Nine: Eloid

27.8K 286 32
                                    

Ginoo's


Patungo na ako sa dalampasigan. Hindi kasi ako dalawin ng antok at gusto kong magpahangin. Umaasa rin akong makikita kong muli siyang nakatanaw sa kalangitan, pinagmamasdan ito mula sa batuhan sa tagong parte ng dalampasigan. Nakaupo at nakapikit. At nasa mukha niya ang kapayapaan.

Pero napahinto ako ng matanaw ko siya di kalayuan sa aking pwesto. Nakaharap siya sa isang lalaki.

Maya-maya pa, nakita ko siyang tumakbo papalayo roon, tingin ko nga'y umiiyak siya.

Nakaramdam ako ng awa, sapagkat palagi ko na lamang siyang nakikita umiiyak, malungkot at tila napakalalim ng iniisip. Tapos ngayon, makikita ko na naman siyang ganun? Bakit? Sa anong dahilan?

Sino ba ang lalaking kausap niyang iyon?

Hindi na ako nag-isip pa at nilapitan ko ang lalaki, pero palapit pa lamang ako ay napahinto na ako.

Hindi. Hindi pwede.

Kilala ko ang lalaking ito. Bakit sya naririto?


**

Seige's


"2,000 deposit. 1,000 advance. 500 araw-araw kung hulugan. 15,000 naman ang halaga ng apartment, hindi pa kasama don ang deposit at ang advance. Bale... 15 plus... 2... 3..." unti-unti syang nanahimik at tumaas ang eyeballs niya. Tila nag-iisip ng malalim habang nagbibilang.

"... 18,000 sa isang buwan!"

 "Po?" tila ba nabingi ako sa halagang sinabi ng matandang ale.

"Bingi ka ba?" mataray na tanong sa akin ng matandang naka-rollers pa ang buhok, at napaka-nipis ng kilay.

"Ah-Eh, para san po yung deposit at advance?"

"Aba malay ko! lahat ata ng nagpa-pa-apartment dito, may ganyan no!" tsaka siya lumapit sa akin, tila may ibubulong. "Nakikigaya lang ako!" sabi niya tsaka humalakhak ng napaka-tinis. Kaya't lihim akong napangiwi.

"Oh ano, Nene, kukunin mo ba?" tanong niya habang nakalahad sa akin ang kanyang kamay. Tila hinihintay ang pag-abot ko ng pera sa kanya.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang apartment. Simple lang ito, may tamang espasyo upang maging sala, kusina at kainan. May maliit na banyo rin sa sulok malapit sa hagdan, patungo sa maliit na kwarto sa itaas. Tamang-tama lang sa isang tao upang tirhan. Pinaka-matinong apartment na nakita ko sa buong araw kong paghahanap.

"Hoy! Ano kukunin mo na ba? Aba'y pinaghihintay mo ako sa wala ah? Pinaka-mura na nga ito kung tutuusin—"

"Oho, kukunin ko na ho."

Tila ba lumiwanag ang mukha nito at ngiting-aso. "Oh akin na ang bayad! Akin na!" nagmamadaling suhestyon nito.

Pilit akong ngumiti. Pero sa loob-loob ko, mukhang-pera naman itong ale na to'!

Kinuha ko ang wallet ko, tiningnan kong may sapat pa ba akong pera. Nang tansahin ko ito, habang ang ale ay nakatanaw rin, nalaman kong kulang iyon upang mabuo ang labing-walong libong piso.

"Ay kulang—"

"Kahit magkano na lamang ang ibigay mo, iabot mo na lang ang kulang! Sige na, akin na!" pamimilit niya.

Nanlaki ang mata ko sa inasal ng matandang ale. Dumukot ako ng limang libo at iyon ang iniabot sa kanya. Nalukot naman ang mukha niya, marahil ang akala niya ay ibibigay ko sa kanya lahat. Pero hindi na lamang sya kumibo at tiningnan na lang ako ng masama. "Kelan mo ibibigay ang kulang? Advance at deposit pa lamang ito ha! Pati, isasama ko na ang hulog mo para sa apat na araw. Kaya't hindi ko na ibabalik ang dalawang libo mo!" sabi nito habang binibilang ang iniabot ko. "Teka nga lang, ibubuo mo ba ang bayad na 15k? o huhulog-hulugan mo araw-araw ng limang daan?" tanong nito.

Her Sweet Surrender (Sex Session #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon