Zadie's POV
Pagkapasok ko sa room ay kaagad akong umupo sa upuan ko, sana hindi pumasok si Kiro, nahihiya kasi ako dahil sa nangyari kahapon. Hindi ko parin alam kung para saan yung pagsayaw niya sakin, pero hindi kona aalamin baka kasi hindi maulit.
Habang inaayos ko ang mga gamit ko ay biglang lumapit sa akin si Jairus at umupo sa tabi ko. Jusko, sisirain na naman nito ang araw ko.
"magandang umaga, binibini" nakangiting saad sa akin ni Jairus ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay. Magsasalita pa sana ito nang bigla itong mapatigil sa pagsasalita.
Sinundan ko kung saan nakatingin ang kaniyang mga mata at nakita ko si Kiro sa pintuan na nakatayo habang nakatingin sa amin, sa wakas nandito na siya. Hindi masisira ni Jairus ang araw ko.
Agad na umalis si Jairus sa upuan ni Kiro at laking gulat ko nang ilapag ni Kiro ang bag niya sa kaniyang upuan at hinila ako palabas. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko, pero galit na galit siya.
"ano ba?! dahan dahan lang naman nasasaktan ako!" pasigaw na saad ko dahil ang bilis niyang maglakad at ang higpit ng hawak niya sa kamay ko.
Hindi ito nagsalita at seryosong seryoso ang kaniyang mukha. Nagpatuloy ito sa paglalakad at hinayaan ko lang siya. Mamaya ka sakin Kiro, sisikmuraan talaga kita.
Dinala niya ako sa likod ng cr at isinandal sa pader. Magsasalita dapat ako ng bigla niyang suntukin ang pader sa tabi lang ng mukha ko kaya hindi ako nakapag salita.
Natakot ako bigla kaya tinulak ko siya para makaalis ngunit hindi ko magawa, mas malakas siya sakin. Pilit akong kumakawala nang hawakan niya ang dalawa kong kamay gamit lang ang isa niyang kamay at idinikit ni ito sa pader sa taas ng ulo ko.
May nagawa ata akong labis niyang ikinagalit dahil namumula na ito sa galit.
Mariin niyang tinitigan ang mga mata ko at wala akong nagawa kundi umiwas lang ng tingin dahil parang matutunaw na ako."ano bang problema mo?" pagtatanong ko dahil litong lito na ako sa lalaking ito, umagang-umaga ganito na agad siya.
"why the fuck you're always fucking talking to that fucking Jairus?!"
galit na galit na litanya nito, hindi ko alam kung bakit siya nagagalit e hindi ko naman kinakausap si Jairus, tsaka kung kinakausap ko man siya ano bang pakealam niya ron?wala ba akong karapatang makipag-usap sa kahit kanino?
"e ano naman kun-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang biglang pag dampi ng mga labi nito sa labi ko.
Natigilan ako at hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Para bang sandamakmak na paroparo ang naglalaro ngayon sa sikmura ko.
Nanghihina ang buong katawan ko at hindi ko manlang magawang gumalaw. Ito ang unang beses na may humalik sa akin kaya hinayaan ko nalang si Kiro.
Kumawala ito sa akin at umalis para bumalik sa room, habang ako ay nananatili parin sa kinatatayuan ko. Tulala parin ako sa kawalan at hindi parin mawala ang aking pagka bigla.
Sinubukan ko nang maglakad pabalik sa room dahil baka magsimula na ang klase. Pagkapasok ko sa pintuan ay nakita ko si Kiro na nakaupo sa upuan niya habang nakatingin sa akin kaya agad ko itong iniwasan ng tingin at nahihiyang umupo ako sa upuan ko.
Dumating na si prof kaya sabay sabay kaming tumayo at binati ito.
"ms. movida?ms. movida?" paulit ulit na tanong ni sir kaya nagising ang diwa ko. at agad na tumayo hindi ko pala namalayan na may itinatanong sa akin si sir kanina
"kanina kapa tulala, malalim ata ang iniisip mo ah" saad ni sir ngunit nanatiling nakatikom ang mga bibig ko. umupo ako matapos kong masagot ang tanong ni sir, buti nalang nag advance reading ako kagabi, baka napahiya na ako kung diako nakasagot.
napabuntong hininga nalang ako at nagsimula ng makinig sa discussion ni sir.
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.