Nagpalakpakan ang mga dalaga nang matapos kumanta si Maria. Binalik nito an gitara sa malaking bato. Dadamputin sana ni Maria ang isang prutas ngunit hindi ito natuloy dahil napansin nito ang paggalaw ng halaman mula sa malayo.
Pinuntahan iyon ni Maria at nang makalapit ay nagtago siya sa likod ng malaking puno. Sinilip ng dalaga ang halaman. Hindi na iyon gumagalaw ngunit, mula sa kaniyang pinagtataguan ay nakita nito ang tatlong lalaking naglalakad ng maingat patungo sa malaking bato na humaharang sa kanilang pinaliliguan.
Naisip nitong baka mga lalaking manyakis iyon kaya nagmadaling bumalik si Maria sa mga kaibigan upang bigyan ang mga ito ng babala.
"Umahon kayo mula sa tubig!" Sigaw nito ngunit sapat lang upang marinig ng mga kaibigan. Nataka naman ang tatlo ngunit sumunod parin ang mga ito.
"Bakit?" Tanong ni Leonora nang tuluyan itong makaahon sa tubig. Balot ng malong at tatlo at dahil basa ang malong ay lapat na lapat iyon sa kanilang mga katawan dahilan kung bakit labas na labas ang mga kurba sa katawan ng mga ito. Damn! Ang seseksi nila shet.
Napataas ng kilay si Anna nang pasadahan sila ng tingin ni Maria mula ulo hanggang paa. "Huwag mong sasabihing may mga bastos na gustong sumilip sa atin ngayon Maria sapagkat sa titig mo palamang ay wala nang matitira sakanila." Saad ni Anna na pumukaw sa atensiyon ni Maria.
"Eh?" Tanging tugon ni Maria. "Oo nga, may nakita akong tatlong lalaki doon" Tinuro nito ang direksiyon kung saan siya nagmula. "Papunta sila sa likod ng batong 'yan." Dagdag nito sabay turo sa malaking bato sa tabi ng ilog.
Agad na kinuha nina Tanya at Leonora ang kanilang mga damit para isuot habang nanatiling nakabantay sina Maria at Anna sa bato. Napatigil ang dalawa nang marinig nila ang kaluskos na humihina dahil sa ingay ng agos ng tubig.
"Kung sino man ang nasa likod ng batong iyan ay sisiguradohin kong hindi na masisikatan ng araw bukas!" Malakas at matapang na sigaw ni Anna. Nagulat naman ang tatlo dahil sa sinabi nito lalo na si Maria na hindi inaasahang sisigaw si Anna. Damn! Hindi lang hot ang katawan mainitin din ang ulo. In a good way of course.
Narinig naman ng nagbabantay mula sa malayo ang sigaw na iyon ni Anna kaya agad nitong inalarma ang kaniyang mga kasamahan at nagmadali silang tumungo sa likod ng mga bato.
Narinig ng mga dalaga ang yapak ng maraming paa na patungo sa likod ng mga bato. Nang matapos nang magbihis sina Leonora at Tanya ay nagbihis na rin si Anna.
Si Maria ay agad namang nagtungo sa likod ng bato upang tingnan ang nangyayari doon. Nakita ng dalaga ang halos dalawampung guwardiya sibil na nagkalat na ilang metro ang layo mula sa bato. "Binibini ano'ng nangyari? Narinig namin ang pag sigaw ni binibining Anna kanina kaya kami napasugod dito." Pagkausap ng isang medyo may kaedaran nang lalaki kay Maria.
"Ikutin niyo ang buong lugar lalo na sa direksiyong iyon." Sabay turo nito sa direksiyong pinagmulan niya kanina. Kung saan niya nakita ang mga lalaki nagbabaka-sakaling doon din dumaan ang mga iyon.
