-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA//-CHAPTER 2-//
-JUSTINE'S POV-
"Bakit mo siya sinapak?" mahinahon na tanong ng babaeng nasa harapan ko.
Kinunutan ko siya ng noo, kitang kita ko ang dungis sa mukha niya.
"He deserve that. Kulang pa nga 'yon sa kakapalan ng mukha nya na gawin yan sayo" asik na singhal ko.
"Pero hindi mo siya kilala." Singhal nito ng pagak akong tumawa.
"Then? Dapat ko ba siyang kilalanin bago sapakin? Girl. Hindi kita tinulungan para mag yabang." Asik ko saka ito tinalikuran.
Habang naglalakad ako, rinig na rinig ko ang mga bulungan nila.
Ano bang mali sa ginawa ko.
Eh hindi naman porket gwapo at sikat ang isang Gomez na katulad nya, pwede na siya mag yabang.
F*cking no!. And never!.
"ARAAYY" malakas na impit na sigaw ko ng maramdaman ang isang kamay na mahigpit at marahas na hinila ang braso ko.
Kitang kita ko ang walang emosyon na mukha ng lalaking ito, kinaladkad ako sa isang walang katao tao at walang pakundangan na itinulak.
Mariin akong napapikit dahil sa sakit ng likod na naitama sa pader.
Maangas ko siyang sinamaan ng tingin ng ngumisi siya.
"BUMALIK KA PA TALAGA! F*CK. ALAM MO BA NG DAHIL SA PAGSAPAK NA GINAWA MO! NASERMONAN AKO" singhal nito ng irapan ko siya.
"Bitawan mo ako!" Madiing salitang pag utos ko.
Pero tila mas naging madiin ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko, naging mas malapit ang mukha niya.
Nanlilisik at umiigting ang panga nito sa galit.
Ramdam na ramdam ko ang kakaibang kabog sa dibdib ko ng napunta ang mata nito sa labi ko.
Para akong kakapusin sa pag hinga. Hindi ko alam pero tila kakaiba, ang pagngisi na kumawala sa labi niya ay ang kasabay ng pagtaas ng noo nito.
"Are you freaking crazy, gagawin mo talaga lahat para mapansin kita" asik niya ng napairap ako.
"Bakit ang kapal ng mukha mo? Ikaw? Gugustuhin ko? Ano bang meron sayo?! You're so freaking and fucking immatured" asik ko at akmang itutulak siya, pero para akong namanhid ng bigla nalang natigilan ako sa ginawa ko.
Nakahawak ang magkabila kong kamay sa mismong.......abs niya....f*ck...bakit ang......tig~~~....shit...no!.
"Tsk. Hindi mo ako gusto pero grabe kung damahin mo abs ko?" mahangin na tanong nito ng manlisik ang mata ko.
"Abs?? Hindi ko dinadama yang taba taba mo sa tiyan. Pwede ba umalis ka sa harapan ko. Kung ayaw mong sapakin ulit kita" sabi ko sa pang hahamon na boses.
Bigla niyang hinapit ang braso ko, dahilan para mapasubsob ako, nakahawak na ang kamay ko sa leeg nito.
Ramdam ko na ang malakas na tibok ng puso ko, at halos mapapikit ako sa sobrang kaba ng biglang~...
"Bawat sapak. Halik ang katapat! Now try me.." asik na panghahamon nito ng singhalan ko siya.
Bakit ba ako napapatitig sa mga mata niya?!.
F*ck! Justine no! He's not....handsome.Mabilis ko siyang itinulak, at saka walang pakundangan na tinalikuran ito, pero bago iyon, narinig ko ang pagsasalita niya.
"Sinapak mo ako. At hindi kita titigilan. I will make you're life miserable." Sabi nito na ikinaawang ng labi ko sa gulat.