Twelve: Conference Room

22.8K 220 28
                                    

(A.K.A.) Redd's


Pinagmamasdan ko ang folder na nakabukas mula sa aking kamay. Nakakabit don gamit ang paper pin ang mga report's tungkol sa kasalukuyan kung tinatrabaho. Kasama sa mga papel na naroon ang kanyang litrato at ang litrato ng kanyang mga magulang at isang kapatid.

Sa isa ko namang kamay ay hawak-hawak ko ang aking cellphone.

Pinagmamasdan ko ang litrato ng babaeng kasalukuyan kong ine-imbestigahan.

Bumaba ang tingin ko sa lamesa, nagkalat doon ang iba't ibang mga litrato na lihim kong kinukuhanan, May mga litrato ako ng kanyang mga magulang at ng kanyang kapatid. Pati na rin ang mga lugar na pinagtratrabahuan ng mga ito, mga madalas puntahan ng kapatid niya, at  ang bahay nila.

Meron din akong litrato kung saan huling nagtrabaho si Seige Clasto, bago siya bumalik ng Pilipinas.

At karaniwan na kinukuhanan ko ngayon ay naroon siya. Litrato kung saan, nakikipag-usap siya sa isang lalaki sa isang isla na mukhang doon niya lamang nakilala. Litrato kung saan nakatayo siya sa may dalampasigan. Mga litrato kung saan ay nasa loob siya ng isang ahensya.

At ang bago ay, mga litrato kung saan sya kasalukuyang nagtra-trabaho.

Pagkakataon nga naman, nagtra-trabaho pala sya sa kompanya ng mismong tao na nagpapa-Imbestiga tungkol sa kanya.

Pinindot ko ang mga numero ng Boss ko, kabisado ko iyon sapagkat kailangan. Hindi kasi iyon  maaring ilagay sa contacts sa cellphone, dahil hindi maaari. Para na lamang sa kaligtasan ko, at ng taong pinagtra-trabahuhan ko.

"Sir." Una kong bati sa Boss ko.

"What?" agad niyang tanong. "Do you have new reports about her?" agad niyang tanong.

"Yes, Sir."

"What is it, then?"

"She's here in Manila. And she's currently working in a cleaning serving agency. She has an apartment in ******. And..." naputol ang sasabihin ko ng may marinig ako sa labas ng kwarto ko.

"And what?" agad na sagot niya sa kabilang linya.

Hindi muna ako nagsalita at pinakinggan muna ang tunog mula sa labas. Nang mawala na iyon at nakatiyak na ako, tsaka ko muling nagsalita.

"She's working as one of the cleaning staff's at your company, Sir."

"What?" naringgan ko ang gulat sa boses niya. "Really, huh? What a coincidence. Do you have anything to say?"

 "That's all by now, Sir. I'm still working to know her life several years ago, and I don't think you want to hear them now, I'm still not sure about some things."

"Good. I want you to give me a full report if you're done, I don't want any spill information. I want to know what happen to her. And please..." tumigil siya sandali at tila nag-isip.

"Just keep an eye on her and everything about her, even anyone around her. I don't want to lose her, anymore." Then he gets off.

Napangiti ako. Agad ko ng binaba ang folder at niligpit ang mga litrato. Nilagay ko iyon sa isang case na may lock. Pumasok ako sa banyo ng aking kwarto at tumuntong sa toilet. Inangat ko ang parisukat na plywood doon at saka ko pinasok ang case sa loob ng kisame ng banyo.

Nang maibalik ko na ang plywood, tsaka na ako nagpalit ng damit at nagsuot ng pang-propisyunal na damit.

Nilagay ko ang necktie ko sa aking leeg tsaka na kinuha ang bag na naglalaman ng pamalit kong damit, camera at laptop.

Her Sweet Surrender (Sex Session #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon