Zadie's POV
Nandito na kami ngayon ni Kiro sa cafeteria at kumakain. nahihiya akong ngumuya dahil pinagmamasdan ako ni Kiro habang kumakain ako
"bakit hindi kapa kumakain?"
pagtatanong ko kay Kiro dahil hindi pa nito ginagalaw ang pagkaing nasa table namin.
"mapagmasdan ko lang ang mukha mo, busog na ako"
nakangising saad nito kaya huminto ako sa pagnguya at tinitigan ito, isang titig na nagtatanong kung seryoso ba siya sa sinasabi niya. ang corny kasi parang sira
"biro lang, tapusin mo nayan"
saad niya ngunit hindi ko ipinagpatuloy kainin ang kinakain ko
"ayoko"
mataray na saad ko
"eat it, or else.."
seryosong saad nito
"or else?what?"
mataray na sagot ko
"I'll eat you"
saad ni Kiro kasabay ng pag ngiti nito.
Hindi na ako nakasagot at mabilis na ipinagpatuloy kainin ang kinakain ko, ang creepy naman ng lalaking ito pero gusto kong itigil ang pagkain nito para masubukan yung else na sinasabi niya. pero syempre joke lang"ang unfair, dapat kumain ka rin e"
nakangusong saad ko saka ibinaling ang tingin sa kung saan
"i won't eat, until you're finished"
saad nito na ikinakunot ng noo ko
"eat it, or else.."
panggagaya ko sa litanya niya kanina
"else what? you'll eat me?oh.. come on Zadie, eat me please"
nakangising saad nito kaya agad kong nilagok yung juice na nakalapag sa table namin dahil muntik na akong mabilaukan.
"are you ok?"
nag-aalalang tanong nito
"ok mo mukha mo"
mataray na saad ko
"wag kanang kumain"
dagdag kopa saka tumayo para lumabas
"hey hey! fine, I'll eat. umupo kana ulit please"
pag pigil sa akin ni Kiro kaya muli akong bumalik sa upuan ko at tahimik na kumain
pagtapos namin kumain ay lumabas na kami para bumalik sa room.
nanlambot ang mga tuhod ko ng hawakan ako ni Kiro sa kamay habang paakyat kami sa hagdan, kakaiba talaga ang lalaking ito, kahit sa simpleng paghawak lang ay nanghihina ako.
nandito na kami ngayon sa room, nakaupo at tahimik na nakikinig sa discussion. sa labas ng room lang kami madalas mag-usap pero kapag nasa room kami ay naka focus kami sa pag-aaral.
ramdam kong naipon lahat ng dugo ko sa mga pisngi ko ng biglang sumandal sa akin si Kiro
"i am sleepy"
walang buhay na litanya nito habang nakapatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. hindi ako makagalaw at para bang napako ako sa kinauupuan ko.
hinaplos ko ang buhok nito habang nakikinig sa discussion ni Sir, wala lang, gustong gusto ko talagang hinahaplos ang buhok ni Kiro.
makalipas ang ilang oras ay sawakas uwian na, nag paalam ako kay Kiro na mag-isa akong uuwi dahil susunduin ako kahit na ang totoo ay wala naman talaga akong sundo, hihintayin ko kasi si Jairus sa favorite spot ko para magkausap kami.
Ilang minuto na akong naghihintay rito habang nag sswing sa duyan ng biglang sumulpot si Jairus. walang kabuhay-buhay ang mukha nito at tila mayroon itong dinadamdam, katulad ng expression niya ngayon yung facial expression niya noong inanyayahan ko siya rito dati.
"you're here"
nakangising saad ko
"Zadie.."
walang buhay na litanya nito ngunit hindi ako nagsalita at inabangan ang mga sasabihin nito
"kayo naba talaga ni Kiro?"
pagtatanong niya ng may lungkot sa tono ng kaniyang pananalita
"hindi, walang kami, bakit?"
sagot ko
"ah akala ko kasi kayo na.."
saad nya
"mabuti naman kung ganon"
dagdag niya pa kasabay ng kaniyang pag buntong hininga
"Zadie.. w-w-wala k-kaba"
nauutal na saad nito na hindi maituloy tuloy ang kaniyang sasabihin ngunit nanatiling tikom ang mga bibig ko at inaabangan ang sasabihin nito
"w-wala k-kaba talagang n-nararamdaman sakin?"
pagtatanong niya, hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. nararamdaman?kung gusto ko sya ganon?bakit naman?i mean, bakit?posible ba na magustuhan ko siya?hindi ko siya maintindihan. may nararamdaman ako sakanya pero sama ng loob, araw-araw ba naman ako bwisitin e
"Nagkulang ba ako Zadie?"
pagtatanong niya ng napaka lamig ng kaniyang boses
"hindi ko alam kung anong pagkukulang ang tinutukoy mo, pero kulang kulang ka talaga"
sarkastikong sagot ko rito
"Zadie... hindi mo ba talaga ramdam?"
pagtatanong nito
"ni minsan ba, hindi mo naramdaman?"
"na gusto kita?"
dagdag pa nito
"Zadie.. simula noong nagpakilala ako sayo, may gusto na ako sayo non"
pagtatapat ni Jairus. hindi ko alam kung ano yung dapat kong maramdaman, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Jairus na si Kiro yung gusto ko.
"hindi ako umamin kasi alam kong may gusto ka kay Kiro"
dagdag pa nito ngunit nanatiling tikom ang bibig ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko
"Pero Zadie... ni minsan ba, hindi mo naramdaman na nasasaktan ako?"
pagtatanong niya na halatang pinipigilan niya ang pagbuhos ng kaniyang luha
"maraming beses ko nang sinubukang humanap ng dahilan, para ipaglaban ka Zadie. para ipaglaban yung nararamdaman ko. maraming beses akong naghanap ng dahilan para ipagpatuloy yung pagkakagusto ko sayo, kasi gusto kitang maging akin at least once in my life. halos lahat ginawa kona para lang mapansin mo o maramdaman mo manlang yung nararamdaman ko para sayo"
mahabang litanya ni Jairus na ngayon ay bumubuhos na ang kaniyang luha mula sa kaniyang mga mata
"I never ask for it"
walang buhay na sagot ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. pero totoo naman, i never ask him to do that, hindi ko naman siguro kasalanan kung ganon sya hindi ba?at the first place, hindi ko alam na may gusto siya sakin
"sorry"
matipid na sagot ni Jairus saka tumalikod at dahan-dahang naglakad palayo sa akin
nakokonsensya ako, sana pala hindi yon ang isinagot ko sakanya. hindi ko rin kasi alam kung ano ang sasabihin ko, sana pala pinag-isipan ko muna kung ano yung sasabihin ko.
walang ganang naglakad ako para umuwi na. pagkarating ko sa gate ay tumambad sa akin si Kiro
"tapos na kayong mag-usap?"
pagtatanong ni Kiro. wtf, pano niya alam na nag-usap kami ni Jairus?
"akala ko nakauwi kana?"
pagtatanong ko sakanya
"hindi ako uuwi hanggat hindi kita naihahatid sainyo"
sagot nito saka inialok sa akin ang kaniyang kamay. ngumiti ako saka tinanggap ang kaniyang kamay at naglakad na kami papunta sa sasakyan para umuwi.
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.