22 - I Will Be Here For You...

33.1K 473 24
                                        

A|N

      Sorry for the long wait everyone ^^ busy lang po XD haha

      Nasa 10k na pala ang reads ng IMYMA ^^ nakakatuwa XD

      At dahil dyan ito na ang update ko XD

      Enjoy reading everyone!

      Don't forget to comment and vote ^^

      plug ko na din ang isa ko pang story Way Back Home! ang title ^^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 22

 Present...

KEISHA'S POV

         Sobrang sakit ang nararamdaman ko... Hindi lang sa dahil alam kong manganganak na ako...

 Kundi dahil na din sa isiping iniwan nya na ako ng tuluyan, nag-sawa na sya sa akin. I admit masyado kasi akong nagiging impulsive sa mga ginagawa ko, hindi ko sya hinayaang mag-paliwanag. Tama sya, hindi lang naman ako ang nasasaktan sa ginagawa ko.

       Pero dahil sa lintek na pride at selos mas pinili kong wag syang pakinggan. At ngayon, huli na ang lahat. Pinag-sisisihan ko na sa kabila ng mga paliwanag nya noon hindi ko sya pinakinggan.

FLASHBACK

            Sa pag-mamadali kong makalabas ng coffee shop na iyon ay naka-bangga ko ang isang waitress buti na lang at hindi ako natumba, pero dahil sa nangyaring yun, nakakuha kami ng atensyon. Pati na din si Neil na nasa malapit lang.

            Nakita ko ang panlalaki ng mata niya ng makita ako. Agad syang tumayo at lumapit, kaya bago pa man ako maka-alis nakalapit na sya sa akin.

           "Babe... are you okay? Are you hurt?" natatarantang sabi nya sa akin, nang tignan ko ang mukha niya bakas doon ang matinding pag-aalala. Pero piniksi ko ang kamay ko na hawak niya.

            Ngumiti ako ng mapaiit bago ako nag-salita.

          "Why don't you just leave me alone? Bumalik ka na sa babae mo! And don't touch me!" sabi ko at tinalikuran na sya. Nagngingit-ngit ako sa galit at selos. Napailing na lang ako, assuming kasi ako masyado eh, konting panunuyo lang nya sa akin bumibigay  agad ako.

           "Ang tanga-tanga mo talaga Keisha kahit kelan! Di ka na natuto, natural na sasabihin niyang mahal ka nya dahil ayaw nyang malayo sa mga anak nya!" sabi ko sa sarili ko. Nag-lakad lang ako dahil walang dumadaang taxi.

          Nagulat ako ng bigla na lang may humatak sa akin. Muntik na ako mawalan nang balanse. Pero naramdaman ko ang mga bisig nya na naka-alalay sa bewang ko. Sino pa nga ba? Di ang napaka-galing kong asawa.

          "Babe let's talk please!" hinihingal na sabi ni Neil. Pero tinulak ko lang sya at muling nag-lakad palayo sa kanya, nang-gigigil talaga ako sa kanya. Naiinis ako sa pag-mumukha niya. Kaya hindi ko tuloy alam kung dahil sa  selos o dahil sa pag-lilihi ko.

           "Keisha ano ba?! Ganito na lang ba tayo lagi? Kapag may problema tayo aalis ka? Tatakbo ka? Nangako ka sa akin noon na bago ka gumawa ng mga bagay bagay makikinig ka muna sa paliwanag ko diba?" mataas na sabi ni Neil, napalingon ako sa kanya. Oo nagulat ako, dahil first time lang na sinigawan nya ako. Pero halata sa boses nito ang frustration. Nang tignan ko sya, hawak nya ang batok at nakatingala at nakapikit.

I'll Make You Mine... Again...Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon