Chapter 8: Sleepless Night

100 5 0
                                    

Kiro's POV

4am na at hanggang ngayon ay gising parin ako. Damn it, Zadie! you're driving me crazy again!

Kahit na subukan kong matulog ay hindi  parin mawala sa isip ko si Zadie, ano bang mayroon sa babaeng iyon at napaka laki ng epekto sakin nang bawat kilos o salita niya?

Inaamin ko na minsan na akong nagselos kay Zadie, dahil simula noong dumating siya sa school ay palagi nalang siya ang nangunguna habang ako ay pumapangalawa lang. Hindi maikakaila na likas talagang matalino si Zadie, kahit anong pagsusumikap ang gawin ko ay hindi ko siya magawang lamangan.

Nagalit ako sa sarili ko noon kasi nakaramdam ako ng galit noong nalaman kong si Zadie ang nangunguna sa list nung pagkatapos ng exams. Naibsan din agad ang galit ko nang lapitan niya ako at binati, ang galing ko raw. Sus

Nagpipigil ako ng galit nang lapitan siya ni Jairus, papansin ka talaga tol sana masuntok kita balang araw.

Sinundan ko sila at masaya silang naghaharutan at nagawa pa talagang subuan ni Zadie si Jairus ng sandwich. Sa tuwing iniisip ko kung paano sila magharutan non ay nawawala ako sa katinuan dahil sa galit. Alam kong malabong magkagusto sakin si Zadie dahil kalaban ang turing niya sakin sa room, palagi nalang siyang nakikipag paligsahan sakin sa tuwing may gawain. Hindi ko siya masisisi, baka pinipressure siya ng mga magulang niya.

Pero minsan, naiisip ko rin na baka may gusto siya sakin?wala lang, madalas niya kasi akong ngitian kaya nag-aassume ako.

Ang bigat na nang mata ko at ramdam kong pabagsak na ito kaya natulog na ako.

Paggising ko ay agad akong nagbihis at pumunta sa school. Makikita ko na naman siya, this time hindi na ako mahihiya. Kailangan ko siyang makuha bago ako maunahan nung tarantadong Jairus.

Pagpasok ko sa room ay tumambad sa akin si Jairus at Zadie, nakaupo si Jairus sa upuan ko at para bang mababaliw na ako ngayon sa galit. Galit?hindi ko alam, basta ang alam ko nawala na ako sa sarili ko, gusto kong lapitan si Jairus ngayon at bugbugin. Sa akin lang si Zadie, sa akin lang siya.

Wala ako sa sarili at kusang naglakad ang mga paa ko at dinala ako sa upuan ko. Umalis kaagad si Jairus ng makita niya akong palapit sakanila. Hinila ko si Zadie palabas. Shit, ano ba itong ginagawa ko?ano bang karapatan ko?shit! bakit ba galit na galit ako?nababaliw na ata ako

Academic Rivals to LoversWhere stories live. Discover now