Zadie's POV
nakatingala ako ngayon sa kisame at muling inaalala ang mga nangyari sa date namin ni Kiro
FLASHBACK:
"zadie.."
saad ni Kiro habang hawak-hawak ang kamay ko
"hmm?"
sagot ko, at inaabangan ang sasabihin nito
"itigil mo na ang panliligaw sa akin"
walang buhay na litanya nito na ikinatikom ng bibig ko. may nagawa ba ako?wala naman siguro akong pagkukulang?hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, naubusan ako ng salita at hindi makapag-isip ng tama.
"hayaan mong ako naman ang manligaw sayo"
dagdag ni Kiro na ibinaling ngayon ang tingin sakin, hindi ko alam kung bakit pero ang pakiramdam ko kanina na sobrang bigat ay biglang gumaan, palagay ko ay may sasabihin pa si Kiro kaya nanatiling nakatikom ang mga bibig ko at inabangan ang mga sasabihin nito.
"sa totoo lang, gusto naman talaga kita.. zadie."
nakangising saad ni Kiro
"hindi ko lang pinapahalata, pero gusto rin kita. higit pa sa salitang gusto kita"
dagdag pa nito
"at handa akong patunayan 'yon sayo, yun ay kung mamarapatin mo"
dagdag pa nito kasabay ng paghaplos sa pisngi ko. nag-iinit ang mga pisngi ko at pakiramdam ko ay naipon lahat ng dugo ko rito.
"this is just the beginning of our story, can i court you, zadie?"
tanong nito kaya napahigpit ang hawak ko sakanya kasabay ng hindi mapigilang pag ngiti ko
"yes"
maiksing sagot ko nang nakangisi, i am speechless. wala na akong ibang masabi, hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdaman ko ngayon.
"thankyou, zadie. thankyou for giving me an opportunity to prove myself to you, na ako yung nararapat para sayo"
nakangising saad nito kasabay ng pagyakap sa akin. ang sarap sa pakiramdam. hindi ko mabatid kung totoo ba ito o baka naman panaginip lang?kung panaginip man ito, ayoko ng magising.
naglakad na kami ni Kiro at nagpatuloy sa paglilibot sa bahay na pinasukan namin, nagkkwentuhan kami habang naglalakad, ang lahat ng kilabot na nararamdaman ko kanina ay nawala, wala akong nikatiting na takot na nararamdaman sa ngayon. sa totoo lang, parang ayoko nangang umalis sa lugar na ito, makasama lang sya.
"so bakit dito mo naisipang makipag date sa akin?"
natatawang tanong ko, naccurious kasi ako kung bakit dito niya naisipang makipag date, e andami daming lugar o mall na pwedeng puntahan.
"akala ko kasi matatakutin ka tapos bigla-bigla mo akong yayakapin pag natatakot ka ganon"
natatawang sagot nito, edi sana nag movie date nalang tayo Kiro tapos horror para ka namang ewan
"ahh! natatakot ako!"
sigaw ko kasabay nang pagyakap ko sakanya na ikinahalakhak niya, akmang aalisin ko ang pagkakayakap ko rito ngunit niyakap ako nito ng mahigpit.
"zadie, dito kita dinala kasi i want to make you feel that you're safe whenever you're with me, no matter how scary the place is"
saad ni Kiro na tinanggal ang pagkakayakap sa akin at nakatingin na ito sa mukha ko. nginitian ko ito at muli kaming naglakad para lumabas na dahil balak na naming umuwi, hindi kasi namin namalayan na malalim na pala ang gabi.
END OF FLASHBACK
Umaga na ngayon kaya naman pumunta na ako sa banyo para mag-ayos dahil may pasok pa. hindi na ako makahintay dahil gusto ko ng makita si Kiro.
Nandito na ako ngayon sa ika-apat na palapag ng building at nakita kong nagkukumpulan ang mga kaklase ko sa pintuan, nakisiksik ako at nakita ko ang nakapaskil. Ngayon pala yung revealing ng ranking.
Namangha ako nang makita kong nag tie kami ni Kiro, habang si Jairus ay pumapangalawa sa amin
Movida, Zadie Q. | 98.875% |
Vinzon, Kiro A. | 98.875% |
Thavion, Jairus C. | 97. 375%|
Pumunta na ako sa upuan ko at inilapag ang bag ko
"congrats, kiroo!"
nakangiting bati ko kay Kiro bago umupo.
Akmang uupo na ako nang bigla akong lapitan ni Jairus at binati
"congrats zadie! talino mo talaga kahit hindi halata"
nakangising saad ni Jairus, hindi ko alam kung kinukutya ba ako nito o binabati, pero gusto ko siyang kurutin gamit nail cutter.
"salamat ha"
mataray na saad ko, uupo na dapat ako ngunit niyakap ako ni Jairus. nanatili akong nakatayo at hindi inalis ang pagkakayakap nito
"2, 3.."
saad ni Kiro kaya binalingan ko ito ng tingin
"three seconds na, pwede mo nang tanggalin ang pagkakayakap sakanya"
dagdag pa ni Kiro kaya kumalas si Jairus mula sa pagkakayakap sa akin.
"kayo na?"
pagtatanong ni Jairus sa akin na mukhang curious talaga siya
"hind-"
hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Kiro
"Oo, kami na"
saad ni Kiro ngunit hindi na nagsalita si Jairus at bumalik ito sakanyang upuan kaya umupo narin ako.
"avoid him"
walang buhay na litanya ni Kiro, magsasalita sana ako ngunit tinitigan ako nito nang napaka seryoso ng kaniyang mukha kaya mas minabuti ko nalang na manahimik.
Makalipas ang ilang oras ay sawakas, lunch break na. Lumabas kami ni Kiro para pumunta sa Cafeteria dahil sabay na kaming kumakain tuwing lunch break.
Huminto si Kiro sa paglalakad kaya tinanong ko kung may problema ba
"hintayin mo ako rito, nakalimutan ko sa bag yung wallet ko"
saad niya kaya tumango nalang ako at tahimik na naghintay.
habang hinihintay ko si Kiro ay biglang lumapit sa akin si Jairus, napaka seryoso ng kaniyang mukha kaya palagay ko ay hindi ako bbwisitin nito kaya hindi ko na iniwasan.
"can we talk after class?"
pagtatanong nito, hindi ko alam kung papayag ba ako dahil sabay kaming nauwi ni Kiro at ang sabi ni Kiro sa akin ay iwasan ko siya
"sorry, hindi pwede e"
pag tanggi ko
"please?"
pakiusap nya na mukhang importante talaga ang pag-uusapan kaya pumayag ako, saglit lang naman siguro 'yon kaya pinagbigyan ko na.
saktong pag-alis ni Jairus ay dumating si Kiro
"thankyou for waiting"
saad ni Kiro ngunit nginitian ko lang ito at nagpatuloy kami sa paglalakad patungo sa cafeteria
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanficA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.