1 - Bittersweet Memories

54.9K 761 10
                                    

(BitterSweet Memories)

-FLASHBACK-

Si Nathaniel Erol Crawford or Neil when I see him for the very first time I feel something weird, like million of butterflies on my stomach and my heartbeat is not normal. So I almost act stupid when my parents announced our engagement on my debut. I was speechlesss and he was... Angry?

After 2 weeks we got married, and my life started to turn upside down. At first I thought that we can work it out, I've been a good submissive wife, I do all the chores dahil ayokong may katulong sa pagsisimula namin kahit na ipinilit nya dahil nag-aaral daw ako, pero nang ipilit ko na kaya ko pinabayaan nya na lang ako. At first I was enjoying being his wife kahit na mas madalas ay halos di kami nag-uusap. But waking up every morning with him by my side makes me feel happy and contented.

He have lots of  flings, ilang beses ko na sya nahuli, nong minsang pumunta ako sa opisina nya para sana dalhan sya ng lunch, pero imbis na sya ang masurprise ako ang nasorpresa, I caught him making out on his office, hindi lang isang beses maraming pagkakataon pa hanggang sa masanay na lang ako at hindi na muling pumunta sa office nya.

But after almost 6 months na pagsasama namin nabigla ako ng pagka-uwi ko galing school ay madatnan ko sya sa sala ng bahay namin he's making out with a girl. Sa pagka-bigla ko hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, at nabitawan ko yung mga groceries na dala ko. Doon ako natauhan, napatingin sila sa akin at bago ako yumuko para damputin ang mga nagkalat na grocery sa sahig nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya but only in few seconds.

"I'm sorry! Akala ko mamaya ka pa uuwi, aayusin ko lang ito then I'll leave." dali-dali kong pinulot ang mga iyon, Naiiyak na ako kaya todo ang yuko ko para hindi nila makita.

"Who is she Honey?" narinig ko pang tanong ng babae kay Neil. Hindi sumagot si Neil, kaya agad akong tumayo at tumungo sa kusina para ilagay sa mesa ang mga pinamili ko. Papunta na sana ako sa kwarto namin para magbihis at umalis nang muling magsalita ang babae.

"Hey miss! Who are you at basta-basta ka na lang pumapasok sa bahay ng boyfriend ko? And don't you know how to knock?" mataray na sabi sa akin ng babae. Nagtimpi ako, kahit gustong-gusto ko sya bulyawan ay di ko magawa.

"Sorry po sa istorbo Ma'am hinatid ko lang po yung grocery. At akala ko po wala pa pong tao dito." nakayuko paring sabi ko at nakatalikod sa kanila, may nagbabanta ng luha sa mga mata ko pero pinipigil ko pa din mapa-iyak, gusto kong isigaw na asawa nya ako. Pero ayokong mapahiya na naman ulit.

"Ahh so your the maid? Kaya naman pala wala kang manners! Kapag kinakausap ka humarap ka! And where do you think your going?" mataray na sabi nito.

"Ahmm kukunin ko lang po yung ano... ahmm... yung maruruming damit." at hindi ko na hinitay na magsalita ulit yung bruha na yun. Nang makapasok ako sa kwarto ni-lock ko ang pinto at napasandal at doon ko pinakawalan ang luha na kanina pa gustong bumagsak.

Impit na lang akong napa-iyak. Nang medyo mahimasmasan ako, kinuha ko ang isang duffell bag ko na ginagamit kapag nagtitraining ako ng volleyball naglagay ako ng ilang pirasong damit at nilagay ko yung mga iba ko pang gamit, Aalis muna ako dito. Gusto ko munang lumayo at mag-isip. This is too much already at binitbit ko na ang laundry basket papunta sa laundry room.

Paalis na sana ako ng bigla na namang magsalita ang bruha. Lumingon ako at nakita kong nakatingin si Neil sa bag ko na dala na tila natatanong kung saan ako pupunta.

"Hey bago ka umalis dalhan mo muna kami ng meryenda ng sir mo" parang reyna na utos nya sa akin, nakatingin ako kay Neil na nag-iwas tingin sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko ibinaba ang bag ko at dumiretso sa kusina para dalhan sila ng meryenda.

I'll Make You Mine... Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon