EPILOGUE

373 7 1
                                    

-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA

//-FINALE-//
=PARADISE=

A/N: Free to block and unfriend me sa oras na hindi nyo nagustuhan kung anong ending.

                       -JUSTINE' POV-

SEVEN DAYS BEFORE I DIE.

At paulit ulit na kahilingan ang binubulong ko sa kawalan. Ang makasama ko sa huling nalalabing araw ang lalaking nagparamdam kung paanong mahalin, kung paano ako katanggap tanggap.

And it was Marcus Gomez.

Nakatitig ako sa kawalan habang mariin ang pag yukom ng kamao kong humahagulgol sa kakaiyak, dahil sa sakit at kirot na nasa dibdib ko. Tila patuloy ang pag agos ng mainit na likido ng luha sa pisngi ko kasabay ng muling biglang pagsuka ng dugo sa kamay ko.

Nanginginig akong tinitigan iyon, tila wala akong lakas para magsalita at takot na takot lang na pagak na tumawa.

I was tired for this f*cking life.

"Anak! Hindi kaba talaga magpapagamot? Please let's try...m-malay mo magkaroon ng himala...gagaling ka, at makakasama mo pa siya" usal ni Don.Ronald ng bigla ako nitong hinawakan ng marahan.

"D-dad...im tired...at wala naman ng magagawa yung mga gamot sa sakit ko eh..isa pa...how can i be sure na makakasama ko pa siya? K-kung hindi nya ako magawang harapin? Kung hindi nya ako magawang patawarin" usal ko ng biglang umagos ang luha nito sa mga mata, kitang kita ko kung paano ang sakit sa bawat titig nya.

Malala naba talaga para kaawaan ako?.

"Ang sakit sakit makita na nasa ganyan kang kalagayan. K-kung pwede ko lang akuin ang lahat ng sakit para makabawi ako...g-gagawin ko" sambit nito ng umiling iling ako.

"Dad. Bawing bawi kana...please i have a favor...sa oras na mamatay ako...don't you ever cry! K-kase wala ako sa tabi mo para punasan yang mga luha mo...Take care of yourself dad!...At sa oras na nasa kabaong na ako, wag na wag nyo po sanang buksan yun...Dad, at sa oras na mangyari yon...gusto kong ilibing ako, sa tabi ng libingan ni Mommy" usal ko na nagpatango tango sa kaniya ng ilang beses, isang madiin na paghalik sa noo ko ang ginawa nya bago ako tinalikuran.

Napaawang ang labi kong hinahaplos ang nasa kamay ko, ang promise bracelet na ibinigay ni Marcus. Napangiti akong napasinghap ng hangin bago iyon marahan na hinalikan.

"Kahit sa huling sandali lang" bulong ko sa hangin.

___

Nakatayo ako mula sa bintana ng kwarto ko, ng biglang bumukas ang pintuan at tumambad dito ang taong hindi ko inaasahan...

"M-marc~" hindi ko nagawang ituloy ng makita ang pag landas ng luha sa mga mata nyang tinitigan ako. Kitang kita ko ang pag awang ng labi niya ng napabagsak ang tuhod nito sa panghihina.

"F*ck! B-bakit hindi mo sinabi sa'kin?!...Bakit mo h-hinayaan na saktan kita...bakit mo hinayaan na ipagtulakan kita" garagal na tanong nito ng mahigpit nya akong yakapin, kasabay nito ang pag halik nito sa noo ko.

Naging mahigpit at madiin ang yakap na iyon, animo'y hindi na sya bibitaw ng hawiin ko siya at haplusin ang mukha nya.

Damn.

F*cking i miss him.

Dahan dahan na idinampi ko ang labi ko para halikan siya, and for the first time. Ginawa ko 'toh.

"P-please stay with me...k-kahit sa huling mga araw lang Marcus...g-gusto kitang makasama gusto ko ikaw yung k-katabi ko sa oras na wala na ako...please!" pakiusap ko sa humahagulgol na salita ng muling hinapit nito ang bewang ko para yakapin.

UNTIL WE MET AGAIN MR.GOMEZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon