LUNA
Kanina pa ako paikot ikot dito sa parking lot dahil napag usapan namin kanina ni Elyse na dito ko sya hihintayin
Pero lumipas na ang isang oras pero wala pa rin siya. kanina pa nakulo tyan ko dahil sa gutom
Kung hindi lang niya ako binantaan kanina ay baka nasa bahay na ako ngayon.
"Hi, Miss. mag isa ka lang ba?" Napalingon ako dahil sa nagsalita
"Oh, Luna Allegre right?" Tanong ulit nya ng makita nya mukha ko
"Yes, why?"
Ngayon ko lang 'to nakita dito. hindi kasi familiar ang mukha e
"Nothing, napansin ko lang kasi na mag isa ka." Kamot ulo nyang sabi
Mukha naman syang mabait, pero ayoko pa rin pakampante. baka mamaya nyan holdapper pala to
Tumango lang ako bilang tugon sa kanya. wala akong panahon makipag usap ngayon dahil nag aaway na mga bulate sa tyan ko.
"May sundo kaba? Pwede kita ihatid sa inyo kung wala." Nanatili lang akong nakatingin sa kanya
"Don't worry hindi naman ako gaya ng iniisip mo." Natatawa nyang sabi
Siguro napansin nya sa mga tingin ko na pinag iisipan ko siya ng masama. Mahirap na rin kaya magtiwala ngayon, lalo na't ngayon ko lang to nakita.
"Hindi ka lang kasi familiar sakin."
"Sa kabilang building kasi ako kaya hindi siguro ako familiar sayo." Paliwanag niya
"Ah." Tanging nasabi ko
Asan na ba kasi ang babaeng yon. Tama bang paghintayin ang dyosang gaya ko? hagard na hagard na mukha ko kakahintay sa kanya
"So, sasabay kaba?" Tanong ulit nitong asungot na to, joke
"Salamat nalang, parating na rin naman ang sundo ko." Pilit pa akong ngumiti sa kanya
"Ganon ba, kunin mo nalang itong cookies na binili ko kanina. wag ka mag alala kasi malinis naman yan." Nakangiti pa nyang inabot sakin ang lalagyan ng cookies
Inabot ko nalang yon at nagpasalamat sa kanya. Umalis din naman siya agad kaya napahinga ako ng maluwag
Tinignan ko nalang cookies na binigay niya at kumuha ng isa.
"Don't you dare eat that."
"Anak ng tikbalang!!" Tili ko dahil para akong binulongan ng multo
"Papatayin mo ba ako sa gulat?!" Inis kong sabi sa babaeng kanina ko pa hinihintay
Sobrang sama ng tingin niya sakin ngayon. Lalo na sa cookies na hawak hawak ko.
"Akin na yan." Kalmado nyang sabi pero nanlilisik naman ang mga mata niya
"Ayoko nga. gutom na gutom na kaya ako kakahintay sayo rito." Inis kong sabi sa kanya
"I said give it to me."
Ulit ulit akong napalunok dahil sa sobrang sama ng tingin niya sakin. kulang nalang ay bumuga siya ng apoy ngayon
"O-oh ayan na. 𝖠𝗄𝖺𝗅𝖺 𝗆𝗈 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇 𝗂𝗇𝖺𝖺𝗇𝗈 𝗇𝗀 𝖼𝗈𝗈𝗄𝗂𝖾𝗌." Bulong ko sa huli at inabot sa kanya ang cookies
Napanganga nalang ako nang ihagis niya ang cookies sa kong saan.
'Let's go." Sabi niya at nauna ng maglakad papuntang sasakyan niya