Seige's
"Someone recommended you to us." Pahayag ng babae na nakasalamin sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "Po? Recommended? Ako?"
Tumango siya. "Yes. We trust him well, so be thankful. Because of him, you're hired." Saad niya. Tsaka na binalik sa akin ang bio-data ko. "Base naman sa resume mo nakapagtrabaho kana bilang waitress so I think you don't need to undergo a training?"
Pakiramdam ko, napanga-nga ako sa sobrang gulat sa pagkakarinig ko.
Pakiramdam ko, tila ba nabingi ako. At may mga ibon ang gustong sumayaw sa utak ko.
"Y-yes Ma'am!"
"You can start tomorrow. Night shift is the better way to start up. Be here at 6PM. That's all." Saad niya.
"Thank you!" tanging nasabi ko lang.
May trabaho nako?! May trabaho na ulit ako!
Gusto kong magtatalon sa tuwa.
"What are you doing?" agad akong napalingon sa babae na nag-interview sa akin.
"P-po?"
"You may go now." Tsaka niya iminuwestra ang pintuan ng kanyang opisina.
"Ahh. yes! Thank you again, Ma'am!" saad ko tsaka namaalam na.
Natanggap ako! May trabaho na ako!!!!!
* * *
Pagkarating ko sa hamba ng aking pintuan, ibinaba ko agad ang mga dalahin ko. hinanap ko ang susi sa bag ko at ipinasok iyon sa seradura ng pintuan.
Bubuksan ko na sana ng may marinig akong boses sa likod ko.
"Natanggap ka ba?" tanong niya.
Nilingon ko agad siya ng nakangiti. "Oo! Natanggap ako!" saad ko.
"Ah, ibigsabihin pumunta ka nga talaga." Sa halip na pahayag niya tsaka na tumalikod at nagsimula ng maglakad.
Napansin ko lang sa lalaking ito, mahilig tumalikod kahit may sasabihin pa.
Ngunit nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Hindi kaya sya yung nag-recommend sa akin dun sa Restaurant?
"Wait! Teka!" pahabol ko.
Tsaka ako tumakbo palapit sa kanya at hinarangan ang dadaanan niya.
"Ikaw ba yung... yung nag-recommend sa akin dun sa Restaurant?" tanong ko.
"Sa tingin mo, bakit ko naman gagawin yun?" taas-noo niyang sagot. "Malay ko ba sa kakayahan mo, baka mapahiya pa ako kung ako nag-rekomenda sa'yo don." Sagot niya. Tsaka niya ako hinawakan sa balikat at inuusod upang tumabi para makadaan siya.
Tumungo ako. "Kung hindi siya... Sino?" tanong ko sa sarili ko.
* * * *
Inilabas ko ang mga basura mula sa loob apartment ko at inilagay iyon sa tapat. Bukas kasi kukunin ang mga iyon, eh baka wala na ako rito sa bahay at nakapasok na pag dumating yun, mabuti ng handa.
Papasok na ako sa loob ng may naulinigan akong ugong ng sasakyan sa kabilang kalsada. Nilingon ko iyon, ng Makita ko namang magara ito at naisip kong baka sa kapit-bahay ay dumiretso na agad ako ng pasok sa apartment ko.
Kinuha ko ang walis tambo at winalisan ang sala, hindi ko inilabas ang rumi, at hinayaan muna iyon sa sulok. Malas daw kasi iyon.
Paakyat na ako ng hagdan ng may narinig ako sunod-sunod na katok sa may pintuan.
BINABASA MO ANG
Her Sweet Surrender (Sex Session #3)
General Fiction*** SPG/R-18: Not Suitable For Young Readers. *** "I'm a minor and had sex with a 26 years old Guy in the Beach which we're having our Summer Vacation. And that's my best Summer Vacation ever! But, just I thought it was... indeed, it was not." -Seig...