Chapter 14: Confession

86 4 6
                                    


Zadie's POV

Nasa bahay ako ngayon at nanonood dahil sawakas ay weekend na. Humigop ako sa kape ko at huminga ng malalim. sheesh, this is life. Lulong na lulong ako sa acads at ngayon ko lang ulit naranasang makapag pahinga dahil sa unang pagkakataon ay wala kaming mga assignment. Habang nanonood ako ay biglang pumasok sa isip ko si Kiro, wtf bakit ngayon?wag ngayon nanonood ako Kiro.

"hug me please" saad ni Kiro sa fake scenarios ko, shet ano 'to bakit ganito. Bakit ako nag-iisip ng mga fake scenarios kasama siya, gusto ko naba sya? nagka mental illness pa ako dahil sakanya

Nagising ako sa reyalidad nang matapos na ang pinapanood ko, papansin ka talaga Kiro. Bigla-bigla ka nalang napasok sa isip ko pero gusto ko 'to

Lumipas ang araw at tapos na naman ang maliligayang araw ko dahil pasukan na bukas. Bakit ang bilis ng weekends hindi ko manlang naramdaman. Kung sa bagay, wala naman akong ibang ginawa kundi isipin si Kiro

Pumasok na ako sa school, hindi pa ako nakakarating sa building namin at para bang gusto ko nang mag teleport para makarating agad sa room, bakit ba gustong-gusto kong makita ang lalaking 'yon?nakakainis kana Kiro binabaliw mo talaga ako

Pagpasok ko sa room ay walang Kiro na tumambad sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero gustong-gusto ko na siyang makita.

"good morning, sir. sorry I'm late"
dinig kong saad ng kung sinong nasa pinto. alam kong si Kiro iyon kaya hindi kona tinignan baka kasi isipin niyang namimiss ko siya e, totoo naman.

pagkaupo ni Kiro ay agad na may babaeng lumapit sakanya, si Aurelia, ang muse ng section namin.

"hi Kiro, can we talk for a second?"

nakangiting tanong ni Aurelia kay Kiro ngunit hindi umimik si Kiro. Buti nga sayo papansin sana dika kausapin ni Kiro

"excuse me, zadie. pwede bang doon ka muna umupo sa upuan ko?" pagpapaalam ni Aurelia na agad ko namang tinanggihan

"hindi pwede" mabilis na tugon ko kaya bumusangot ito at bumalik na sa kanyang upuan. Kahit mag wala ka riyan sa galit hindi kita papaupuin dito, hindi ko hahayaan magkausap kayo alam kong hindi naman tungkol sa acads pag-uusapan nyo.
Minsan kona kasing narinig na may gusto si Aurelia kay Kiro.
wait?bakit ba ako nagagalit?nagseselos ba ako o ano?gusto koba si Kiro?baka naman stress lang ako mawawala rin siguro 'to.

nag ring na ang bell bilang hudyat na lunch break na. nakita kong lumabas si Kiro at agad naman itong sinundan ni Aurelia. hindi ko alam kung bakit, pero ayoko silang magkasama. kung pwede lang sana kitang ipagdamot Kiro, pag ako nagkaroon ng karapatan

what if mag confess ako?bago ako maunahan ni Aurelia?late naba ako?naunahan naba ako?hindi pa naman siguro, uunahan ko siya. Kailangang malaman ni Kiro na gusto ko siya, wala akong pake kung di nya ako gusto basta gusto ko siya.

Inabangan ko si Kiro sa labas ng cafeteria at saktong hindi na niya kasama si Aurelia kaya agad ko itong nilapitan. Inaya ko siya na umupo kami saglit sa dulong upuan sa cafeteria at agad naman itong sumunod.
Nakaupo na kami ngayon at hindi ko alam kung paano ko sisimulang umamin, mahirap pala ito kumpara sa inaakala ko.

"Kiro.. I.."

nahihiyang saad ko na hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa labis na hiya ngunit si Kiro ay nakatitig lang sakin habang inaabangan kung ano yung sasabihin ko.

"a-a-i like you Kiro, s-since day 1. I r-really like you. don't ask me why, i don't know e-either. basta a-ang alam ko, gusto k-kita. g-gustong gusto. a-alam kong ang w-weird pakinggan galing sakin pero g-gusto talaga kita"

mahabang litanya ko na ang bilis magsalita at nauutal-utal pa, hindi ko nga alam kung naintindihan ba ni Kiro yung mga sinabi ko, dapat pala nag practice ako. nakakahiya, gusto kong ipalibing sarili ko ng buhay

"i'm not surprised"

maiksing litanya ni Kiro na walang emosyon sa mukha at napaka lamig ng boses saka umalis. hindi ako nakapagsalita at nanatiling nakatungo parin ang ulo ko kahit na umalis na si Kiro. Ano yon?rejected ba ako o ano?I am speechless. puro kahihiyan na talaga nagagawa ko. sana pala diako umamin malamang ipagkakalat niya yan sa buong campus na gusto ko siya

Umakyat na ako sa room at nakinig sa discussion ni Sir. walang pumapasok sa utak ko dahil hanggang ngayon ay nahihiya parin ako kay Kiro. bakit ba ako nag confess?damn, I feel embarrassed.

Uwian na at nagmadali na akong umuwi dahil nahihiya talaga ako kay Kiro. sana bukas paggising ko makalimutan ko lahat 'to.

Academic Rivals to LoversWhere stories live. Discover now