Ikalabing-pitong Kabanata

193 20 79
                                        

WARNING: READ AT YOUR OWN RISK. ANG KABANATANG ITO AY MAY MASISILANG TEMA, LENGUWAHE, KAHARASAN, SEKSWAL, HORROR, O DRUGA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATA! PERO DAHIL MATIGAS ANG ULO MO, HALA SIGE! SCROLL DOWN!

— Capitulo_ocho

_______________________________________________________



Aries P.O.V


"How are you, Aries? The team are currently investigating the incident."


Napabuntong-hininga ako nang marinig ko ang boses ni Master mula sa kabilang linya.


"I'm fine Master, the target is also perfectly fine." Seryuso kong sagot.


Nakarinig naman ako ng isang malalim na buntong-hininga mula sa kabilang linya.


"Good. Just focus on your mission and we'll take care of the rest. Now, I want you to take a rest, Jinjin anak."


Napangite naman ako dahil sa narinig.


"Oky po tito, ikamusta mo na lang ako kay tita at sa kambal." Nakangite ko pa ring saad bago ibinaba ang tawag.



Sandaling katahimikan.



Napabuntong-hininga ako bago tumayo sa malambot na kamang aking kinauupoan.



Mabagal akong naglakad patungo sa balkonahi ng kwartong inuukopahan ko.



Kasalukoyan akong nasa royal palace, rito ako dinala ni Glenn na utos ng kaniyang abnormal na amo. Masakit pa rin yung paa ko pero nakakaya ko namang maglakad ng deretso, sadyang oa lang ang mga animal kaya nilagay ako sa wheelchair. Aya!



Napapikit ako nang maramdaman ko ang sariwang hangin na dumampi sa aking katawan.



Idinilat ko ulit ang aking mga mata at inilibot ang tingin sa paligid.



Malalim na ang gabi, ngunit hindi ganoon kadilim dahil sa liwanag na nanggagaling sa buwan at sa libo-libong bituwin sa kalangitan.



Dinikot ko sa bulsa ng pantalon ko ang isang lighter at sigarilyo, pagkatapos ay inilagay ko ito sa aking bibig at staka sinindihan.



Pagkabuga ko ng usok ay muli akong napabuntong-hininga. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napabuntong-hininga ngayong araw. Aya!



'Nakakapagod din pala ang ganitong buhay, siguro pagkatapos ng misyon na 'to uuwi na ako ng probinsya at maninirahan ng tahimik—talaga bruha, tahimik? Bitch, peace is not in your vocabulary.'



Mahina akong napatawa dahil sa kalokohang naisip.


Simula't sapol, hindi na naging tahimik ang buhay ko. Kahit nga noong binyag ko umuulan ng mga bala at bumba eh pfft.....


Napailing-iling na lamang ako pagkatapos ay napatitig sa maliwanag na buwan.


'Hindi naman siguro masamang humingi ng katahimikan at kapayapaan, hindi ba?'


Makalipas ang ilang minuto ay napakunot ang noo ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Itinapon ko muna ang sigarilyo bago pumasok sa loob ng kwarto para kunin ang cellphone kong nakapatong sa kama.


Agad kong sinagot ang tawag nang hindi tinitignan ang pangalan ng caller.



"HI, GIRLY POP!" Nailayo ko ang aking tainga sa speaker nang marinig ko ang malakas na boses ni Kia mula sa kabilang linya.



Heavenly University Stories to obsess over. Discover now