Zadie's POV
Nandito ako ngayon sa school at hindi ko mabatid kung bakit ang tahimik ng buong klase. maski si Kiro ay nananahimik kaya nanahimik nalang din ako dahil alam kong may magsasabi rin naman sa akin kung anong meron
Iginala ko ang mga mata ko sa room at napansin na wala si Jairus sa kaniyang upuan. Siguro absent na naman siya, nagiging pala absent na talaga siya. Hanggang ngayon ay nakokonsensya ako sa mga nasabi ko sakaniya pero nangyari na 'yon at wala na akong magagawa. gusto kong mag apologize kaso nga lang wala naman siya ngayon, siguro sa ibang araw nalang kapag pumasok na siya.
Tumunog na bell bilang hudyat na lunch break na, hindi ako pinansin ni Kiro at lumabas itong mag-isa kaya hindi ko na sinundan. Gusto kita Kiro, pero hindi ako manlilimos ng atensyon sayo.
Pagkababa ko sa building ay lumapit sa akin si Alcaeus at si Aeschylus, ang mga tropa ni Jairus. walang kabuhay-buhay ang mga mukha nito at may iniabot sa aking notebook at agad ko naman itong kinuha.
"Si Jairus, nag transfer siya"
walang buhay na litanya ni Aeschylus at agad silang umalis.
Hindi na ako nakasagot at naibagsak ko ang notebook na hawak ko, para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ko na alam ngayon kung ano ang gagawin ko. Paano ako hihingi ng sorry sakanya?bakit ngayon pa siya nag transfer?hindi pwede to, wala akong pakealam kung mag transfer siya basta kailangan ko siyang makausap manlang.
Akmang hahabulin ko sana sila Aeschylus para sana hingin yung number ni Jairus para magkausap kami kahit sa tawag lang, ngunit nakita ko sa lupa yung notebook na naibagsak ko kaya pinulot ko nalang ito at pumunta sa library para tignan kung anong nilalaman ng notebook na ito.
Nandito na ako ngayon sa library at umupo sa bandang dulo na may table para walang abala. binuklat ko ang notebook at drawing bumungad sa akin, kamukha ko ang nasa larawan at may mga nakasulat dito.
"ang ganda mo rito, mahal ko"
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti, sa larawan na yon ay itinatali ko ang buhok ko. Hindi ko alam na magaling palang gumuhit ang mokong na 'yon pero ano ang ibig niyang sabihin na ang ganda ko ron?so doon lang ako maganda?tss
Pagbuklat ko ulit ay bumungad naman sa akin ang drawing na mukha ko ulit, nakatayo ako sa harap ng pisara
"ang galing-galing mo mag report, sobrang hinahangaan kita"
Nakasulat dito, alam kong magaling ako mag report no rang tanga.
Nagpatuloy ako sa pagbuklat ng mga pahina at hindi namalayang nakangiti na pala ako. Jusko, may magagawa lang palang matino ang lalaking ito pag magtatransfer na. Pero hinahangaan ko siya dahil hindi ko alam na napaka galing niya palang gumuhit, sa totoo lang isa sa standard ko sa isang lalaki ay yung magaling gumuhit.
Pagkarating ko sa pinakadulong pahina ay para bang nahigop lahat ng inerhiya ko sa katawan, ang kaninang mukha ko na hanggang panga ang ngiti ay nawala. Napalitan ito ng isang expression na hindi maipinta, hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako sa ngayon.
Sa huling pahina ay naka drawing roon si Jairus, Kiro at ako. Magkahawak kami ni Kiro ng kamay at nakatingin sa isa't-isa, habang si Jairus naman ay nasa malayo at pinagmamasdan kami.
"continue these chapters with Kiro, be happy with him. I am raising my white flag, Zadie."
Nakasulat dito, hindi ko alam na malalim pala talaga ang pagkakagusto sa akin ni Jairus. Kung alam ko lang sana.
Ngayon naiintindihan kona kung bakit niya ako tinatanong dati kung sino ba ang mas pipiliin ko, yung taong gusto ko?o yung taong may gusto sa akin? nagkamali ba ako ng pinili?pero gustong-gusto ko si Kiro at araw-araw ko siyang pipiliin ano man ang mangyari.
Lumabas na ako sa Library at tahimik na pumunta sa Cafeteria para kumain.
Nandito na ako ngayon sa cafeteria ngunit hindi ko magawang nguyain ang pagkain ko dahil wala akong gana, iligtas mo naman ako sa kalungkutang nararamdaman ko ngayon, Kiro.
Bumalik na ako sa room dahil gusto kong makita si Kiro, kapag kasi nakikita ko siya, lahat ng sakit na nararamdaman ko ay naiibsan. kahit nga kapag galit ako e, makita ko lang siya, nawawala na yung galit ko.
Pagkapasok ko sa room ay walang Kiro na tumambad sa akin, naisipan kong kunin kila Aeschylus yung number ni Jairus ngunit wala rin sila. Hindi pa sila bumabalik.
30 minutes nalang ay mag-uuwian na, ngunit wala parin si Kiro, Aeschylus at Alcaeus. Saan kaya pumunta ang mga yon? di bale na, may bukas pa naman.
Uwian na kaya agad kong inayos ang mga gamit ko para umuwi, mag-isa akong uuwi ngayon dahil wala si Kiro.
Pagkarating ko sa bahay ay nag-ayos na ako ng sarili para matulog, idadaan ko nalang siguro sa tulog lahat ng nararamdaman ko ngayon.
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.