Chapter 13: Compete

88 4 5
                                    

Zadie's POV

pag pasok namin ni Kiro sa room ay umupo na kami kaagad dahil 5 minutes late na pala kami. Gusto ko sanang gamutin ang sugat niya sa bandang gilid ng kaniyang labi ngunit hindi na ako nag-abala pang gawin ito dahil may dinidiscuss si Sir

"so Zadie will be the representative of group 1, and you, Kiro.. you will be the representative of group 2"

mahabang litanya ni Sir na hindi ko maintindihan dahil wala kami noong ginawa itong groupings.

hindi na nagsalita si Kiro at hindi manlang tinapunan si sir ng tingin, habang ako ay nanatiling nakatikom ang bibig at inaabangan pa ang iba pang detalye ng gawain.

"I know you don't have any idea what is happening since both of you are 5 minutes late, so let me repeat once again. You too will make a model of a skeleton. kailangan detalyadong detalyado. Kung sino man sainyo ang makakakuha ng mataas na score ay exempted na sa major exams, together with your groupmates"

pagpapaliwanag ni sir at tumango lang ako bilang sinyales ng pag sang-ayon, gayundin naman ang ginawa ni Kiro.

Maraming beses ko ng tinalo si Kiro sa mga paligsahan at may mga pagkakataon din naman na natatalo niya ako, madalas ko siyang mataasan sa mga quizzes at minsan naman nalalamangan niya ako. Ngunit ngayon, hindi ko alam kung bakit nagdadalawang isip ako. Masama ito, kailangan kong makakuha ng mataas na score para maging exempted sa major exams

"don't be so pressured, i will let you win. I can ace those lame major exam easily"

saad ni Kiro na napakalamig ng boses. anong akala sa akin ng lalaking ito hindi ko kayang ipasa yung exam na 'yon?i perfect ko payan e

"as if you can beat me?"

mayabang na saad ko kaya agad niya akong tinignan ng masama.

"fine, let's see what will happen"

saad niya at tinarayan ako. gagi, bakit marunong siyang manaray?ang cute gusto ko siyang galitin ng paulit-ulit makita lang yung taray na yon

Pagtapos ng last period namin ay agad akong umuwi para simulang gawin yung project, dalawang araw lang kasi yung ibinigay sa amin. Hindi kona pinatulong yung mga kagrupo ko dahil time consuming lang, mas mabilis matatapos kung ako lang ang gagawa, walang sagabal.

Natapos kona ang ilang parte, ramdam ko na pabagsak na ang mga mata ko kaya mas minabuti kong matulog dahil may bukas pa naman. Bukas pag dating  ko ay tatapusin kona ito

Lumipas ang araw na ganon pa rin, hindi kami nagpapansinan ni Kiro habang si Jairus naman ay absent. Bakit kaya absent ang mokong na yon?siya nanga itong lumikha ng gulo, siya pa yung may ganang umabsent.

Naglakad ako pauwi at hindi na sumakay dahil gusto kong mag-isip habang naglalakad. Namimiss ko si Jairus, ang boring pala kapag walang nangungulit sayo.

Pag dating ko sa bahay ay naglinis na ako ng katawan at nag-ayos, saka ipinag patuloy gawin yung model.
Madaling araw na at sawakas ay natapos ko na yung project. Hindi na ako natulog baka hindi pa ako magising, ngayon pa naman yon ipapasa.

Hindi pa ako nakakapasok sa room at nakita kona agad yung project nila Kiro na naka lagay sa table ni Sir. Muntik ko ng mabitawan yung gawa ko dahil hindi maikakaila na mas maganda yung gawa niya. Talo na naman ata ako, hindi pwede 'to. Hindi ako pwedeng matalo, hindi dahil hindi ako magiging exempted sa major exam kundi dahil niyabangan ko si Kiro. dapat pala nanahimik nalang ako

Inilapag ko sa tabi nung gawa nila Kiro yung ginawa ko. Paglipas ng ilang oras ay sawakas pumasok na si Sir, may mga kasama itong iba pang mga teachers.

Matapos namin sila batiin ay nag si upo ito at binuklat ang dala nilang folder. May isinusulat sila rito habang pinagmamasdan yong project namin ni Kiro. Alam kona, sila siguro ang nagbibigay ng grades sa project namin.

Makalipas ang minuto ay tumayo si sir nang nakangisi.

"Congratulations, Kiro. You're exempted on this upcoming examinations, together with your groupmates"

Nakangising saad ni sir ngunit hindi manlang umimik si Kiro at para bang wala itong pakealam. Naghiyawan ang mga kagrupo ni Kiro dahil sa tuwa habang ako ay parang nabagsakan ng langit at lupa. Natalo ako, natalo ako.

"bida bida kasi siya, hindi niya tayo pinatulong e"

"ganyan nangyayari sa mga nagmamagaling"

"nadamay pa tayo sa pagiging bida-bida niya e"

rinig kong bulungan ng mga kagrupo ko habang masama ang tingin sa akin. Hindi ko sila pinansin at nanatiling walang emosyon ang mukha ko na para bang walang pakealam kahit na ang totoo ay hindi ko kayang tanggapin. Kayang kaya kong Ipasa yung major exams, pero paano naman yung mga kagrupo ko?nakokonsensya ako, sana pala hinayaan ko silang tumulong. Masyado kasi akong tiwala sa sarili ko, nagkamali ako, hindi ko na uulitin ang pagkakamaling ito.

"don't blame yourself. ako lang din ang gumawa nung project namin, sadyang hindi ka lang sinwerte ngayon. wag kang makinig sakanila"

Saad ni Kiro ngunit hindi ko manlang ito tinignan dahil ramdam kong pabuhos na ang luha ko, kahit isang salita lang ang bigkasin ko ngayon ay tiyak na maiiyak ako.

"you did your best, sobrang ganda nung gawa mo"

dagdag pa ni Kiro saka inialok sa akin ang kamay niya. Nakipag shake hand ako bilang tanda na tinanggap kona ang pagkatalo. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa mga sinabi niya.

Academic Rivals to LoversWhere stories live. Discover now