Aries P.O.V
Malamig ang hangin at madilim ang paligid, ang tanging liwanag lang ay ang upos ng sigarilyo sa pagitan ng aking mga daliri at ang maliwanag na buwan sa itaas. Nandito ako sa balkonahe ng aking kwarto, seryuso ang mukhang nakatanaw sa kawalan.
Hithit. Buga. Ang usok ay dahan-dahang tinatangay ng hangin, kasabay ng mga isiping hindi ko maibahagi sa kahit kanino.
Biglang nag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng aking pajama. Hindi ko na kailangang tingnan ang screen dahil alam ko kung sino ang nasa kabilang linya, kaya agad ko itong sinagot.
Dahan-dahan kong ibinuga ang usok ng yosi habang nakatingala sa madilim na langit. Ramdam ko ang hapdi ng mga tahi sa tagiliran ko sa tuwing humihinga ako nang malalim, pero binalewala ko 'yon.
"Yoo, Master." Nakangise kung pagbati sa caller.
Isinandal ko ang aking likod sa malamig na riles ng balkonahe, hinahayaan ang hangin na tangayin ang buhok ko.
"Aries, bakit gising ka pa rin sa ganitong oras? Sabi ko sayo, kailangan mo ng pahinga para tuloyan kang gumaling."
"Alam mo namang hindi ako basta-basta nakakatulog, Master." Biro ko, habang nilalaro ang upos ng sigarilyo sa pagitan ng aking mga daliri.
Narinig ko ang mahinang buntong-hininga niya sa kabilang linya.
"Matigas talaga ang ulo mong bata ka!"
Napatawa ako nang mahina dahil sa sinabi ni Tito, sigurado akong nakakunot na naman ang noo niya sa kabilang linya.
"Kamusta ang lagay mo? How about Caspain?"
"Buhay pa naman." Nakatawang sagot ko habang nakadungaw sa malayo.
"Hindi ako nakikipagbiroan, Aries Jin Vilerion!"
Mas lalo akong natawa nang marinig ko na ang buong pangalan ko sa kabilang linya pero agad din akong napatahimik at sa pagkakataong ito ay nawala ang ngisi sa mukha ko at napalitan ng seryosong tingin habang nakadungaw sa mga bituwin sa langit.
"Maayos na ang target. Nakaligtas siya dahil...nandoon ako sa tamang oras."
"Alam ko." Panimula ni Tito. Seryuso ang boses niya ngunit may bakas ng kaginhawaan ang tuno nito.
"Alam kong hindi mo siya pababayaan, pero sana naman Jinjin anak, wag mo ring pababayaan ang sarili mo." May bakas ng pag-aalalang tugon ni Master, at sa pagkakataong ito ay mas lumambot ang kaniyang boses.
Napakagat ako ng labi at pinilit na tumawa dahil sa naging tugon ng matanda.
"Seryuso ako, Aries. Ingatan mo ang sarili mo." Napatikhim naman ako at tumango kahit hindi niya naman makikita.
Isang mahabang katahimikan. Napatitig ako sa hawak kong sigarilyo bago ito inilapit sa akin bibig pagkatapos ay humithit at ibinuga ito sa kawalan.
"Gusto ko lang magpasalamat sa iyo ng personal, anak. Salamat sa pagliligtas mo sa kaniya, Jin. Malaki ang utang na loob ko sayo." Napangite naman ako dahil sa naging saad ni Tito.
"Wala 'yon, Tito. Alam mo namang hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa target hanggat humihinga pa ako." Nakatawa kong saad habang nakatingin sa malayo.
'Walang sino man ang pweding manakit sa batang 'yon, uunahan ko na sila bago pa man nila mahawakan kahit isang hibla ng buhok niya...'
YOU ARE READING
Heavenly University
ActionAries Jin Vilerion 20 years old o mas kikilalanin natin bilang Candy Santevañez, ay isang assassin na pumasok sa Heavenly University, hindi para mag-aral, kundi para sa isang misyon. Napilitan lamang itong tanggapin ang misyon dahil sa pamimilit ng...