Lumipas na ang ilang minuto ngunit wala paring mahanap ang mga guwardiya sibil. Naiinip namang nakaupo si Maria sa isang ba'to samantalang ang tatlo ay nag-uusap. Lumapit muli ang isang guwardiya sibil kay Maria "Binibining ikinalulungkot ko ngunit hindi namin nahanap ang tatlong lalaki na iyong tinutukoy." Bagsak balikat na saad nito. "Mas makabubuti kung uuwi na muna kayo nga Señora." Suhestiyon ng isa pang guwardiya na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa.
"Mas mabuti nga, tulungan niyo nalamang po kami sa pagkarga ng mga gamit mga señor kung ayos lamang." Agad na tumayo si Maria upang puntahan ang mga kaibigan.
Tumingala si Anna na nakaupo sa bato upang makita si Maria na nakatayo naman. "Uuwi nalang na muna tayo at ipagpatuloy nalamang natin 'to sa aming tahanan." Saad nito. Nagtinginan ang tatlo at tumango liban kay Anna.
"Hindi ako maaring pumunta sa iyong tahanan. Kasalukuyang may alitan ang ating mga magulang at hindi ikatutuwa ng aking ina kung malalaman niyang nagtungo ako sa inyong tahanan." Saad ni Anna. Nag-isip ng maigi ang apat "Sa amin nalang." Suhestiyon ni Tanya.
Agad na napatingin sakaniya ang mga kaibigan ngunit walang bakas ng pagtutol sa mukha ng mga ito. "Sang ayon ako." Saad ni Anna.
"Sige doon nalang tayo." Dagdag pa ni Maria.
Nagsitayuan ang magkakaibigan at nagsimula nang mag ligpit ng mga gamit. Tinulungan ang mga ito ng mga guwardiya sibil dahilan kung bakit mas napabilis ang pagliligpit.
Nang makarating sa tahanan ni Tanya ay agad silang sinalubong ng mga katulong na nagtataka. Nilapitan sila ng isang may edad nang katulong habang tinutulungan naman sila ng iba pa.
"Bakit napaaga ang inyong pag-uwi Señorita?" Tanong nito kay Tanya habang kinukuha sa dalaga ang bitbit nitong basket.
"Naisin man naming magtagal ngunit mayroong hindi kaaya-ayang nahanap doon, manang." Sagot naman nito. Bakas ang gulat sa mukha ng matanda.
Habang nag-uusap ang dalawa ay napatingin ang mga ito sa lalaking kakalabas lamang sa kanilang tahanan. May malawak na ngita ito sakaniyang labi at tila sabik na nakatingin kay Tanya.
Nang makita ito ng dalaga at nagtama ang kanilang mga tingin ay nakaramdam ito ng ilang at inis. Sa mukha naman ng dalaga ay mababakas ang nararamdaman nito ngunit mas nangibabaw ang mukhang nagtataka.
"Sino 'yan?" Tanong ng dalaga sa matanda habang naglalakad ang mga ito tungo sa lalaki at nakasunod naman sakanila ang kaniyang mga kaibigan na tulad niya ay nagtataka rin kung sino ang lalaki.
"Iyan? Ahhh pumunta ang Señorito rito upang bisitahin ang kaniyang mapapangasawa." Sagot naman nito.
"Bakit? Sino ang ikakasal?" Tanong ulit ng dalaga. Nakikinig na ang mga kasama nito sa pag-uusap ng dalawa.
Sasagot na sana ang matanda nang biglang lumapit ang lalaki kay Tanya.
"Amor mío!" Saad nito at akmang yayakap nang harangan ito ng matanda.
"Huwag mo naman pong gulatin ang aking señorita, señor." Nakangiting saad nito. Napaatras naman si Tanya dahil sa ginawa ng binata.
"Hindi pa po kayo kasal kung kaya ay hindi mo pa siya dapat na yakapin o halikan." Dagdag pa nito. Gulat na gulat si Tanya at muntik na nitong mahulog ang hawak na maliit na tela.
"P-po?! Ako ang ikakasal?!"
BINABASA MO ANG
A Past To Fix
Fiksi SejarahIs it possible to go back in time? If you were given a chance to do so, what changes are you going to make? Two girls were forced by destiny to go back in time to fix what their ancestors broke and unravel the secrets that could save three clans and...
