Eighteen: Revelation 1

8.8K 123 33
                                    

(Please Read before you proceed);

A/N: Hi Guys. After siguro nito, I'll post another chapter then Hold again. I think this chap will be a big question of HOW's. I know, maybe magkaron din ng conflict kasi di ko na maalala yung mga pinagsusulat ko na nasa ibang chapters.

Anyway, a few reminder before you proceed reading. Please spare me an understanding, I don't have a much time to research some health problems about babies, cause I don't have one and wala din naman akong kapatid. I just ask my mom about some and my mom is not a doctor and we supposed to be Mali. So please, understand for those who can and found what is wrong then correct me, please? And once again, kung may WRONG GRAMMAR and Typographical Errors, understand and forget. I hope you'll like this I did my best, I wish it will turn out great! Thank you.

-

Clay's

Napapikit ako at hinalikan ang bunbunan ng babaeng nasa tabi ko at yakap yakap ko. Ang sarap sa pakiramdam na parang wala na kaming problema. Na okay na kami.

Matagal ko na syang pinatawad. Hindi naman niya kasalanan lahat ng nangyari, may kasalanan din naman ako pero wala kong pinagsisisihan sa nangyari seven years ago. Ginusto ko yun, ginusto namin. At kung sakaling babalik ako sa panahong yun, yun at yon pa din ang gagawin ko. Ang titigan siya sa club, ang isagip siya, at angkinin siya.

Yung galit sa mga mata ko na nakikita niya? Galit yun sa bigla niyang pagkawala... galit yun dahil iniwan niya ako sa ere ng miserable pagkatapos ng mga nangyari at nalaman ko. Pero mas galit ako dahil nagkaron siya ng puwang sa puso ko na hindi na kaya pang punan ng ibang babae pagkatapos ng pagkawala niya.

Hinawakan ko ang ulo niya upang maialis ko ang braso na nakapalibot sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko siya nagising, malalim ang tulog niya.

Pinagmasdan ko siya. Sobrang saya ko kasi... andito na ulit sya sa piling ko... sa buhay ko.

Tumayo na ako at hinanap ang boxer brief ko at isinuot iyon. Napahinto ako sa tapat ng side table niya. Naalala ko yung Picture Frame na nakita ko dun noon, ngayon wala na dun.

Nilingon ko siya kung malalim ba talaga ang tulog niya, may parte sa akin na gusto kong halughugin ang kabinet na to at hanapin yun. Meron namang hindi, dahil kabastusan yon.

Napahawak ako sa ulo ko dahil sa frustration. Naalala ko na naman yung araw na ikokompronta ko sya kung anak ba talaga namin yung batang kasama niya sa litrato. Kung anak ba niya yon? Kung may nagbunga nga? Kung bakit hindi niya yun sinabi sakin? Kung sino ang ama non?

Napapikit ako dahil nakaramdam ako ng kirot. Hinimatay siya pagkakita niya pa lang sakin sa pintuan ng apartment niya at nung makita ko siyang nahimatay nun, pakiramdam ko sinakal ako at sinuntok sa sikmura. Agad ko siyang sinalo at nakita kong namumutla siya. Agad ko siyang tinakbo sa Ospital. Hindi siya nagising, sinuri lang siya. May mga tinanong sa akin tungkol sa history niya or health problems pero wala naman akong maisagot, ano ba namang alam ko? Pero sinabi ko na gawin lahat ng test sa kanya, mapa-MRI pa yan hanggang CT Scan. Kinuha lang nila ang address ko upang ipadala na lang sakin ang results, dahil hindi naman daw agad makukuha.

Pero kinabahan ako ng pumasok sa isip ko ang isang tanong na gusto kong itanong sa Doctor, "Buntis ba sya?" Pero imposible naman siguro dahil nagiging maingat ako. At alam kong ako lang ang lalaki sa buhay niya, sa pagkakaalam ko.

Suhestyon ng Doctor na sa hospital na lang siya magpahinga. Stress at puyat daw ang nakikitang dahilan ng doctor bukod pa sa mga test na ginawa sa kanya. Pero pwede na din naman daw iuwi na siya pagkagising niya. Naisip ko naman na ayoko na syang pagaalahanin pa sa nangyari na nawalan siya ng malay. Na isipin niya na lang na panaginip lang yon. Kaya inuwi ko na sya kahit tulog pa rin siya.

Her Sweet Surrender (Sex Session #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon