kahapon lang eh wala akong pakealam pero simula nong si Cley mismo ang nagtanong sakin kung tomboy ba ako ay bigla na lang akong inihipan ng kumpyansa sa sarili. Sabi nga ni Shin, hindi ako pipiliin ni Miss kung di ako worthy, di ba? Sisiguraduhin kong makikita nilang totoong babae ako.
"Good luck, anak. Galingan mo ha?"
"Paano kung hindi ako mapili?" nangangamba kong tanong. Syempre nakakahiya yun.
"Okay lang, unang beses mo pa naman eh. Basta wag kang kabahan, okay?"
Pagpasok ko pa lang sa classroom ay nagsitinginan agad ang mga classmates ko sakin. Nagsilapit pa nga. Jusko!
"Wow, si Emi oh nakaheels"
"Ayos na ayos ah"
"Galing naman, pinili siya ni miss"Inirapan ko lang sila at umupos sa upuan ko. Manghang mangha pa ang dalawang si Jea at Shin kasi nga first time nila akong nakitang nag-ayos.
"Buti naman pinapasok ka diyan sa pula mong labi?" naiinggit na tanong ni Shin.
"Syempre hinatid ako ni mommy at siya ang nagsabi sa guard na may screening sa hayun"
"Akala ko ba hindi ka mag-aaksaya ng oras ha, anyare?" taas kilay na tanong naman ni Jea. Ang hirap talaga magkaroon ng bestfriends na hindi alam ang kalokohan mo. Pasensya na talaga friends, kailangan kong itago hangga't. Mahirap na baka iwasan ako ni Cley. Speaking of that, hinanap ng mga mata ko ang dalawa kong mga classmates na nagbigay ng regalo sakin galing kay Sandrah. Nagbubulungan na naman ang dalawa kaya tinaliman ko kaagad sila ng tingin.
BINABASA MO ANG
𝙃𝙤𝙬 𝙏𝙤 𝙈𝙚𝙣𝙙 𝙃𝙞𝙨 𝘽𝙧𝙤𝙠𝙚𝙣 𝙃𝙚𝙖𝙧𝙩
Short StoryCleyou Andres was once an honorable man, never resorting to deceit or dishonesty. Sa kanilang apat na magkakapatid, siya ang tinaguriang lover boy. Gentleman, palatawa, matalino at higit sa lahat, hindi babaero. However, despite courting her first t...