Zadie's POV
"Sigurado ka naba sa desisyon mo zadie?" pagtatanong sa akin ni ms. cruz na may halong lungkot sakaniyang mukha.
"Opo ma'am, huwag kayong mag-alala dadalaw po ako rito paminsan-minsan" ang sagot ko na pilit itinatago ang lungkot na nadarama ko.
Hindi ko naman kasi talaga gustong mag transfer, sa totoo lang napamahal na ako sa mga kaklase ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ni mama na lumipat ako ng school next school year.
Marami narin ang mga gurong pumigil sa akin at kinausap si mama na baka pwedeng huwag nalang ako palipatin, ngunit kahit anong kumbinsi nila ay buo na talaga ang desisyon ni mama.
"Zadieee!" Sigaw ng matalik kong kaibigan na sinalubong ko nang yakap dahil tumatakbo ito palapit sa akin.
Nakayakap ito sa akin ngayon at nilamon kami nang katahimikan. Hindi siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin hanggang sa napagtanto ko na umiiyak na pala ito.
"May problema ba?Cynthia?" Nagtatakang tanong ko dahil hindi ko alam kung bakit ito bigla bigla nalang naiyak.
"Please stay, paano ako?" Saad nito na ikinatikom ng bibig ko. Si Cynthia lang ang pinaka matalik kong kaibigan sa school. Hindi kasi ako pala kaibigan, wala akong interest sa pakikipag kaibigan pero sakanya lang gumaan ang loob ko.
Hindi na ako nagsalita at inalis ko ang pagkakayakap nito saka ako umalis.
Sinubukan niya akong pigilan ngunit hindi ko ito pinansin. Mas mabuti narin siguro ito, Nang sa gayon ay madali niya akong makakalimutan.
Dumating na ang takdang panahon nang pag lipat ko. "Anong personality kaya ang gagamitin ko?" tanong ko sa sarili ko na ikinatawa ko nang mahina.
Naisipan kong maging pala kaibigan nalang at pakisamahan ang mga bagong magiging kaklase ko since transferee naman ako at wala silang alam sa pagkatao ko. Gusto kong magbago, i want to try something new.
Nandito na ako ngayon sa harap ng bagong school na papasukan ko. Anlaki at ang daming gusali, nakakamangha.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalala kong sa 4th floor pa pala ang section ko. Section 1 kasi ako, palagi akong nasa mataas na section at hindi rin ako nawawala sa honorlist kaya paborito ako ng mga teacher sa dati kong paaralan.
"Sino kayang magiging crush ko rito?" Bulong ko sa sarili ko bago pumasok sa room. Wala pa akong nagustuhan sa una kong school dahil sa pinipigilan ko ang sarili ko. Hanggat maaari kasi ay ayokong may makasira sa pag-aaral ko. Pero ngayon ay hindi kona pipigilan, sabi ko nga diba? I WANT TO TRY SOMETHING NEW
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa room, ay may isang lalaki na agad ang naka agaw ng atensyon ko. Tumingin sa akin lahat ng mga bago kong magiging kaklase habang siya ay nakatutok lang sa kaniyang papel.
"found ya" sabi ko sa isip ko, kilala kona kung sino ang magiging inspirasyon ko buong school year.
"Class, please give her a warm welcome. She'll be your new classmate" Saad ng advicer ko kaya winelcome ako ng mga kaklase ko
"Introduce yourself" dagdag pa ni ma'am kaya nagpakilala ako.
Nag ipon ako ng lakas ng loob saka ipinakilala ang sarili ko, kinakabahan ako pero ayokong mag mukhang tanga sa unang araw ko dito sa room.
"Good day everyone! I am Zadie Movida, 16 years old" Maiksing sambit ko saka bahagyang itinungo ang ulo ko bilang pagpapakita ng paggalang.
"sana sa akin siya itabi"
"paawat ka naman"
"alis ka muna dito bro, dun ka muna umupo"rinig kong bulungan sa likod ngunit hindi ko ito pinansin at hinihintay ko nalang si ma'am na sabihin kung saan ako uupo.
Itinuro sa akin ni ma'am ang bakanteng upuan sa likod ng lalaking nakaagaw ng atensyon ko ngunit hindi ako umupo ron
"Hi miss, pwede bang jan ako, medyo malabo kasi mata ko e, hindi ko makikita ron yung nasa slides" Pakiusap ko sa babaeng katabi ng crush ko kahit na ang totoo ay hindi naman talaga malabo ang mata ko, gusto ko lang naman talaga makatabi ang lalaking ito.
Nginitian ako ng babae saka inilipat sa likod ang mga gamit niya kasabay nang pag lipat nito ng upuan.
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.