A|N:
First I want to thank everyone na patuloy nagbabasa ng story ko.
Second sorry kung tumatagal ang update I have 2 reasons po...
1st is medyo busy po ako sa mga bagay-bagay.
2nd is minsan tinatamad ako mag-update kasi parang wala man lang feedback kaya ayun.
Di ko na papatagalin po kahit di na naman umabot sa hiningi kong comments ^_^
Hope you like this sana paki promote din sa iba kung pwede thank you!
Enjoy Reading!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 18
NEIL'S POV
Nakatulog pala ako pagkatapos kong kontakin magdamag ang cellphone ni Kish. Nagising ako na tila may tao sa kwarto naming mag-asawa. Nang muli kong ma-alala si Kish agad akong napamulat at napa-upo.
At nakita ko ang mga maleta na nasa lapag sa harap ng closet naming mag-asawa, inikot ko ang paningin ko pero walang tao, nang mapadako ang tingin ko sa CR agad akong tumayo habang malakas ang kabog ng dibdib ko.
Ilang hakbang na lang ang layo ko sa pintuan ng CR bumukas iyon. At lumabas doon ang taong dahilan nang pag-hihirap ko buong mag-damag. Si Keisha.
Namamaga ang mga mata niya, she looks so pale yet she's the most beautiful woman for me.
May dala syang maliit na bag, tuloy lang sya sa pag-lakad papunta sa closet na parang hindi ako nakikita. Hindi agad ako nakagalaw nang nilagay nya yung maliit na bag na iyon sa maleta.
Pero mas lalo akong hindi nakagalaw ng buksan nya ang closet namin at kunin niya ang mga damit niya at basta na lang inilagay iyon sa maleta, natauhan lang ako ng isinara na niya ang maleta niya.
Bago nya pa maisara iyon ng tuluyan hinawakan ko sya sa braso.
"Babe let's talk please..." sabi ko sa kanya habang hawak ang braso nya.
"Please let me go... Let's... let's... end this... while I still can let you go." nanginginig ang boses na sabi nya. Para akong kinapos ng hininga ng sabihin nya yun sa akin. Napatulala lang ako sa kanya. At hindi agad nakapag-salita.
"Babe... No... please... ayoko please... wag mo akong iwan... aayusin ko lahat..." naiiyak kong sabi sa kanya, niyakap ko sya at sinubsob ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg niya. Narinig ko ang hikbi niya, ramdam ko yung sakit pinaparusahan nya ako sa paraang mas masakit.
Bawat hikbi niya tumatagos sa kaluluwa ko, mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Tuloy pa rin sya sa pag-iyak. Pero naramdaman ko ang malakas nyang pag-tulak sa akin, ang pilit nyang pag-alis mula sa yakap ko, habang nag-pipilit sya kumawala lalo kong hinihigpitan ang yakap ko, I don't want to let her go, dahil natatakot akong oras na gawin ko yun tuluyan na syang mawawala sa buhay ko.
"Sinungaling ka! Madaya ka, akala ko totoo lahat ng sinabi mo! Na mag-simula tayo ulit, gagawin mo ang lahat para maging masaya ako! Sabi mo babawi ka sa amin! Bakit ganyan ka?! Hindi pa ba ako sapat?! Hindi pa ba sapat na sobrang mahal kita? Kulang pa ba?! I hate you! Mula noon hanggang ngayon hindi ka pa rin nag-bago! Kahit hindi mo ako mahal, kahit nambabae ka harap-harapan tiniis ko lahat noon!"
BINABASA MO ANG
I'll Make You Mine... Again...
Romansa"Please be mine again and let's make our own happy ever after. And I promise this time I'll make it right just come back to me babe." Neil said to Keisha. Keisha married Neil when she's 18 years old while Neil is 21. They got married because of the...
