Aries P.O.V
"Ladies and gentleman! Please welcome, from section Alpha, condidate number.....69!" Malakas na sigaw ni Jared.
Napuno naman ng tawanan at hiyawan ang buong klase nang kumikimbot na naglakad si Poul o mas kilala bilang Poula sa harapan namin.
Parang naging stage niya ang classroom, ngumingite pa ito at kumikindat sa mga kaklase naming lalaki na lalong nagpalakas ng kanilang hiyawan.
Nakapolupot sa malaki nitong katawan ang puting lumang kurtina na nakita nila ni Jared sa storage room dito sa loob ng classroom namin. Nagmistula itong gown niya, sobrang pula din ng labi at pisnge nito dahil sa liptint na siya mismo ang naglagay sa kaniyang mukha. May suot din siyang high heels na kung hindi ako nagkakamali ay mahigit 5 inches ang taas. Ewan ko nga kung saan nila iyon nakuha, mukha pa naman itong mahal at matibay. Kulay silver ito at may ribbon pa sa harapan na mas nagpaganda rito.
Natahimik ang lahat nang huminto na ito sa pagrampa. Lahat kami ay inaabangan ang susunod niyang gagawin.
''Hindi po ako magsisimula hanggat wala akong naririnig na hiyawan!'' Malakas na sigaw nito gamit ang kaniyang pinatinis na boses.
Naghiyawan at tawanan naman sila, at may sumipol pa.
''Hindi rin po ako magsisimula hanggat wala akong naririnig na palakpakan!'' Matinis na sigaw niya mabuti na nga lang at hindi siya pumiyok.
Nagpalakpakan naman sila kasabay ng hiyawan at tawanan.
''I pleasent morning to all of you! Standing in front of you is a young and beautiful lady! My name is Poula Mariano, ll17 of age. Representing, Philippines!'' Malakas na sigaw nito.
''Woohooo! Go Poula!''
''Amacana anteh! HAHAHAHAH slay queen!''
''Wala na! Uwian na! May nanalo na guys! HAHAHAHAHAH''
''Poula! Poula! Poula!''
''Go aclaaaa! Bogshh! Pasaboggg! HAHAHAHAH''
Puro hiyawan, palakpakan at tawanan lamang ang maririnig sa apat na sulok ng malawak naming silid. Habang ako ay nakatingin lamang sa kanila at lihim na natatawa. Nakakatuwa silang tignan. Lalo na si Poula.
Malaking tao si Poula. Ma-muscle ito at lalaking-lalaki tignan, kaya hindi mo talaga aakalaing pusong babae siya. Matangkad, gwapo at moreno ito, sa tingin ko nga ay half black american and half filipino siya. Sa katunayan nga ay inakala kong isa siyang tunay na lalaki noong una ko siyang makita. Pero noong magsalita at maglakad na ito ay talaga namang nagulat ako. Subrang tinis kasi ng boses nito at subrang lambot kumilos, malalaman mo agad sa pilantik pa lang ng kamay niya na parehong lalaki ang gusto niyo.
"How are you feeling today candidate number 69?" Tanong ni Jared gamit ang panglalaki nitong boses.
Si Jared ay isa ring bakla kagaya ni Poula, ang pinagkaibahan lang nila ay hindi nagdadamit babae si Jared. Pogi rin ito, matangkad, at chinito, kung naging straight lang ito ay malamang marami na itong nabiktimang babae.
Ngumite muna sa amin si Poula bago ilagay ang kamao sa tapat ng kaniyang bibig. Nagsilbi niya itong microphone.
"I'm feeling ecstatic today, thank you for asking!" Nakangiting sagot nito.
YOU ARE READING
Heavenly University
ActionAries Jin Vilerion 20 years old o mas kikilalanin natin bilang Candy Santevañez, ay isang assassin na pumasok sa Heavenly University, hindi para mag-aral, kundi para sa isang misyon. Napilitan lamang itong tanggapin ang misyon dahil sa pamimilit ng...
