-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA//-CHAPTER 6-//
-JUSTINE'S POV-
Hindi ko magawang itikom ang bibig ko dahil sa gulat at pagkamanghang nakatitig sa tila palasyong bahay na nasa harapan ko. Animo'y nasa isang ulap akong nakalutang dahil sa laki, at ganda nito.
F*ck, nananaginip lang ba ako?! Totoo ba toh? Ang nasa harapan ko ang tila pinapangarap kong matapakan. Bakit tila naging totoo? Yung mga panaginip ko nung bata ako itong ito yon.
"Maam nasa loob po si Don.Ronald and he's already waiting for you" usal ng isang kasambahay na nginisian ko.
Gosssh..pati kasambahay englishera na rin ang peg. Owemjiii..i never expect this.
"Ahh...ehh...M-manang...ang ganda ganda po ng bahay noh? Ang laki pa...ang swerte ni Kim" usal ko ng umiling ito at bahagyang lumapit sa akin.
"Hay naku! Maganda at malaki nga ang bahay magulo naman ang nasa loob. Yung mga tao masasama ang ugali" bulong nito ng mangunot ang noo ko.
Pero hindi ko na 'yon nagawang pansinin at pumasok na ng tuluyan. Sa isang sofa, nakita ko ang walang emosyon na si Don.Ronald bakas sa mukha nito ang pagkainis na nakatitig lang sa babaeng nasa harapan niya. Isang babaeng masungit ang mukha.
"At ipinahiya mo talaga ang anak natin sa ibang tao? Are you out on your mind" singhal ng babae.
Hindi napigilan ni Don.Ronald ang kaniyang sarili ng nakita ko kung paano nito marahas na hinaras hablutin ang braso ng babaeng nasa harapan niya. Kitang kita sa mga mata nito ang galit.
"PWEDE BA! WAG KANG MANGIALAM SA GUSTO KONG GAWIN. ANAK KO SIYA..OO PERO SA ISANG PAGKAKAMALI YON NA HANGGANG NGAYON PINAGSISISIHAN KO" singhal ni Don.Ronald na ikinanlaki ng mata ko.
Akmang aatras sana ako para umalis na ng magtama ang mata naming dalawa ni don.ronald, tila ang kaninang nanlilisik na mga mata nito ay napalitan ng pagiging maamong tupang tinitigan ako.
"Ms.Mendez, hindi ka nagsasabi na nandito kana pala sa pamamahay ko" usal niya ng tumango ako.
"Ah...D-don Ronald. Nandito po ako kasi sabi ni Marcus na pinapatawag nyo ako" sabi ko ng pagak itong tumawa.
"AT SINO YANG BABAENG YAN?!..ANAK MO RIN SA LABAS? NAGHAHABOL NG PERA? MANA?" singhal ng babae ng hindi ito pinansin ni Don.Ronald at sa halip ako ang hinarap niya.
"Oo, Pinatawag kita. Because i want you for being my Personal Maid. Dont worry, wala ka namang ibang gagawin kundi ang magstay at mag aral" usal nito ng mangunot ang noo ko sa pagtataka.
Kailan pa naging maid 'yon.
"P-po"
"Narinig mo ang sinabi ko. I hired you...as my personal maid, pero ituturing kitang anak" sabi nito ng halos malaglag ang panga ko sa gulat.
"ANO?? NABABALIW KA NABA RONALD? GAGAWIN MONG ANAK ANAKAN YANG BABAENG YAN? HINDI PORKET NAHIHIBANG KANA SA PAGHAHANAP SA ANAK MONG NAWAWALA EH KUNG SINO SINONG BASURA NALANG PINUPULOT MO, AND YOU DIDN'T KNOW HER. BAKA ISA PA SIYANG ANAK NG MAGNANAK~" hindi natuloy ng babae ang sinasabi nito ng malakas na suminghal si Don.Ronald
Nakakapanindig balahibo ang boses niya. Ang bawat titig niya, ang bawat galaw niya. Para akong kakapusin sa pag hinga ng dahan dahan itong ngumising inilapat ang kamay sa buhok ko.
"WALA KANG PAKE ALAM KUNG ANONG GAGAWIN KO SA BUHAY KO. HINDI KITA ASAWA. AT GUSTO KO ANG BATANG ITO KAYSA SA PASAWAY AT MALDITANG ANAK MO" asik ni don.ronald dahilan para mariin akong napalunok.