(My Baby Erin)
Naputol ang pagbabalik-alala ko sa nakaraan ng hawakan ni Ash ang kamay ko at nakatingin sa akin na may pag-aalala gayon din si Erin na tila iiyak na.
"Mommy are you mad at me? Why are you crying? I promise di ko na po hahanapin si Dad wag ka na po umiyak sorry po" umiyak na ng tuluyan si Erin.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Agad kong pinunasan ang luha ko. At agad kong kinuha si Erin mula kay Ash.
"No sweety mommy's not mad napuwing lang si mommy stop crying na." alo ko kay Erin kahit na ang bigat din ng pakiramdam ko, lalo na at bumalik sa ala-ala ko ang nakaraan na pinipilit kong kalimutan. Si Ash malungkot na nakatingin sa aming mag-ina, yakap ko si Erin na umiiyak pa din at ganoon din ako, nahihirapan ako lalo na pag ganito si Erin.
Kung nalaman ko lang agad na buntis ako, hindi ako aalis kahit pa magmukha akong tanga, basta may buong pamilya lang na mamulatan ang anak ko, may ama na lalambingin, alam ko kahit na kumpleto sya sa lahat ng bagay mula laruan at damit hindi noon kaya punan ang gusto ng anak ko, isang ama ang kailangan nya, isang masaya at buong pamilya.
Mahigpit ko na lang na niyakap si Erin. Kaya hindi ko napansin ang makahulugang tingin na binigay ni Ash sa likuran ko. Lumipas muna ang ilang sandali bago ko tuluyang napatahan si Erin. Nilibang naman ito ni Ash, pero halatang wala na sa mood si Erin nanatili itong matamlay at wala na ang kislap ng mata na kanina lang ay halatang-halata sa bata.
Napabuntong-hininga na lang ako. At tumayo para asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin.
"Sis okay lang ba na alagaan mo muna si Erin saglit? Aayusin ko lang yung mga papers na pipirmahan ko para sa delivery bukas?" tanong ko kay Ash.
Hindi ko pala nabanggiit, na akin ang Coffee Shop na ito, ang Erin's Dream Place Cafe.
-FLASHBACK-
Nagsimula ang Erin's Dream Place 2 years ago after I give birth to Erin. Sa una mahirap dahil hands on ako sa Erin's Dream Place gayun din kay Erin. Pero after a year medyo naka-adjust na ako, naging maayos naman ang takbo nang Shop, and on Erin's Dream Place 2nd year on the business tuluyan nang nakilala ang Erin, nakabawi na din ako sa puhunan, at tuloy pa din sa paglago ang Erin, so I decide to finish my study tutal isang sem na lang naman at graduate na ako sa course ko na Culinary Arts, kumuha ako nang mag-aalaga kay Erin, pero just few months ago nang makagraduate ako, pinatigil ko na din, ayokong ipaubaya ang anak ko sa yaya lang.
At ngayon, 2 months after ko makagraduate hindi ko inaasahang mag-kukrus ang landas namin ni Ash. Nagkagulatan pa kami at palipat-lipat ang tingin nya sa aming mag-ina. Ang una kong gustong gawin ay tumakbo palayo. Pero di ko nagawa. Dahil nakita kong desidido syang makausap ako.
So, I give up at isinama namin sya ni Erin sa Mcdo para kumain, while Erin's playing nagusap kami ni Ash.
"God! Almost 6 years ka naming hinanap. Alam mo bang halos mabaliw kami sa kakahanap sayo nang mawala kang parang bula? Bakit pati naman sa akin tinago mo ang plano mo? Kakampi mo ako alam mo yan, susuportahan kita kung anong gusto mong gawin! And that little girl... she's my niece right? para syang pinilas sa mukha ni Kuya Neil--" napatigil sya at napatingin sa akin. at yumuko.
