Jairus POV
Akmang susuntukin pa ako ni Kiro nang dumating si Zadie at sumigaw ito.
"magsi tigil na kayo!!" sigaw nito na hingal na hingal kaya binitawan ako ni Kiro. Nakita kong may hawak itong kutsilyo, akala ko ay may gagawin siyang masama sa sarili niya ngunit nalaglag ang panga ko at napanganga ang mga estudyante nang abutan niya kami ni Kiro ng Kutsilyo.
"ayan, magpatayan kayo" saad niya at tumalikod ito saka naglakad paalis. Kahit may pagka eng-eng ka Zadie mahal parin kita.
Sinundan ko ito kaagad at naramdaman ko rin na sumunod sa amin si Kiro.
Bakit koba ginagawa ito?gusto ni Kiro si Zadie at gusto rin siya ni Zadie. May rason paba ako para ipaglaban siya?
Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong panghinaan ng loob dahil lang sa gusto nila ang isa't isa kung milyon-milyon naman ang rason ko para ipaglaban siya.Kay Zadie ko nakita lahat ng gusto ko sa isang babae. Totoong si Zadie ay napaka ganda at matalino, ngunit hindi ko siya nagustuhan dahil maganda siya at matalino. Nagustuhan ko siya dahil sa personalidad niya.
Siya lang yung kaklase kong babae na para bang walang pakealam sa mga lalaki. Hindi niya manlang magawang tapunan ng tingin ang nga kaklase naming lalaki, at napansin ko rin na sa tuwing naglalakad siya sa labas ay hindi siya tumitingin sa mga lalaking nakakasalubong niya.
Para bang wala siyang nikatiting na pake, kahit nga sa akin ay parang wala siyang pakealam. Marami nang babae ang sumubok na harutin ako dahil hindi maikakaila na gwapo ako at matalino, noong wala dito si Zadie ay pumapangalawa ako palagi kay Kiro.
Nasa 3rd floor na kami ngayon at aakyat na sana ako nang dumating ang dalawang tropa ko. Si Alcaeus, at si Aeschylus.
"sumunod ka samin" saad ni Aeschylus na napaka lamig ng boses. Umangal ako ngunit tinitigan ako ng masama ni Alcaeus at itinaas ang mga kilay nito, sinyales na kailangan kong sumama dahil importante talaga ang pag-uusapan.
Walang buhay na sumunod ako sakanila kahit na alam kona kung ano na naman ang pag-uusapan.
Nakaupo kami ngayon sa pinaka dulong table sa cafeteria kung saan kami lang ang tao. Panandalian kaming nagtitigang tatlo at inaabangan kung sino ang magsisimula ng usapan.
"ano na bro?this is the last day" paninimula ni Aeschylus na ikinatikom ng bibig ko. Oonga pala, hindi ko na namalayan na may kasunduan nga pala kami.
"paano ba 'yan, Jairus?i think... we won?" Nakangising saad ni Alcaeus ngunit nanatiling tikom ang mga bibig ko at walang ganang kinuha ang pitaka ko sa bulsa ko.
"here. 10k, tulad ng napag-usapan" walang ganang litanya ko at nakangiting kumuha ng tig 5k ang dalawang mokong.
Flashback:
"Good day everyone! I am Zadie Movida, 16 years old" pagpapakilala ni Zadie na napaka amo ng mukha. Panandalian akong natulala at pinagmamasdan ang natatangi niyang ganda.
"gusto mo siya?" nakangiting saad ni Aeschylus habang si Alcaeus ay nakangiting nakatingin sa akin habang inaabangan ang magiging sagot ko. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakatitig kay Zadie
"maganda siya" saad ni Aeschylus ngunit tinitigan ko lang ito nang seryoso ang mukha saka ibinaling muli ang tingin ko kay Zadie
"sana sa akin siya itabi" dagdag pa ni Aeschylus kaya sinamaan ko siya ngayon ng tingin
"paawat ka naman" natatawang sambit ni Alcaeus
"alis ka muna dito bro, dun ka muna umupo" saad ko habang pinagtutulakan si Alcaeus dahil nakita kong inilibot ni Zadie ang kaniyang tingin sa buong klase. Mukhang naghahanap siya ng bakanteng upuan.
nagsalubong ang dalawang kilay ko at ngumuso nang marinig kong sa likod ni Kiro pinaupo ni ma'am si Zadie. Napabusangot ako nang nakipag palitan si Zadie ng upuan sa katabi ni Kiro. Lahat nalang talaga, inaagaw ni Kiro. Tss
"ok lang 'yan bro" saad ni Alcaeus para pagaanin ang loob ko ngunit hindi ko ito pinansin at ibinaling ko ang tingin ko sa malayo.
"kahit naman sayo siya tumabi, hindi mo parin siya makukuha" pangungutya ni Aeschylus kaya agad akong humarap sakanya at tinignan siya ng masama.
"may babae naba akong hindi napa Oo?" mayabang na tanong ko kay Aeschylus ngunit humalakhak lang ito habang si Alcaeus ay nakangising pinapanood kami
"she's 10.5, don't underestimate her" nakangising saad Aeschylus
"11 out of 10 actually" dagdag ni Alcaeus
"pustahan, magiging akin ang babaeng iyan" wala sa sariling saad ko dahil minamaliit ako nila Aeschylus at Alcaeus
"that's my man" nakangiting saad ni Alcaeus
"fine, kapag naging sayo siya, may 10k ka samin. pero kapag hindi siya naging sayo, bibigyan mo kami ng tig 5k. you only have 2months, matagal na yan ah. ano?deal?" mahabang litanya ni Aeschylus at hindi ko naman ito inangalan dahil tiwala ako sa sarili ko na lahat ng babaeng nagugustuhan ko ay nagiging akin.
"deal" matipid na saad ko saka nakinig na kami sa discussion
End of Flashback
"sabi ko naman sayo, Jairus. hindi magiging sayo si Zadie" nakangising saad ni Aeschylus habang tinatapik ako sa balikat. Pahampas kong inilapag ang dalawa kong kamay sa lamesa na lumikha ng ingay saka umalis at iniwan sila sa kinauupuan nila.
A/N; sa 25 po ako mag a-update, busy sa acads. have a nice day ahead!
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.