-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA//-CHAPTER 4-//
-JUSTINE'S POV-
KINABUKASAN
Mabilis ang paglakad ko para makahanap ng sasakyan. Hindi ko pa nasusuklay ang buhok ko at patuloy lang ako sa paglakad.
"Paraaa po" sabi ko sa isang tricycle ng walang hiya akong nilagpasan na ikinasinghal ko.
Pinilit kong pumunta sa gitna ng kalsada, humarang doon at pilit na pinapahinto ang mga sasakyan. Mula sa kinatatayuan ko, rinig na rinig ko ang mga malalakas na busina nila, pero wala akong pake dahil kailangan ko ng maka sakay.
"HOYY!! KUNG MAGPAPAKAMATAY KA WAG KANG MANGDAMAY! SIRAULO" sigaw ng isang lalaki at mabilis na pinaharurot ang sasakyan nito.
Inis akong bumuga ng hangin, desperada na ako sa gagawin ko. Mariin akong napapikit kasabay nito ang pagtayo at pagtitig sa humaharurot na kotseng papalapit sa akin.
*PEEEEEPPPPP*
Nakakabinging pagbusina ang ginawad niya, malakas itong nagpreno sa harapan ko. Walang anumalyang mabilis na lumabas ang isang lalaki sa kotse, at tila ganun nalang ang panlalaki ng mata ko sa gulat ng makita ito.
Isang matandang lalaki.
Masungit ang mukha niya, strikto at sobrang nakakapanindig balahibo ang bawat titig niya. Para akong kakapusin sa paghinga ng makita ang mga tauhan niyang bumaba rin sa kasunod nitong van, may mga hawak na baril na ikina awang ng labi ko."Nasaktan kaba iha?" tanong ng matandang lalaking nasa harapan ko.
"Ha...eh....h-hindi po...sorry po sa abala" sabi ko at akmang tatalikod na ng bigla nalang magkabilang lalaki ang humawak ng madiin sa braso ko.
"Hindi pa ako tapos kausapin ka. Tumatalikod kana!" Asik ng matandang lalaki na mariin kong ikinapikit.
Patay.
Mukha siyang gangster na...
Parang may kung ano sa dibdib ko, sobrang lakas ng kabog....tsk! Kinakabahan ba ako? Eh bakit naman ako matatakot sa kaniya?!.."P-pasensya na po. Pero wala na po kasi akong oras at malalate na ako" sabi ko pa ng bigla siyang ngumisi
"Sumakay kana at ihahatid kita. Siguro naman sa isang Campus na sikat ka nag aaral?" Tanong niya na ikinatango ko.
Hinatak at sapilitang isinakay ako ng mga tauhan nito sa isang kotse. At halos magulat pa ako ng makita kung sino ang nasa loob nito. Isang babaeng tila kaedad ko rin, masungit ang mukha niya at nakatanggap agad ako ng pag irap sa kaniya.
"S-sir...hahanap nalang po ako ng taxi" sabi ko pa at nagbabakasaling makalabas, pero sobrang bossy ng matandang lalaki at hindi ako pinansin sa halip isang ngisi ang ginawad nito sa akin.
"Anong pangalan mo iha?" Tanong nito.
"Ahh...ehhh...J-justine Kate po" usal ko sa garagal na boses na ikinatango nito. Ilang minuto lang din ang lumipas, tila sobrang bagal....animo'y nakakainip...gustong gusto ko ng bumaba dahil sa mga kakaibang titig nila.
"What the hell! Wag ka ngang lumapit sa akin. You're so mabaho" usal ng babaeng katabi ko ng mapait akong ngumisi.
Napaka arte naman neto.
Pero infairness. Ang yaman nila at may mga tauhan pang nakasunod sa kanila...hasyt para tuloy prinsesa ang turing sa kanya..
Ngiting ngiti akong iniisip iyon, ng makarating kami sa campus. Kaagad na akong bumaba ng kotse, pero nanlaki din ang mata ko sa gulat ng bigla nalang ako nitong binangga.