-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA//-CHAPTER 11-//
-JUSTINE'S POV-
A FEW DAYS LATER:!.
Nagstay ako sa condo ni Marcus Gomez, ang lalaking mayabang at nagpapakulo sa dugo ko dahil sa inis.
Ang lalaking nagnakaw ng first kiss ko.
Tsk. F*ck.
Bakit ba hindi ko pa rin magawang kalimutan 'yong gabi na iyon.
Pasinghal akong bumuga ng hangin na napatitig sa kawalan, papasok na ako sa Campus ng makita ko ang paghakbang na lapit ng grupo ni Kim na ikinakunot noo ko
So here we go again.
"Kaya pala naging masama at mabaho ang amoy ng hangin kasi dumating ka!" natatawang usal nito.
"K-kim ayoko ng gulo" garagal na boses kong sabi ng pagak itong tinawanan ako.
"Oww! Really? Ayaw mo ng gulo eh bakit hindi kapa magkick out dito?!..tsk wag mo sabihin na....sobrang kapal naman ng mukha mo at....balak mo pang nakawan ang mga studyante dito?" asik nito ng umiling akong napatingin sa ilang studyante.
Umugong ang malakas na tawanan at bulungan.
Napapahiya akong napatitig kay Kim ng bigla nitong hablutin ang bag na hawak ko.
"K-kim ano ba!" sabi ko ng hindi nya ako pinansin.
"YOU ALL KNOW HER RIGHT?! SHE'S JUSTINE KATE MENDEZ!. ISANG WALANG KWENTA AT BASURA!!...THEN ANG PINAKA WORST? MAGNANAKAW" sabi nito sa madiing boses ng umiling iling ako.
"Kim! W-wala akong ninanakaw sayo!" Sabi ko saka akmang hahablutin ang bag ko ng malakas ako nitong tinulak
"Wala kang ninakaw pero nakita sa gamit mo" asik nito at walang pakundangan na binuhos sa sahig ang laman ng bag ko.
Halos umawang ang labi ko sa gulat, at sakit ng madiin ako nitong hinawakan sa panga.
Tila mariing umagos ang luhang kanina ko pa pinipigilan, sunod sunod itong pumatak kasabay ng panghihina ng tuhod ko.
Hanggang sa malakas at marahas na kamay ang tumulak sa kaniya.
"STOP IT!. ANO NA NAMAN BANG KABALIWAN TOH KIM?" singhal ng isang boses
And it was....
Marcus Gomez.
Bakas sa mukha nito ang pag iigting ng panga nya sa gulat, hinapit niya ang bewang ko sa harap ng mga studyante na ikinakunot noo nila.
"WHAT THE HELL MARCUS. WAG MO SABIHIN NA MAS KUMAKAMPI KAPA SA BASURANG YAN?" Asik ni kim.
"Pwede ba Kim! Magdahan dahan ka sa pananalita mo, dahil baka magsisisi ka sa oras na malaman mo kung sino at ano ang katotohanan sa buhay nya" singhal ni Marcus.
Tumawa si Kim, pero naging masama ang titig nito sa amin.
"BAKIT MO SIYA PINOPROTEKTAHAN HA?!...OH COME ON MARCUS. ALAM KONG CHIX BOY KA! PERO KUNG PAPATULAN MO TOH! ETONG BASURANG TOH! GOSH!! F*CKING OWEMJIII...NAKAKASUK~" hindi natuloy ni Kim ang anumang sinasabi niya ng sumigaw ng malakas si Marcus.
Nakakapanindig balahibo ang ginawa nyang iyon ng maramdaman ko ang paghablot ng braso nito kay Kim.
"Alam mo ba kung kanino ako nag aalala? Kung kanino ako naaawa ha" sabi ni Marcus sa madiing boses.
"Tsk. Malamang sa kaniya sino paba?" Sabi ni Kim ng pagak na tumawa si Marcus at madiing umiling.
"HINDI! DAHIL MAS NAG AALALA AKO SAYO! MAS NAAAWA AKO SAYO!!...ETONG MGA GINAGAWA MO? HINTAYIN MONG BUMALIK SAYO~...AT HINTAYIN MONG MAWALA LAHAT....NG BAGAY NA MERON SAYO" sabi ni Marcus ng itinulak nito si Kim.