Four: Sean Clane Basquel

36.1K 279 25
                                    


Seige's


Hinawakan ko ang salamin na floor to ceiling ang taas. Habang nakatanaw sa Hotel na pag-aari niya ang aking tingin.

Hindi ko namalayan na tuloy-tuloy na pala ang mga luhang naglandasan mula sa aking mga mata dahil sa pagbabalik-tanaw sa aking nakaraan.

Pinunasan ko ang aking pisnge gamit ang likod ng aking palad.

Huminga ako ng malalim bago pumikit at nag-desisyong magpahinga na. masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa akin.

Nasa taas na ako ng kama at nakatingin sa kisame.

Paano ko kaya sya makakausap?


Bakit ba bumalik pa ako rito?


Sigurado ba akong nandito sya?


Paano kong wala na pala sya rito?


Ang daming tanong ang gumugulo sa utak ko.

Pero binaliwala ko yon at hindi na pinag-isipan pa ng magdesisyong pumunta dito, kaya ngayon binabagabag na ako ng mga katanungang iyon.

Pitong taon... napakatagal na panahon.

Madaming maaring magbago. Kaya paano kong mali ang desisyon ko?

Bahala na bukas...

Sa ngayon. Hahayaan ko munang makapag-pahinga ang sarili ko.

~*~

Ngumiti ako sa harap ng salamin habang nakadikit sa katawan ko ang isang dilaw na bestida.

Ito na lang ang isusuot ko...

Pumasok na ako sa loob ng banyo at nagpalit na ng damit. Plano kong mag-almusal sa Restaurant ng Hotel na ito, tsaka ako lalabas at magi-ikot-ikot sa buong isla.

Pumanaog na ako at pumasok sa Restaurant na nasa Lobby ng Hotel. May mahabang lamesa roon at nakahain ang mga iba't-ibang ulam na nakalagay sa malaking lalagyan na aluminum ang kulay. May mga nakapila sa tapat niyon, at kanya-kanyang dampot ng mga ulam sa lalagyan. Self-service dito, at eat all you can pala tuwing sabado ng umaga. At dahil gutom na gutom na ako, kumuha na ako ng plato sa isang tabi at nagsimula nang pumila kasabay ng iba.

May nakita akong lechong kawali, fish fillet at vegetable salad. Iyon ang kinuha ko. nagsimula na akong kumain, at ng patapos na ako may lumapit sa akin waiter at inalok ako ng wine. Tinanggap ko naman, at pagkatapos ko, tumayo na ako at iniwan ang bayad ko sa platito na nasa table ko.

Lumabas na ako, at nagsimulang maglakad-lakad sa tyangge na matatagpuan di kalayuan sa Hotel na tinutuluyan ko.

Nagtingin-tingin ako ng mga Keychain, printed shirts, at marami pang iba parang pampasalubong.

May isang bagay na kumuha ng aking atensyon, isa iyong bracelet na may naka-ukit na 'Sex on the Beach'. Naalala ko ang cocktail na ininom ko noon, nung una kong punta sa isla na ito.

Dadamputin ko na sana ang purselas na iyon ng may dumampot din doon. Agad ko siyang tiningnan.

"Oh, you like this too?" tanong niya habang turo-turo ang bracelet na nasa kamay na niya.

Ngumiti ako. "Ah! Yes but, it's okay. It's all yours." Pagpapaubaya ko.

Ngumiti siya sa akin pabalik. "Thanks!" sabi niya tsaka binayaran na ang bracelet. Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero, may kakayahan siyang kumuha ng atensyon at interest ng ibang tao. at isa na ako roon.

Her Sweet Surrender (Sex Session #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon