Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

21 - You are The One (Part II of Baby Come Back)

32.2K 460 25
                                        

AN:

     Wow natuwa naman ako dun ^^ unti-unti na lumalabas yung mga silent reader XD

      At ang nakakatuwa malapit na mag-10k ang reads XD

     So di ko na papatagalin, ito na po ang update :)

      (sorry sa mga typos kayo na bahala umintindi)

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 21

NEIL'S POV

         Only god knows how I miss this woman in my arms. Akmang hahalikan ko sana ulit sya ng biglang sumulpot sa may kusina ang Prinsesa namin.

            "Mom I'm hungry...  oopss sorry I don't see anything lalalala ^O^" sabi ni Erin at kung gaano sya kabilis sumulpot sa kusina, ganon din sya kabilis nawala. Hindi ko maiwasang mangiti.

            Nang tignan ko si Kish, maang syang nakatingin sa pintuan na nilabasan ng anak namin. Nang mapansin nyang nakatingin ako at nakangiti sa kanya agad nya akong tinulak at inirapan.

          "Akala mo okay na lahat basta binigyan mo ako ng flowers? At sino may sabi sayong pwede mo akong halikan?! Hiwalay na tayo, hindi mo na ako asawa kaya wala ka ng karapatan! Simula ng nakipag-landian ka sa babaeng yun tinapos mo na ang pagiging mag-asawa natin." gigil na sabi nya sa akin. At lumayo sa akin.

        "At pwede ba lumayo ka sa akin? Wag mo akong landiin dahil hindi ako katulad ng mga babae mo! At kung pwede lang wag ka na mag-papakita sa akin? Hindi kita kailangan! Hindi ka namin kailangan ng mga anak ko. Hintayin mo lang ang annualment papers natin pwede mo ng pakasalan ang babae mo! At ako? Mag-papakasal din ako sa taong mamahalin ako ng buo!" dagdag nya pa.

       Bawat bitaw nya ng salita na yun parang patalim na bumabaon sa puso ko, just thinking of seeing her with other man para na akong kinakapos ng hininga. Hindi ako makapag-salita, hindi ko kasi alam ang sasabihin ko, gusto ko man ipag-tanggol ang sarili ko di ko magawa. Kasi alam ko lalo lang sya magagalit sa akin at lalo ko lang syang masasaktan.

       Kaya pinili ko na lang ang tumahimik. Pero alam kong bakas sa mukha ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako nag-salita at naglakad na pa-alis. Hindi ko na kaya makarinig ng mas masakit pa sa sinabi nya. Hindi na ako nag-paalam sa kanya.

        "Dad... where are you going? Aren't you going to have dinner with us?" pukaw ng anak ko sa akin. Napatingin ako sa kanya at lumuhod para pumantay sa kanya.

         "You're crying Dad... are you okay? Did you... did you..." muli ay sabi ng anak ko, alam ko ang tinutukoy nya na di nya maituloy. Kung nag-away ba kami ng ina nito, niyakap ko lang sya at hinalikan sa noo.

         "Eherm... next time na lang princess... Ahmm... I need to go to Lolo's house... Be a good girl okay? Wag pasaway kay Mommy... aalagaan mo si Mommy at si baby okay?" basag ang boses na sagot ko sa kanya. Hindi ko na sya hinintay mag-salita at hinalikan sya sa buhok at tumayo na at umalis.

KEISHA'S POV

         Para akong binuhusan ng malamig ng pumasok si Erin sa kusina at nakita kami sa ganong ayos, napahiya ako sa sarili ko, kasi parang isang halik lang nya sa akin bumibigay na ako. Kaya kung ano-ano tuloy ang nasabi ko.

        I know kahit hindi sya nag-salita bakas sa mukha niya ang sakit sa mga sinabi ko. Gusto ko sana bawiin lahat ng sinabi ko at sabihing nabigla lang ako. I know what I said to him is too much, pero hindi ko napigilan ang bibig ko.

I'll Make You Mine... Again...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon