⊶⊰ ⊱⊷
Anhin pa itong bibig na ito
Kung hindi rin naman bibigkas
Ng mga salitang tino at wasto
Na para lamang sa iyo
Unang-una
Ano ba't hindi ko inaakala
Na darating ka sa buhay kong kulang ng sigla
Ginoo, ako ay iyong binigla
Sa momentong ako'y napangiti
Nang marinig ang iyong tula't sabi
Nanginginig ang aking mga labi
Sa t'wing binibigkas mo ang iyong panig
Pangalawa't sa gitnaan
Sa gitnaan ng ating ligawan
Tila ba’t ako'y inaagawan
Ng hinga at oras; o dahan, o dahan
Sangkatutak na tula
Mga mensahe na sana'y iyong binasa
Sa bawat musika na iyong kinanta
Sinta, ako'y palihim na natuwa
Hindi huli at matagal-tagal pa
Dito sa mundong madaya
Marunong kang magparaya;
Na ako'y may pangarap din; malayang-malaya
Sangkatutak na bigkas ng inday
Dakila ang iyong pag-antay
Sikap mo ay walang kapantay
Kaya para sa atin, ginoo; hintay, hintay
⊶⊰ ⊱⊷
YOU ARE READING
A Poet's Diary
PoetryShe doesn't simply cry when she's upset or disappointed, nor does she just smile all day when she finally get to grab that tiny bit of hope. It would be hard for her to talk about love just as simply as bringing up a favorite song, nor would it be e...
