Zadie's POV
Nag ring na ang bell, pahiwatig na lunch break na ngunit hindi ako lumabas at nanatili akong tulala sa upuan ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang mga nangyari kanina. Gusto kong magalit kay Kiro dahil ninakaw niya ang first kiss ko, ngunit hindi ako makaramdam ng kahit na kaunting galit manlang.
Tumayo ako para sana pumunta sa favorite spot ko dahil gusto kong maka langhap ng sariwang hangin, akmang lalabas na ako nang mapansin kong hindi rin pala lumabas si Jairus. Nakaupo ito sa upuan niya at nakatulala sa kawalan.
Ayoko siyang lapitan dahil baka masira lang araw ko ngunit nanaig ang awa ko sakanya dahil mukhang may dinadamdam siya.
"Jairus, pwede ba kitang makausap?may itatanong lang sana ako" saad ko kahit wala naman talaga akong itatanong kaya binalingan niya ako ng tingin at tumango tango ito. Naglakad na ako papunta sa favorite spot ko habang siya ay nakasunod lang sa akin.
"saan tayo pupunta?" pagtatanong nito kaya agad kong sinabi na sa likod ng building ko siya dadalhin
"bata pa ako zadie, hindi pa ako ready" pabirong saad nito ngunit tinignan ko lang ito ng masama na ikinatahimik niya. Wala ka talagang kwenta Jairus kahit kailan. Siguro nagpapanggap ka lang na malungkot para pansinin kita, galing mo last mo na yan.
Nandito na kami ngayon sa likod ng building at agad akong umupo sa duyan habang siya ay umupo sa ugat ng malaking puno.
"ano yung itatanong mo?" paninimula niya ng usapan
"ano ang favorite number mo sa electricfan?" seryosong tanong ko dahil wala akong maisip na tanong.
Humalakhak ito nang humalakhak. Si oa."salamat, zadie" nakangiting saad nito, hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano pero mukhang seryoso naman siya.
"ako naman ang may tanong, binibini" seryosong saad niya at inabangan ko lang na ilahad niya kung ano ba iyong tanong niya.
"sino ang mas pipiliin mo?yung gusto mo o yung gusto ka?" tanong nito at panandaliang nablangko ang utak ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko kasi naranasan ang mapunta sa sitwasyon na iyan, pero kung dumating man yung araw na kailangan kong pumili sa dalawang 'yan, mas pipiliin ko yung gusto ko. Wala lang, gusto ko yung tao e, syempre pipiliin ko yan palagi.
"kung sino yung mas deserving" seryosong sagot ko saka umalis habang si Jairus ay nanatiling nakaupo sa kinauupuan niya. Ngayon ko lang siya nakitang seryoso, nakakapanibago. Namiss ko tuloy bigla yung pangungulit niya
Habang pabalik ako sa room ay nakasalubong ko si Kiro sa hallway. Nahihiya parin ako hanggang ngayon dahil sa mga scenariong naganap kanina kaya hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Mabilis siyang sumunod sa akin at hinawakan ako sa kamay, dahilan para mapatingin ako sakanya at panandaliang nagsalubong ang mga mata namin.
Sobrang bilis nang tibok ng puso ko, nahihirapan akong huminga at ramdam ko ang labis na pag-init ng mga pisngi ko. Nanatili itong nakahawak sa kamay ko habang nakatingin sa mukha ko, kaya tinignan ko rin ito sa mukha upang pag masdan siya.
Ang gwapo pala nang lalaking ito. Ibinaling ko ang tingin ko sa likuran niya para makita kung sino itong lalaking paparating at nakita ko si Jairus na palapit sa amin. Eto na naman yung sinto-sinto.
Napanganga ako at napatakip sa aking bibig gamit ang dalawa kong kamay dahil sa labis na pagkabigla nang biglang iharap ni Jairus si Kiro sa kaniyang sarili at sinuntok ito dahilan para matumba si Kiro at nakita kong nag dugo ang gilid ng labi niya. Pinalilibutan na kami ngayon ng mga estudyante at walang nag aabalang umawat sakanila. Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko at naiiyak na ako ngayon sa sobrang taranta. Shit! Anong gagawin ko!
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.