CHAPTER 15

213 5 0
                                    

-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA

//-CHAPTER 15-//

                       -JUSTINE'S POV-

K I N A B U K A S A N

It's seven am in the morning.
Dahan dahan akong tumayo mula sa kama, pero ramdam na ramdam ko ang panghihilo at panghihina sa katawan ko.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.Kaya ako napatingin sa malaking salamin mula sa banyo.Tila umawang ang labi ko sa gulat at kaba ng makita ang pagkaputla ng mukha ko, ang tila pamamalat ng labi...bigla din akong napatutop sa bibig ko ng animo'y masusuka ako.

F*ck.
Hindi naman ako buntis noh?! Tsngina kung buntis ako sinong ama?!..tsk. pasinghal akong yumuko para isuka kung ano iyon. Pero nanginginig ang kamay ko sa kaba, tila kakapusin ako sa paghinga ng makita ang sariwang dugo mula sa kamay ko. Tuluyang nanghina at bumagsak ang balikat kong napatingin sa salamin, dito dahan dahan na bumagsak ang luhang hindi ko mapigilan.

"A-anong nangyayari sa'kin? Bakit m-may dugo?!..." garagal na tanong ko habang paulit ulit na tinititigan iyon, hindi ko mawari pero patuloy ang panginginig ng tuhod ko, hanggang sa bigla nalang tila nanlambot ang buo kong katawan at walang pakundangan na napabagsak mula sa basang sahig.

____
  
        //-MARCUS POV-//

"NO YOU CANT F*CKING DO THIS TO ME!" asik ni Kim ng bigla nalang ianunsyo ang pagkawala nya sa posisyon bilang Campus queen, at ipinalit mula rito si Justine. Ang nawawala at tunay na anak ni don.ronald.

Napangisi akong napatitig mula sa nagmamakaawang mayabang na si Kim. Tignan mo nga naman, kahit gaano pa kataas ang tingin mo sa sarili mo babagsak ka rin at kakaawaan.

"Marcus, the f*cking you. Kasalanan mo toh hayop ka!" Bigla nya akong hinarap at pilit na hinahampas ng hawakan ko ang kamay nito.

"STOP THIS KIM! LUMABAS LANG ANG KATOTOHANAN!.." madiing sabi ko ng pagak siyang tumawa, pinanlisikan nya ako ng tingin at tinitigan ng masama.

"Really?! Oh talagang nabudol ka ng babaeng yon para mas kampihan mo siya ano! Marcus. Pati ba naman isang basurang walang kwenta, pinapatul~" hindi nito nagawang ituloy ng biglang idiin ang kuko ko sa braso nito dahilan para mapaawang ang labi nito sa sakit.

"Tama na Kim! Yung tinatawag mong basura at walang kwenta. Hindi hamak na mas malakas at makapangyarihan pa sayo. " sabi ko at saka ito tinalikuran.

Pero rinig na rinig ko pa rin ang malakas nitong nanggigil na sigaw dahil sa bumungad sa umaga nito.

Tsk.

Suminghal akong humarap kay Xander.

"Where's she?" madiing tanong ko.

"Wala pa siya Tol. And she's four minutes left sa unang subject" sabi nito na ikinakunot noo ko.

She's late?!.

Tsk ano na naman kaya nangyari sa babaeng 'yon?.

Patingin tingin ako sa gate, pero wala pa rin siya hanggang sa sumunod na ako sa room para dun nalang siya hintayin. Sigurado din naman ako na papasok siya because we have three weeks before the exam.

Umupo ako mula sa likuran ng upuan niya. At bakante iyon. Nagsisimula na ang klase kaya hindi ko mapigilan na mapatingin mula sa labas.Where the hell is she!Sa totoo lang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba, hanggang sa magsisimula na ang pananalita for discussion ng may tumambad na babae mula sa pintuan.

Walang emosyon.Nakataas ang kilay, at bakas dito ang pamumutla ng kaniyang labi.

Kumunot ang noo ko ng mapansin na hindi manlang nya nagawang bumati sa guro, at ang mas naging malala dito...unti unting nagtama ang mata naming dalawa ng nginisian niya lang ako.

UNTIL WE MET AGAIN MR.GOMEZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon