Zadie's POV
Ilang buwan na ang nakalipas simula noong nag transferred out si Jairus, kaya pala hindi kona nakita ang mga tropa niya simula non dahil nag transfer narin pala sila ng school.
Birthday ngayon ni Kiro kaya naisipan kong i-surprise siya. anong surprise naman kaya?wala akong maisip hindi ko pa kasi naranasang mansurprise ng lalaki.
Tinawagan ko si Kiro at inaya siyang kumain sa labas dahil birthday niya ngayon, only child kasi si Kiro at ang mga magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa kaya wala siyang pamilya na mag c-celebrate ng birthday niya.
Nandito na kami ngayon sa isang mamahaling restaurant, hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Kiro dahil napaka gwapo nito. Naiilang ako dahil pinagmamasdan din ako nito.
"Ano po ang order niyo ma'am?"
Pagtatanong sa amin ng isang waiter kaya sinabi na namin kung ano-ano yung mga order namin.
Masaya kaming nag kukwentuhan ni Kiro ngayon habang nakain, napaka gwapo niya talaga kapag nakangiti. Napahinto si Kiro sa pagsasalita ng bigla akong magsalita
"Kiro, itigil mo na ang panliligaw sa akin"
walang buhay na saad ko ngunit tinitigan lang ako nito at itinaas ang kaniyang kilay na nagtatanong kung anong meron
"dahil sinasagot na kita"
dagdag kopa ngunit nanatiling nakatikom ang mga bibig nito at nakatingin lang sa akin
"sabi mo kasi dati, hate na hate mo yung birthday mo dahil ni minsan ay hindi mo pa naranasang mag celebrate kasama ang pamilya mo, kaya ngayon gusto kong magustuhan mo ang araw ng birthday mo"
Naiilang na pagpapaliwanag ko, nagulat ako nang bigla itong tumayo
"guyss, girlfriend kona ang babaeng ito!"
sigaw niya nang nakatingin sa maraming tao habang nakaturo sa akin, nahihiya ako ngayon dahil pinagtitinginan kami ng mga tao.
"sawakas ay sinagot na niya ako, simula ngayon ay pagmamay-ari kona ang babaeng ito"
nakangiting saad ni Kiro kaya pumalakpak ang mga tao sa paligid namin na mukhang masaya rin sila
"congrats bro, you deserve it"
"nakakainggit naman"
"congrats bro"
dinig kong saad ng mga tao sa paligid namin kaya pinaupo ko si Kiro dahil nahihiya na ako, hindi ko alam kung bakit pero napaka-init na ngayon ng pisngi ko at hindi ko napigilan ang mga paro-parong pilit na naglalaro sa sikmura ko.
"Iloveyouuu, love"
saad ni Kiro kasabay ng paghawak sa mga kamay ko, nahihirapan akong huminga. shet naman, ganito pala ang feeling ng maging bf ang isang Kiro.
Nakatingin ito sa akin at inaabangan ang isasagot ko, huhu nakakahiyaaaa.
"a-i l-loveyou too, l-love"
sagot ko ngunit humikbi ito
"ihhh, pilit naman ih, isa pa po please"
pagpapabebe nito, gusto kong tumakbo palabas dahil hindi kona makayanan ang lalaking ito, ngayon ko lang siya nakitang nagpabebe, sobrang cute hindi ko matiis.
"lovee??babyyy??"
nakasimangot na saad nito, parang tanga
"iloveyoutoo, mylove"
nakangiting sagot ko
"ihhh, parang sira naman to"
saad niya na parang bata, bakit ganon nakakakilig. ang cute cute gusto kong tirisin
Makalipas ang ilang minutong paghaharutan namin ay lumabas na kami para umuwi
Pagkarating namin sa bahay ni Kiro ay agad itong nagbihis, tumalikod ako dahil sa harap ko ito nagbihis. parang tanga
"bukas na bukas ay papauwiin ko rito si mom and dad para maipakilala kita sakanila"
saad niya kaya nagulat ako at agad akong napaharap sakanya, naipon lahat ng dugo ko sa pisngi at naubusan ng salita ng tumambad sa akin ang katawan ni Kiro. akala ko nakapag damit na siya. Nginitian ako nito kaya agad akong naglakad ng mabilis papunta sa kung saan, hindi ko kasi kabisado ang bahay ni Kiro. Hiyang-hiya ako kaya lumayo muna ako sakanya
Makalipas ang ilang minuto ay sawakas tapos na si Kiro magbihis
"umupo ka sa tabi ko, mahal ko"
saad ni Kiro habang nakasandal sa sofa at nanonood ng tv. nahihiyang lumapit ako sakanya at umupo sa tabi niya, hindi ko alam kung bakit ang awkward e di naman kami ganito.
Naglaro ang mga paro-paro sa sikmura ko nang maramdaman kong pumilipit sa bewang ko ang braso ni Kiro dahilan para masandal ako sakanya.
"lovee, kiss me please"
saad nito na parang bata
"i want kiss, a kiss"
dagdag pa nito ngunit hindi ko manlang ito magawang lingunin dahil nahihiya ako
"i-ih n-nakakahiya"
nahihiyang saad ko
"nahihiya ka?should i do it?"
saad niya kaya agad akong humarap sakanya at hinalikan siya sa pisngi
tumayo ito at tumalon talon dahil sa labis na tuwa, para siyang timang, nasobrhan niya pa si Jairus amp
"sinobrahan mo pa pagiging baliw ni Jairus"
natatawang sagot ko ngunit bigla itong nanahimik at umupo sa tabi ko, nawalan ng emosyon ang kaniyang mukha at ibinaling ang kaniyang tingin sa TV
"wag muna banggitin ang pangalan ng isang taong patay na"
walang buhay na litanya ni Kiro na ikinatikom ng bibig ko. tumulo ang luha sa mga mata ko sa hindi malamang dahilan at nanikip ang dibdib ko, ang bigat. sobrang bigat. hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko, pero para bang pinupunit ang puso ko sa hindi malamang dahilan. pumasok sa utak ko ang napakaraming tanong, ngunit hindi ko magawang ibuka ang bibig ko. hindi ako makagalaw at patuloy na bumubuhos ang luha ko habang si Kiro ay nanatiling nakatingin sa TV at hindi ako binalingan ng tingin.
THE END
YOU ARE READING
Academic Rivals to Lovers
FanfictionA story where two person is studious and diligent, they hate each other and compete for everything. But in the end, they fall in love with each other.