CHAPTER 19

227 6 0
                                    

-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA

//-CHAPTER 19-//
=PANLOLOKO=

                       -JUSTINE'S POV-

You have ten days to live.Isang salitang nagpaulit ulit na umeeko sa tenga ko dahil sa mga sakit at kirot na nasa dibdib ko.Bakit ako pa?Bakit ang sakit sakit na.Tila isang sakit na walang kahit anong salitang pwedeng pumawi nito, ang bigat sa dibdib na animo'y hinihila ako nito pababa na ikinahagulgol ko sa iyak.

Unti unting binalot ng panginginig ang katawan ko bago bumaba mula sa kotse.Ayoko ng mahirapan yung mga taong nasa paligid ko.Ayokong maging pabigat.Pasinghal akong bumuga ng hangin, sinusubukan na wag ituloy ang anumang luha sa mga mata ko na bumubuhos.

"Ayan na pala siya eh" isang boses ng babae na ikinakunot noo ko ng natatawa ako nitong tinitigan.

Anong meron?Bakit lahat sila nakatingin sa akin?.

"Justine" isa pang boses ang kumawala sa isang babaeng tinawag ako, mapait na pagngisi ang iginawad ko ng walang pakundangan ako nitong binuhusan ng malamig na tubig sa mukha ko.

"Deserve. Tsk. Isa kang gold digger na walang kwenta....anong akala mo, tumaas at naging mayaman ka lang....ganun na gagawin mo!" Singhal nito na ikinaawang ng labi ko sa gulat.

"A-ano bang pinagsasabi mo! Bitawan mo ako please...n-nasasaktan ako" sabi ko ng maramdaman ang paghigpit ng kamay nito sa braso ko.

"TALAGA BA? YOU'RE SO F*CKING INDENIAL...KALAT NA KALAT SA BUONG CAMPUS KUNG ANONG PLANO MO! PERO BUKING KANA AGAD" sabi nito saka ako nagawang malakas na tinulak.

Dahilan para mapaupo akong nanghihina sa sahig, sinabayan ng umuugong na bulungan ang madiin at nanlilisik nilang titig sa akin. Sinipa, kinurot....at tinapunan ng kung ano anong pagkain na hawak nila, nanghihina akong napayuko at pinipilit na alisin ang luhang sunod sunod na pumapatak sa mga mata ko.

"AHHHHH!...." sigaw ko ng maramdaman ang sakit dahil sa pag apak ng isang sandal mula sa daliri ko.

And it was Kim.

"AHHH! K-KIM....ARAAYYY! N-NASASAKTAN AKO....T-TAMA NA PLEASE....TAMA NA....AYOKO NA" pagmamakaawa ko ng bigla itong yumuko at hinablot ang buhok kong pinilit na ipaharap sa mukha nya.

"ISANG ANGHEL ANG MUKHA...PERO DEMONYO KA RIN PALA....TSKK....ALAM NAMIN KUNG ANONG MERON SAYO...AT KAY AICA!" asik nito na ikinakunot noo ko, kasabay nito ang malakas na pagtawa nila ang pagpapakita nya ng video.

"N-no! H-hindi yan totoo! Kim ano ba tama na...hindi yan totoo" malakas na sigaw ko ng walang pakundangan nitong ginawaran ako ng malakas na paghampas sa mukha ko.

A s*x video.

Me and James....pero hindi....hindi yun totoo.

"Really?hindi totoo pero mismong ikaw toh right? Having s*x with another guy while you are in a relationship with Gomez. Hindi kalang pala mayabang makalandi ka rin pala" sambit nito ng humahagulgol ako ng iyak na nagmamakaawa, pero sa isang banda....wala akong nagawa kundi umiyak, at tanggapin ang mga salitang binabato nila.

Ang uniporme, punong puno ng dumi....bagsak ang balikat kong lumakad papunta sa locker room ng bigla nalang may isang plastic bottle na sumipa papunta sa mga paa ko...mula sa madilim na parte nito....i saw her....It was Aica.

Nakakapanindig balahibo ang pagkawala ng ngisi nito ng dahan dahan na lumapit sa akin.

"So....kamusta naman Justine? Maganda ba ang bungad ng surpresa ko." Usal nito ng manlisik ang mata kong napatingin sa kaniya.

UNTIL WE MET AGAIN MR.GOMEZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon