Eleven:

23.9K 203 17
                                    

Seige's

"Mae, tingin mo kaya mo pang linisan ito?" tanong sa akin ni Nanay Rinna. Sya kasi ang kasama ko ngayon, absent kasi si Geol, at hindi ko alam kung bakit. kakatapos ko lang ding linisan ang banyo ng pambabae, ngayon naman ito ang sinunod ko. Si Nanay Rinna kasi ang nakatoka sa mga kwarto sa floor na ito, kung titingnan nga'y mas marami ang kanyang lilinisan kumpara sa akin, ngunit ang dahilan niya ay ito muna ang gawin ko upang matutunan ko o masanay ako sa paglilinis ng mga Comfort Room.

"Nanay Rinna naman, syempre kayang-kaya ko na po ito. Kayo po ba, ayos lang po?"

"Oo! Oh sige doon na ako sa Conference Room magpupunas ha? Kung kailangan mo ng tulong ay puntahan mo lamang ako."

"Sige po." Nakangiti kong pagpayag.

Pinasok ko na ang gamit ko sa paglilinis sa comfort room ng mga lalaki.

Nakahinga naman ako ng maluwag sapagkat walang kaisa-isang tao roon, mas makakapag-linis ako ng ayos at hindi makakaramdam ng pagka-ilang. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, paano na lamang kung...

Hay! Siege, wag mo na ngang pagi-isipin ang mga ganoong bagay! Imposible iyon! Saway ko sa aking sarili.

Sinimulan ko na sa toilets na nasa pader, kung ano mang tawag don. Pagkatapos ko roon, pumasok na sa tatlong cubicles. Actually, hindi naman ganun kadumi, para pa ngang hindi nagagamit ito. Hindi naman nakakapagtaka kasi medyo tago ang comfort room na ito.

Nakalabas na ako ng pangatlong cubicle at ibinabalik na ang mga panlinis ko sa lalagyan niyon ng may narinig ako pagbukas ng pinto ng C.R. sa paga-akalang si Nanay Rinna yun at may nakalimutan lamang sa mga panlinis namin ay hindi ko na lamang pinansin at pinagpatuloy ang paga-ayos ko ng gamit.

Pagkaharap ko, nagtama ang mga mata namin.

Nakita ko ang recognition mula sa mga mata niya. Unti-unting nanlaki ang mga iyon. At gayon din ako.

"Ikaw?! A-anong--? Anong ginagawa mo dito?!" gulat na pahayag niya.

"T-teka... Eloid?!" sabi ko naman, at agad na bumaba ang tingin ko sa hawak niya...

Mas nanlaki pa lalo ang mga mata ko at agad akong napatalikod sa kahihiyan dahil sa aksidenteng iyon. Mukha namang napansin niya kung bakit nagging ganon ang reaksyon ko at agad akong nakarinig ng...

"Sh-t!" malutong naganon.

Agad kong inayos ang mga gamit ko, napansin kong nanginginig ang kalamnan ko, pati kamay ko. ano ba naman yung nakita ko!

Napapikit na lamang ako, at agad ng binuhat ang mga panglinis ko.

Nadaanan ko siya ng palabas na ako, ngunit hindi ko man lang siya matingnan. Ramdam kong nagiinit ang magkabilang pisngi ko sa tuwing naalala ko ang eksenang kagaganap lamang.

Palabas na ako nang,

"Wait! Hindi mo pa ako sinasagot. Anong ginagawa mo dito? Binubusuhan moko no?" narinig kong tanong niya. Nasa boses niya ang kayabangan niya.

Agad ko siyang nilingon. Gulat ang nakapaskil sa aking mukha. "Hoy! Ang kapal mo ha!" sigaw ko.

Then, muli uling napababa ang tingin ko sa... sh-t! ano ka ba naman Seige!

Naramdaman ko ang mas lalong pag-init ng magkabilang pisnge ko kaya muli akong napatalikod.

"Oh talaga? So, kung hindi moko binubusuhan, anong ginagawa mo dito?" muli niyang tanong.

Hindi ko na uli siya nilingon, bagkus nakatungo lamang akong tumugon. "N-nakikita mo tong suot ko, o-obvious naman na... na Uniform ito. C-cleaner staff ako. Nag... nagtra-trabaho ako dito." Nabubulol na saad ko, paano kasi... hindi ko talaga matanggal sa isip ko yung kakakakita ko lamang...

Her Sweet Surrender (Sex Session #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon