Jairus POV
Nandtio ako ngayon sa club kasama sila Alcaeus at Aeschylus, nalaman kasi nila yung nangyari sa pag-uusap namin ni Zadie kaya inanyayahan nila akong pumunta rito para kahit papaano ay maibsan yung sakit na nararamdaman ko.
"pre, may magandang babaeng nakatingin sayo, gusto mo ba?"
nakangising tanong sa akin ni Aeschylus ngunit hindi ko ito pinansin
"come on bro, don't be shy"
nakangising saad ni Alcaeus ngunit tinitigan ko lang ito ng masama
"bro, marami namang iba jan e. ano bang meron sa Zadie na 'yan? hindi ka naman ganyan dati"
saad ni Aeschylus kaya agad kong nilagok yung alak at padabog na inilapag yung baso sa table
"kung nandito kayo para dagdagan yung sama ng loob na nararamdaman ko, umuwi nalang tayo"
galit na sagot ko na ikinatikom ng kanilang bibig. nilagyan ni Alcaeus ng alak 'yong baso ko kaya agad ko itong ininom
makalipas ang ilang oras ay lumabas na kami ng club para umuwi, sa ngayon ay sa bahay nila Aeschylus muna ako mananatili.
Lahat kami lasing kaya napag desisyunan nalang namin na maglakad pauwi dahil baka kung mapaano pa kami kapag isa sa amin ang nag drive.
Kahit papaano ay naibsan yung sakit na nararamdaman ko dahil ngayon ay tumatawa kami nila Alcaeus at Aeschylus habang naglalakad
"pre, naaalala mo ba nung umihi ka sa short dati kasi dika makasagot sa recitation?"
Pagtatanong sa akin ni Aeschylus na natatawa
"naaalala ko yan bro nung elementary tayo"
sagot ni Alcaeus kasabay ng paghalakhak nito
"wag niyo nanga ipaalala, akala ko ba ibabaon na natin sa hukay ang ala-alang iyon?"
masungit na saad ko ngunit humalakhak lang sila na parang mga naka takas sa mental
Habang tumatawa sila ay napapikit ako dahil sa may biglang sumalubong sa akin na sobrang liwanag dahilan ng aking pag tumba.
Nakahiga ako ngayon at hindi ko magawang imulat ang aking mga mata ngunit naaaninag ko ang iba ibang kulay ng mga ilaw, naririnig ko ang ingay ng mga ambulansya at ang walang tigil na pag-iyak nila Alcaeus at Aeschylus.
"Pre, dadalhin kana namin sa hospital!! wag kang pipikit pre!!"
Saad ni Aeschylus na pilit tinatapik ang aking mga pisngi
"Bro!!! please stay awake!!!"
saad naman ni Alcaeus habang humahagulgol
sobrang bigat na ng mga mata ko at nanghihina ang katawan ko, gusto kong pumikit para ipahinga ang mga mata ko dahil hindi kona mapigilan ang pagbagsak nito
Aeschylus POV
Nagtatawanan kami ngayon ni Alcaeus habang naglalakad kasama si Jairus, sa totoo lang hindi naman talaga ako masaya. Nalulungkot ako para kay Jairus dahil sa unang pagkakataon ay ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang dahil lang sa isang babae
Nagising ang diwa ko at nanghina ang mga tuhod ko nang makita kong may biglang nakabangga kay Jairus na sasakyan. Agad na tumakbo si Alcaeus papunta kay Jairus habang ako ay para bang napako ako sa aking kinatatayuan. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Mabilis na tumulo ang mga luha ko, gusto kong lumapit kay Jairus ngunit hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko at tanging pagbuhos lang ng mga luha ko ang nagagawa ko ngayon.
Sinigawan ako ni Alcaeus kaya nagising ang pagkatao ko, mabilis akong tumakbo palapit kay Jairus at sinubukan itong gisingin nang gisingin, habang si Alcaeus ay tumawag ng ambulansya.
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
Fiksi PenggemarA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.