24 - The Wife and The Mistress..

35K 462 17
                                    

AN:

     gusto ko lang magthank you sa lahat ng mga sumusoporta sa story ko ^^

     at sa mga walang sawa na nag vo-vote, comment at nag-aadd sa library nila

    MARAMI PONG THANK YOU ^^ (caps lock ko na para dama nyo XD)

     so here it is ^^ hope you like it!

~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 24

NEIL'S POV

       Pangatlong araw na namin dito sa ospital, hindi pa kasi kami binibigyan ng clearance ng doctor para ma-iuwi ko na ang mag-iina ko, excited na nga ako eh pero hindi pa pwede at isa pa gusto ko din makasiguro na okay na okay na ang asawa ko bago kami umuwi ^O^.

         At ngayon nga nandito kami at tuwang-tuwa na tinitignan ang kambal sobrang proud ang nararamdaman ko ngayon, just watching my wife and my kids makes my heart swell with happiness. At ibibigay ko ang lahat para manatili lang kaming ganito habang buhay.

         "Babe gutom na yata si Sky oh naka-pout na naman nakaka-gigil talaga." sabi ko kay Kish habang tinitignan ko sa bisig ko si Sky kung si Erin ay kamukhang kamukha ko, si Sky at Cloud ay pinaghalo talagang mukha namin. :)) kaya sobrang tuwang-tuwa ako. Lalo naman si Erin sobrang mahal na mahal nya ang twins at tuwing uuwi sya galing school may pasalubong na kung ano-ano. Hatid sundo sya ni Mommy sobrang tuwang-tuwa naman si Mommy sa apo nya kaya okay lang daw.

          At ako? syempre dito lang sa tabi ng mga baby ko. Kung hindi nga lang nagalit si Kish kahapon hindi ako uuwi para matulog saglit eh, halos dito na kasi ako tumira para lagi ko sila kasama.

          "Ang takaw naman ng baby ko manang-mana sa Daddy." sabi ni Kish habang nilapag muna si Cloud sa crib. At kinuha sa akin si Sky at hinalik-halikan, natawa naman ako at binuhat si Cloud at yun naman ang nilaro-laro ko.

KEISHA'S POV 

      Sobrang saya ko ngayon, Neil and I were okay now, hindi pa namin napag-uusapan yung tungkol kay Chloe which is fine with me, hindi pa siguro sa ngayon maybe kapag okay na okay na talaga ako saka namin pag-uusapan kung ano ang gagawin namin.

        Natatawa ako ng sabihin ni Neil na gutom na naman ang baby girl namin, ang takaw kasi kung si Cloud ay tahimik lang at hindi iyakin kabaliktaran naman ito ni Sky, may pagka iyakin lalo na pag-gutom pero napaka-dali naman nitong patawanin.

       Binaba ko muna si Cloud sa crib sa gilid ko at inabot si Sky mula sa bisig ng Daddy nya.

        "Ang takaw naman ng baby ko manang-mana sa Daddy." natatawa kong sabi, narinig kong tumawa din si Neil, inaasar ko kasi sya lumalakas kasi syang kumain, bumabawi ata sa 6 months na pinabayaan niya ang sarili nya.

       Nang dumikit ang labi ni Sky sa bandang dibdib ko ay agad iyong naghanap, natawa ako ng mag-simulang malukot ang mukha nito dahil siguro wala itong mahanap doon. Kaya agad ko ng nilabas ang kanang dibdib ko at isinubo iyon kay Sky. Natawa ako lalo ng parang ilang araw na hindi ito pina-dede. Parang gutom na gutom.

      Nang tignan ko si Neil natawa ako ng makita kong napalunok sya. Nakatingin sya pero hindi sa mukha ko kundi sa dibdib ko. Inabot ko ang maliit na unan ng kambal at ibinato ko sa kanya. Agad syang natauhan at tumingin sa mukha ko, nang makita nya akong nakataas ng kilay ay ngumiti sya.

     Yung ngiti na tila ba ito batang nahuli sa kapilyuhang ginawa.

     "Pervert..." sabi ko at inirapan ko sya. Tumawa naman sya at nilapag si Cloud sa crib. Nang mailapag doon agad itong bumalik sa tabi ko. At bumulong.

I'll Make You Mine... Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon