A|N
Natuwa naman ako dahil dumadami ang nag-aadd ng story ko sa library nila ^_^
Marami pong thank you para sa pag-suporta sa story ko XD haha i sound like a politician XD
I dedicate this chapter to them na talagang nag-comment XD
@AwkwardIsTheName @YzabelVillanuevaTan @maro_nelly07 thank you po sa comment.
So here's the next chapter ^_^ hope you like this
(pasensya na kung may mga error ^O^ hindi ko na po kasi inedit ito XD)
Enjoy reading!
PLEASE
COMMENT
VOTE
BE A FAN!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 19
NEIL'S POV
Sobrang sakit ng dibdib ko habang pinapanood ko syang umalis, gusto kong magalit sa kanya dahil ayaw nya akong paniwalaan, ayaw nya akong pakinggan at tuluyan akong iniwan. Pero everytime na nararamdaman ko yun at bumabalik lahat ang sinabi nya para akong binubuhusan ng malamig na tubig.
Napakalaki kong gago, ang tanga ko, sinaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko at ngayon... Tuluyan na nya akong iniwan, tuluyan na nya akong isinuko. At ang tanging nararamdaman ko ngayon ay takot... takot na baka huli na ang lahat para sa amin.
Oh god! Isipin ko pa lang na tuluyan na nya akong iiwan para na akong mamamatay. Hindi! Hindi ako makakapayag. Agad akong tumayo at sinundan ang asawa ko, pababa na sana ako ng hagdan ng marinig ko ang impit na tili ng anak ko galing yun sa kwarto ni Erin.
Agad akong tumakbo papunta doon na puno ng kaba ang dibdib. Bukas ang pinto ng kwarto kaya agad kong nakita ang mag-ina ko. Si Erin nakayakap sa ina nito at umiiyak habang hinahaplos ang mukha ni Keisha, ng mapadako ang tingin ko sa asawa ko.
Parang binibiak ang puso ko, she's pale and unconsious with tears on her pale chee. Hindi agad ako nakakilos para lang akong naitulos sa kinatatayuan ko.
"Mommy please wake up!" umiiyak na sabi ni Erin. Natauhan ako dahil doon agad akong lumapit para sana pangkuhin si Keisha pero inalis ni Erin ang kamay kong humawak sa braso ng ina nito. Para akong sinampal sa ginawa ng anak ko.
Nakaluhod lang akong nakatingin sa kanila, tumingin sa akin si Erin ng puno ng panunumbat, may galit at sakit din doon.
"Baby... Princess..." sabi ko sa anak ko, hindi ko alam ang sasabihin sa anak ko.
"Why do you have to hurt my Mom so much? If I only new that this will going to happen sana... sana di ko na lang hiniling kay Mommy na makilala ko ang Daddy ko. I hate to see her like this, just like before crying silently... pero kapag nakita nya ako she's just going to smile and hug me and say that everything will be okay soon..." umiiyak na sabi ni Erin at mas na-triple pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. My daughter hate me. Napa-upo ako sa sahig. At walang magawa kundi tignan ang dalawang babaeng napakahalaga sa buhay ko.
"Mommy please wake up... I promise to be a good girl, kakain na ako ng-- No! Mommy! Somebody help us please..." agad akong napatingin sa tinitignan ni Erin. At parang nanlaki ang ulo ko ng makita ko ang dugo na umaagos sa hita ni Keisha.
BINABASA MO ANG
I'll Make You Mine... Again...
Romance"Please be mine again and let's make our own happy ever after. And I promise this time I'll make it right just come back to me babe." Neil said to Keisha. Keisha married Neil when she's 18 years old while Neil is 21. They got married because of the...