"I'm sorry." muli ay sabi ni Ash. Hinawakan ko ang kamay ni Ash, I really miss her, she's the sister I never had. Noong umalis ako gustong-gusto ka sya tawagan lalo na nong malaman kong buntis ako pero pinigilan ko ang sarili ko.
"No, I'm the one who need to ask for forgiveness. I'm sorry kung pati sayo ay nagtago ako. I was so hurt back then. At ang tanging paraan para maka move on ako sa sakit na nararamdaman ko, ay iwan lahat ang mga bagay at tao na naging dahilan noon, I want to start anew....
...and yes she's your niece she's Nathaniella Erin Crawford she's 4 years old turning 5 on July. Magkakasundo kayo, nagmana ata sayo yang batang yan masyadong makulit at maingay." pabiro kong sabi pero may bahid lungkot ang mga mata.
"Kuya Neil have the right to know that she had a child. Wag mo naman ipagkait sa amin si Erin please, I know that my brother hurt you, and you hate him, but please wag mo naman ipagkait sa bata ang makilala ang pamilya nya." Sabi ni Ash na may tampo at pakiusap. Napabuntong-hininga ako.
"Wala naman akong balak itago ang anak ko sa inyo habang buhay. Ipapakilala ko din sya pero hindi pa ngayon. Hindi pa ako handang magpakita sa kanila. Lalo na sa kanya. I hope you understand. And please don't tell anyone, just give me more time." pakiusap ko kay Ash.
"Paano kung ayoko? What if I call Kuya right at this moment para sabihin sa kanya na nakita na kita at may anak kayo? Do you think hindi ka ulit ipapahanap ni Kuya?" mariin nyang sabi alam kong masama ang loob nya pero hindi pa talaga ako handa. Mukhang sa unang pagkakataon mag-aaway pa ata kaming mag-bestfriend, at after long years pa na di kami nagkita.
"Fine call him, but I can assure you, if you do that ni anino namin hinding hindi nyo na makikita kahit kailan." mariin ko ding sabi at pumunta na ako sa playground sa loob ng mcdo at kinuha si Erin, paalis na sana kami nang pigilan ako ni Ash.
Huminga muna ito nang malalim bago nagsalita.
"Fine I give up! If that's what you want. But I'm only giving you till June and that was exactly 6 months from now, I think that's enough time for you to think.. Hayaan mo din naman kaming makasama si Erin." sabi ni Ash na halatang napipilitan lang. Tumango ako kahit hindi ako sigurado.
-END OF FLASHBACK-
Muli akong napabuntong hininga at napasandal sa upuan. Napaisip na naman ako...
At ngayon 4 months na lang ang natitira sa akin para makapag-isip, pero sa nakita kong ginawi ni Erin kanina mukhang mas kailangan kong magdecide nang mas mabilis. Muli akong napabuntong hininga. At tinuon ko na muli sa mga papeles ang isip ko, at mamaya ko na pag-iisipan ng husto kung dapat ko na bang harapin lahat ng bagay at taong tinalikuran ko noon.
Handa na nga ba akong harapin ang lahat? Handa na ba ulit ako harapin si Neil?
Napabuntong-hininga ako at sinabi sa sarili na kakayanin ko para sa anak ko para kay Erin, for my Baby Erin, kahit mag-mukha akong tanga o mamalimos ng oras nya gagawin ko para sa anak ko. May karapatan ang anak ko sa ama nya. Titiisin ko lahat, ibibigay ko lahat makita ko lang maging masaya ang anak ko. Si Erin na ang buhay ko ngayon, at mas mahalaga sa akin ang nararamdaman nya kesa sa nararamdaman ko.
So I decide to talk to Ash later para sa muli kong pag-babalik.
--------------------------------------
thepinkprincess <3
BINABASA MO ANG
I'll Make You Mine... Again...
Romance"Please be mine again and let's make our own happy ever after. And I promise this time I'll make it right just come back to me babe." Neil said to Keisha. Keisha married Neil when she's 18 years old while Neil is 21. They got married because of the...
