-MISSION TO BREAK THE HEART OF FAMOUS CAMPUS KING-
🌼: WRITTEN BY: ANGELICA//-CHAPTER 12-//
-JUSTINE'S POV-
K I N A B U K A S A N
Nakatulala akong nakatitig mula sa ilang kotse na nakahinto sa harapan ko.
Kunot na kunot pa ang noo ko ng lumabas dito ang tila mahigit sampong mga bodyguard.
Mga nakaitim, nakasalamin at walang emosyon lang na nakatitig sa isa pang kotse.
Pasinghal akong bumuga ng hangin ng dahan dahan na bumukas ang pintuan ng kotseng 'yon.
At tila umawang ang labi ko sa gulat ng makita kung sino ang nasa loob.
It was Marcus Gomez.
Nakapamulsa siya, walang emosyon pero bakas na bakas sa labi nito ang pigil na ngisi.
"Ano na namang trip mo?" Asik ko ng makalapit siya.
Parang hindi ako makahinga.
Animo'y kakapusin ako ng bigla niya nalang hinablot ang braso ko at pilit na pinaikot.
"Hoy! Anong trip mo!" Sabi ko pa ng kumunot lang ang noo nito.
Hindi ko alam, pero ramdam na ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko.
"Be ready" sabi nito.
"Be ready? S-saan? Bakit? Ano bang nangyayari?" Tanong ko pa ng hindi siya magsalita.
Humarap ito sa mga bodyguard at may kung anong itinango.
Mabilis nilang hinatak ang braso ko papasok sa isang van.
"HOY! MARCUS! ANO NA NAMAN BANG KABALIWAN TOH! SAAN MO AKO DADALHIN" singhal na sigaw ko.
Pero walang kahit anong sagot akong nakuha na galing sa kaniya.
"Tumahimik ka nalang" sabi ng isang lalaki ng marahas nilang tinakpan at itinali ang kamay at mata ko.
Nagpupumiglas, nagsisigaw dahil sa inis na bumalot sa sarili ko.
"Ano ba yan ang ingay"
Naramdaman ko ang paghinto ng kotse ng makaraan lang ang ilang minuto.
Hindi pa nila ako kinakalagan.
At hindi ko alam kung saang lugar nila ako dinala.
"Sige kalagan nyo na" boses iyon ni Marcus.
Nang matanggal ang tali ko sa mata, malakas kong sisipain siya ng hawakan nito ang paa ko at ngumisi.
"Hindi mo na mawawasak itlog ko!" Asik nito saka inilahad ang kamay nya.
"Ano bang kalokohan toh? Anong trip mo saken? Late na ako alam mo ba yun" sabi ko ng humilamos ito sa mukha nya.
"Alam ko, sasama kaba o bubuhatin kita papasok?" Asik nito saka ako tinaasan ng kilay.
We're here in a biggest mall.
Sobrang lawak at sobrang ganda.
Pero ano bang gagawin namin dito?
At bakit may mga bodyguard ng palaging nakasunod sa akin?!.
Tsk!
"Pwede ba bitawan mo ako" sabi ko ng mapansin na tila nakahawak na ang kamay nya sa bewang ko.
"I was just protecting you" sabi nito ng tumawa ako.
"PROTECT?! ANONG AKALA MO SA AKIN? MAY PAPATAY GANUN?!...TSK...SAKA BAKIT BA MAY MGA BODYGUARD?!" naiinis kong tanong ng hindi siya nagsalita.