Ikalabing-apat na Kabanata

234 43 47
                                        


Aries P.O.V




"Girl, oh my gosh! Did you know that they found another dead body at the forbidden forest?"


"Omg, yes girl! It was so disgusting ugh...."


"Yeahh, like eww I don't want to die that ugly ya'know!"



"Me too, I can't imagine myself not wearing my favorite blush when I die!"


"Bro, have you heard the news?"


"Yeah bro, I also saw the victim's dead body and it was so disgusting!"


"Damn bro, I gagged when I saw it!"



I rolled my eyes in annoyance as I continued walking.



'Aish! Ganoon na ba kahirap mahuli yung killer? Should I help them—nah, I'm just gonna mind my own business—for now.....ang utos lang naman sakin ay pag-aralan ang kaso, hindi para lutasin hehe.... '



Kahit saan ako magpunta ay usap-usapan pa rin sa buong campus ang nangyaring kababalaghan kagabi. Pati mga guro ay pinag-uusapan iyon, kung hindi nga lang ako kwenintohan ni Valerie sa mga nangyari kagabi ay hindi ko pa malalaman ang kumakalat na issue ngayon.



'Paano mo naman malalamang bruha ka eh ang sarap ng tulog mo sa library?? Nag-suot ka pa talaga ng earpods kaya ang ending, hindi mo narinig yung announcement!' kastigo ko sa aking sarili.




Hindi ko kasi namalayan na nakatulog na pala ako sa loob ng library, hindi tuloy ako nakapasok sa iilan kong subjects kahapon.



Napailing na lamang ako nang maalala ang napag-usapan namin ni Valerie kanina.









Isang hikab ang lumabas sa aking bibig bago papikit-pikit at dahan-dahang binuksan ang pinto ng aming dorm.



Kakagaling ko lang sa library, hindi ko kasi namalayan na nakatulog pala ako doon kahapon. Dahil na rin siguro sa pagod at stress kaya nakatulog ako kaagad.


"Onēsan, dokoni ita no? Watashitachi wa anata no koto o totemo shinpai shite imasu!"


translation: Big sis, where have you been? We're so worried about you!






0_0






Muntik na akong matumba nang bigla akong yakapin ni Katana.



Mahigpit na mahigpit ang pagkakayakap nito sa akin na animo'y ano mang oras ay mawawala ako sa kaniya.



Dahan-dahan ko naman itong inilayo sa akin upang makita ko ng maayos ang kaniyang mukha.



Saglit namang nanlaki ang mga mata ko nang makitang umiiyak ito.




Napatingin naman ako sa tatlo pang tao sa likod ni Katana, bakas din ang pag-aalala sa kanilang mga mata na siyang ipinagtaka ko.



Ibinaling ko ulit ang tingin kay Katana nang lalong lumakas ang paghikbi nito.



"Hey, why are you crying, hmm?? What's wrong?" Malambing na saad ko habang pinupunasan ang mga luha nito.




Umiling-uling lang ito at muling isinubsub ang mukha sa aking dibdib.



Mas lalo ring humigpit ang pagkakayakap nito sa akin, ngunit hindi ito naging sapat upang ako'y mahirapang huminga.



Heavenly University Stories to obsess over. Discover now