Chapter 6: Kiro and Zadie

128 7 4
                                    

Zadie's POV

Lumapit sa akin si Kiro saka hinawakan ang kamay ko. Inilapat niya ang kaliwang kamay niya sa bewang ko habang ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kaliwang kamay ko.

Nanghihina ang mga tuhod ko at parang hinigop ng inerhiya niya ang buong lakas ko. Hindi ako makapag salita at nag iinit ang buong katawan ko.

Labis ang hiya na nararamdaman ko dahil feeling ko ay sobrang pula na ng mukha ko dahil ramdam kong naipon lahat ng dugo ko sa pisngi.

"humawak ka sa balikat ko" saad nito kaya inilapat ko ang kanang kamay ko sa balikat niya. Ang lakas ng kalabog ng puso ko, hindi ko maintindihan kung ano itong nararamdaman ko.

Pero kung may isang bagay na sigurado ako, yun ay ayoko nang kumawala sa pagkakahawak sa lalaking ito.

Ibinaling ko ang tingin ko sa ibang mga kagrupo namin na busy sa pag papractice. Bakit walang connect yung sayaw namin sa itinuro niya sa iba naming kagrupo?

"tignan mo ako sa mata, Binibining Movida. Tumingin ka sa mga mata ko, sa mata ko lang. hindi sa iba" Saad ni Kiro habang nakatingin sa mga mata ko.

Ginantihan ko ito ng tingin at mukhang nagkamali ako ng desisyon dahil hindi kona magawa pang alisin ang tingin ko sa mga mata niya habang isinasayaw niya ako.

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng ingay sa palagid namin at para bang kami nalang ang tao sa kinatatayuan namin ngayon.

"do you like Jairus?" tanong ni Kiro. Hindi ako makapag salita sa labis na lito, dahil hindi ko alam kung bakit niya tinatanong kung gusto ko ba si Jairus.

Gusto kong magsalita pero nanatiling tikom ang mga bibig ko dahil pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas, kahit na mag salita ay hindi ko magawa.

Fuck! nafall na nga ako ng tuluyan. Humahanga na ako sayo Kiro, Inaasahan kong mauuna kang magkagusto sa akin ngunit nagkamali ako. ako pala itong mahina na madaling mahulog. Fine, you won.

Inalis ni Kiro ang pagkakahawak sa akin saka naglakad paalis.

"makakauwi kana, hindi kasama sa performance natin yung ginawa natin" saad nito bago lumabas ng pinto. natigilan ako at hindi makapaniwalang nagawa sa akin yon ni Kiro. Pinagtritripan niya ba ako oh ano?is he trying to make me fall in love?damn it! no need for that. I already have a feelings on you the moment i introduce myself on you, Kiro.

Nakauwi na ako at nagpagulong gulong sa kama ko. I'm screaming silently while kicking my feet. Shet, ang sarap pala mabuhay pag may tao kang nagugustuhan. Sana maulit iyon, habang yon tatatak sa utak ko.

A/N: update ako pag may reader, have a nice day ahead!

Academic Rivals to LoversWhere stories live. Discover now