8 - He's Jealous... Part 1

51.3K 590 2
                                    

Chapter Eight

(He's Jealous...)

2 months ang mabilis na lumipas mula nang bumalik kami ni Erin sa buhay ni Neil at dalawang buwan na din kami nakatira sa bago naming bahay. And honestly, I love it here. 2 storey house with garden na pinagkakaabalahan ko kapag nandito lang ako sa bahay, at pool sa likod bahay na paboritong lugar naman nang mag-ama.

So far naman wala naman kaming naging problema ni Neil mula nang mag-sama kami ulit, pwera na lang sa isang pag-kakataon na sinundo nya kami ng anak namin sa Erin's, nagkaroon kami nang pag-tatalo because of Myco.

Oo nga pala hindi ko pa naipakilala si Myco, he's a good friend na may-ari nang Shop sa tapat nang Erin's, she saves Erin nang minsang muntik na itong masagasaan nang sasakyan sa tapat nang shop, hindi ko alam na nakalabas pala ito at hinabol ang bolang gumulong papunta sa kalsada. At yun nga muntik nang mabangga si Erin na hindi nangyari thanks to Myco na patawid nong time na iyon. Then since that day, we become friends and he became our regular customer.

Erin likes him, madalas kasing pumunta si Myco sa Erin's lalo na kung wala itong masyadong inaasikaso sa shop nito, halos 2 years na kaming mag-kaibigan ni Myco. And I know he feel something for me, bakit ko alam? Sinabi nya sa akin nang minsang niyaya nya kami ni Erin na mamasyal sa resort nang mga ito. He said tanggap nya si Erin and he love the kid like his own.

Syempre nabigla ako, at sinabi ko na hindi pwede dahil kasal na ako, na maging magka-ibigan na lang kami, he was a good guy and he deserve someone better, yung dalaga at mamahalin ito. Pero naging mapilit sya, wala daw syang pakialam kung kasal ako, kung gusto ko daw tutulungan nya ako na mapawalang bisa ang kasal namin ni Neil.

Pero sinabi kong hindi ko gagawin yun, kahit na malayo ako kay Neil I still value our marraige at isa pa may anak kami. At kahit pa sabihing hindi ko plano mag-pakita sa kanila andun pa rin sa loob ko ang kagustuhang mag-kabalikan kami ulit. Since then umiwas na ako sa kanya, then almost a month of playing hide-and-seek with Myco, kinausap nya ako na wag na daw ako umiwas, kung ang pag-kakaibigan lang daw ang kaya kong ioffer ayos lang daw sa kanya basta wag lang daw ako tuluyan umiwas sa kanya.

At doon na nag-simula yung friendship namin, maswerte ako na nakilala ko sya, I know na when he's with my daughter he act like a father to Erin, alam nya kung gaano kasabik si Erin sa ama, kaya ito ang nag-papasyal at madalas kalaro nang anak nya.

So ayun nga balik tayo sa naging away namin ni Neil because of Myco.

Nasa Erin's kami noon si Neil nasa office, tumawag ito na sabay na kami umuwi, susunduin nya daw kami ni Erin at mag-didinner sila sa labas. Habang hinihintay namin ni Erin si Neil dumating si Myco at nagkwentuhan kami.

FLASHBACK

I was busy texting nang biglang lumapit si Myco sa table na inuukopa ko.

"Hey!" sabi nito at naupo na sa katapat kong upuan.

"Hey!" sagot ko sa bati nito at nilapag ang cellphone ko sa mesa.

"How are you?" tanong ni Myco sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at ngumiti.

"I'm good, thank you for asking. Ikaw kamusta?" tanong ko din sa kanya.

"Fine. I herd the news, nagkabalikan na pala kayo." malungkot na sabi nito sa akin.

"Uhmm... yes 2 weeks ago. It's time. Erin needs her father at hindi naman ako ganoon kasama para ipagkait ko sa anak ko ang ama nya. Hey! what's with the face? shouldn't you be happy for us?" sabi ko sa kanya. Narinig ko ang buntong-hininga niya. I know he was hurting, kahit na pumayag sya sa friendship na gusto ko ramdam ko na andun pa rinn yung kagustuhan nyang maging kami.

I'll Make You Mine... Again...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon