Ps. Ini-edit ko po ang storya na ito, marami po akong idinagdag sa bawat chapters kaya asahan niyo na marami kayong makikitang changes. Iyon lang po, enjoy reading!
- Capitulo_ocho
_______________________________________________________
Aries P.O.V
Nakatayo ako sa harap ng isang malaking gate na kulay ginto. Nababalotan ito ng makakapal na lumot at ligaw na mga halaman. Sa tuktok nito ay may mga nakaukit na letra.
HEAVENLY UNIVERSITY
Kulay ginto din ito na may bahid ng-dugo? Sa likod ng napakalaking gate ay ang napakalaki ring kastilyo.
Oo, kastilyo. Ang paaralang ito ay para na ring isang kastilyo. Kastilyong pinamumunoan ng hari at reyna, prinsipe at prinsesa. Ang lugar na ito ay pinamumugaran ng mga katulad ko, mga demonyo. Taliwas sa pangalan nito ang mga taong nasa loob at nag-aaral dito, maging ang mga professor ay masahol pa sa hayop. Hindi lang basta-basta professors ang nagtuturo dito, dahil mga mamamatay tao rin sila kagaya ko.
Napakarami ring estudyante ang nandito sa labas ng napakalaking unibersidad. Nagmistula itong dagat ng mga tao sa sobrang dami at dahil doon ay hindi ko na ito mabilang pa. May mga babae pero mas lamang ang bilang ng mga lalaki. Ang iba sa kanila ay parang mga mukhang gangster na pa-cool lang ang alam, meron din namang mga ordinaryong estudyante na patapon na ang buhay kaya ipinatapon na sila ng kanilang mga magulang sa unibersidad na ito. May mga mukhang adik na sa tingin ko ay bangag pa sa drugang hinithit dahil sa mapupula nitong mga mata. Kung ordinaryong tao lang ako ay siguradong nanginig na ako sa takot.
But I'm not, I'm also one of them.
A demon.
This school feels like paradise.
No.
This place is hell.
Kabaliktaran sa pangalan nito. Akala ng ibang tao na isa lamang itong normal na private school para sa mga mayayaman na walang ibang ginawa kundi pakipag basag-ulo at mga estudyanting wala nang pag-asang magbago. In short, lugar ito para sa mga taong walang kinakatakotan maski si kamatayan.
But no, this place are for demons. Mga demonyong estudyanting hindi na makontrol ng mga magulang kaya ipinaubaya na lamang sila sa paaralang ito.
And this is the place where I.....belong.
Kumislap ang mga mata ko dahil sa excitement na nararamdaman.
'Death is the only escape, huh? Let's see, hehe...'
"Heavenly University. School for bastards and bitches, huh?" Bulong ko sa sarili habang nakapaskil ang ngise sa mga labi.
'Let's see, ito ang next mission ko. And my mission is to protect a bastard, huh? This is fun!'
Kinuha ko sa loob ng aking bag ang isang white folder kung saan, nakalagay ang aking fake identity.
I'm not a spy nor a secret agent, I am an assassin na minalas na mapunta sa misyon na ito.
Napataas ang aking kilay ng mabasa ang nasa loob ng folder.
'Candy Santivañez. 19 years old. A daughter of a business tycoon and her mother is a fashion designer, a sweet and kind girl, has four siblings and the youngest. Love eating sweets, and.....innocent? Tsk! Ang lakas ng tama ni Master.'-_-
YOU ARE READING
Heavenly University
ActionAries Jin Vilerion 20 years old o mas kikilalanin natin bilang Candy Santevañez, ay isang assassin na pumasok sa Heavenly University, hindi para mag-aral, kundi para sa isang misyon. Napilitan lamang itong tanggapin ang misyon dahil sa pamimilit ng...
