Ten: B&B Enterprise

23.1K 215 27
                                    

AN: Sana Magustuha niyo. Hindi ako masyadong satisfied dito sapagkat, pinahaba ko talaga ag hair niya ng bonggang-bongga. Ang dami niyang lalaki, gusto niyo ba ng isa? :D

- - - 

Seige

"Trabaho mo, mula ngayon. Ikaw lagay ko isa sa mga staff dito, meh isa absent ngayon lagnat daw kaya ikaw na palit ko kanya. Assign kayo isa laking kompanya at ikaw linis doon, gabi ikaw trabaho ngayon. Dapat ikaw kaya? Oke?"

Wait. Ipa-process ko muna sa isip ko yung sinabi ng matabang intsik. Ang gulo kasi eh.

"Ano? Ikaw ba kinig sa akin ha? Intindi ka ba?" nanlaki ang mga mata ko dahil bigla siyang sumigaw.

Pakiramdam ko, nanuot yung init sa katawan ko dahil sa kahihiyan. Kaya't tiningnan ko ang paligid pero, wala namang nakatingin sa akin.

Binalik ko ang tingin sa Boss ko. tsaka sunod-sunod na tumango.

Tinuro niya sa akin ang magiging uniform ko. umalis na ako sa harap niya at nagtanong sa isang medyo may edad na ding babae na dumaan. "Ate, asan po yung C.R?"

Nakangiti niya akong binalingan at sinabing sasamahan na lamang niya ako patungo roon.

Pumasok kami sa isang kwarto na may lockers din, mukhang quarter's iyon para sa mga empleyado. Sa bandang gilid ng kwarto naroon ang banyo. "Bago ka, Ineng?" tanong niya.

"Opo!" nakangiti kong sagot.

"Nasigawan ka din ni Mr. Wi?"

Medyo nalungkot ako, kasi kabago-bago ko pa lang nasigawan agad ako. Buti hindi ako pinatalsik. Naalala ko pa naman din yung banta sa akin ni Mr. Wi. Na sisipain niya daw ako palabas ng opisna niya pag tatamad-tamad ako. -______-

"Okay lang yun, Ineng. Natural na kay Mr. Wi ang manigaw. Madami kasi dito ang hindi maintindihan agad ang sinasabi niya, kaya akala ni Mr. Wi, hindi siya pinapakinggan."

Napatingin ako sa kanya at muling ngumiti. "Ganun po ba? Akala ko kasi patatalsikin na niya ako kanina eh. Kailangang kailangan ko po kasi talaga ng trabaho ngayon."

"Lahat naman tayo rito. Nga pala anong pangalan mo?"

"Mae po. Seige Mae Clasto." Pagpapakilala ko.

"Rinna. Pero tawagin mo na lang ako Nanay Rinna, iyon kasi ang tawag sakin ng mga kasamahan natin. Oh sige, Ineng. Mauna na ako sa'yo upang makapag-bihis ka na r'yan ha?" pamamaalam ni Nanay Rinna.

"Sige po. Salamat po, Nanay Rinna!"

Muli niya akong nginitian. At tsaka na lumabas dala-dala ang kinuha niyang maliit na bag na mukhang nilalagay sa bewang, mula roon sa locker niya.

Pumasok na ako sa banyo at nagpalit na.

Hinanap ko ang numero ng locker na nakalaan sa akin tsaka ko nilagay ang pinagbihisan ko roon. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang binili kong lock na may password tsaka ko nilagay roon sa locker ko.

Pagkatapos ko, lumabas na ako. Nakita ko ang mga kasamahan kong naglalabas na ng mga panlinis at pinapasok iyon sa isang van. Nakita ko si Nanay Rinna na kausap si Mr. Wi.

Nilingon niya ako at binigyan ng totoong ngiti.

Naglakad na ako palapit sa kanila. Tiningnan ako ni Mr. Wi. "Ikaw ayos trabaho. Dito Rinna, turo sa'yo dapat iyo gawin ha? Ikaw ayos-ayos ha! Wag tamad-tamad. Oke?" tumango lang ako bilang tugon.

Hinawakan ako ni Nanay Rinna sa braso at nagtungo kami sa isang stock room, binigyan niya ako ng cleaning bag, na nilalagay sa bewang. Doon niya nilagay ang   dalawang sprayer na mukhang naglalaman ng sabon at ang isa ay mukhang tubig naman, basahan na kulay blue, brush, maliit na foam at kulay blue na robber gloves.

Her Sweet Surrender (Sex Session #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon